Natasha Ghianne
OH. MY. GOSH.
No. I. Didn't. HINDI KO SIYA NIYAKAP! PISTE NAKAKAHIYAAAA
Nakataklob lang ako sa kumot habang nakahiga sa bed ko. Kanina ko pa pinagsusuntok ang unan! Nakakahiya shet.
Pinapahiya ko lang talaga sarili ko i swear!
Pero gorl akala ko ba ayaw mo sa mas bata? Bakit pagdating sa kaniya bigay na bigay ka? Tapos nagba-bye pa siya kanina? like wtf!
He's so HANDSOME. Like nakangiti siya sa'kin noong nag "bye" siya. It was so HOT for him to do.
Kakatapos ko lang mag dinner at ngayon lang magsink-in sa utak ko lahat ng nangyare kanina sa subdivision nina Aurella.
Pero hindi ko maitatanggi. Noong niyakap ko siya, his body was so....Matured. I mean parang matured-type at hindi halatang magse-seventeen palang 'yon.
Tigas ng dibdib niya. No joke.
"Hoy dhaii, nasa baba si Ethan!" Biglaang sambit ng pinsan ko na magse-sleepover dito sa bahay mamaya na si Fiona.
"Ha? Ginagawa niya dito?" tanong ko. "Ewan ko, lasing na lasing teh! Hinahanap ka daw. Ta's ayon sabi ni Tita tawagin daw kita at puntahan mo daw."
Iritado man ako ay dali-dali akong lumabas para puntahan si Ethan. Hay nako 'tong lalakeng 'to oh!
"Ano ba, Ethan! Gabi na oh, umuwi kana." sambit ko sa kaniya nang makita ko siyang nasa labas ng bahay nakatayo lang sa harap ng pintuan.
"No, Natasha please. Bigyan mo'ko ng pagkakataon. Promise, pag ikaw na naging girlfriend ko, hindi na ako mambababae." napa-irap nalang ako sa sinabe niya.
"Ethan, lasing kalang, umuwi kana!" sambit ko pero niyakap niya lang ako.
Pinaghahampas ko siya sa likuran. "Ethan, ano ba!" Naitulak ko siya ulit at napaupo siya sa tiles. "Sabing tumigil kana eh! Ayoko nga sa'yo 'di ba? Anong mahirap intindihin do'n?!" galit na sabi ko.
Akmang tatayo na siya pero dahil lasing siya ay natumba siya agad. Nakita ko siyang gumapang papalapit sa'kin at lumuhod sa harap ko.
"P-please. Ako nalang, Natasha. Promise ko sa'yo, i will fix myself. Hindi na ako mambabae, hindi na iinom ng alak, hindi na maninigarilyo, lahat gagawin ko para sa'yo. Alam kong ayaw mo sa'kin pero pagbigyan mo naman ako."
I've never seen a man begged for love like this. Pero nanliligaw palang naman siya eh, and ayoko nga sa kaniya. Basically i rejected him.
Before kasi nanligaw si Ethan ay matalik na kaming magkaibigan. Naaasar pa 'yan dati na bakla daw kasi ako lang talaga kaibigan niya. Ako lang ang karamay niya palagi at ako lang ang kasama niya palagi.
Kaya noong nalaman kong may gusto pala siya sa'kin ay nanligaw siya. At very first palang alam kong ayoko na sa kaniya.
I admit it. Pogi naman si Ethan. Maganda din ang hubog ng katawan. Lumalakas din ang dating niya kapag pumoporma siya.
Pero still never akong magkafeelings sa kaniya dahil kahit noon pa siya nanligaw sa'kin ay never ko din siyang sinagot at kaibigan pa rin ang turing ko sa kaniya.
Noong una pa lang naman din alam na niya na ayoko sa kaniya. Pero ewan ko ba kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para magpatuloy manligaw sa'kin.
Pero during noong nanligaw siya sa'kin ay palagi siyang umiinom ng alak, naninigarilyo, naghahanap ng away, at may reports din sa mga ex niya na nambababae siya. Kahit magkaibigan kami ay hindi ko nga alam na cheater pala siya.
At noong nalaman ko lahat ng iyon ay mas lalo lang akong naturn off sa kaniya.
"Ethan, ayoko. Kaya umuwi kana." sambit ko bago pumasok at sinarado ang pintuan.
Narinig ko pang humihikbi siya sa labas. At aaminin ko. Nasasaktan ako.
Masakit na matalik kaming magkaibigan pero napunta kami sa gan'tong sitwasyon. Masakit na makitang nasasaktan siya.
Pero may choice ba ako? Wala naman akong magagawa dahil ayaw ko nga sa kaniya. Kung makikipag-kaibigan pa rin siya sa'kin ay tatanggapin ko pa rin siya.
"Kawawa naman siya, Natasha. Hindi ba masyadong rude 'yung ginawa mo?" my cousin asked me.
"Naaawa nga din ako eh. Pero may choice ba ako, dhai? Ayaw ko sa kaniya, hindi ko naman mapipilit sarili kong gustohin siya nang dahil lang sa awa."
Tumango naman siya. "Sabagay, 'di ba magkaibigan kayo no'n?" Tumango ako. "Matalik na kaibigan pa nga eh. Pero never akong nagkagusto sa kaniya i swear, hanggang kaibigan lang talaga turing ko kay Ethan, and that's it."
**
BINABASA MO ANG
Moments Of Serenity
Подростковая литератураSean Chardeux Velluego, an incoming Grade 11 student, needs to go to Cebu. He has to leave his town, GenSan, to study. He will now meet a Grade 12 student named, Natasha Ghianne Pataghona. She's one-year older than Sean Chardeux. "Moments Of Sereni...