Chapter 1

12 2 0
                                    

Sean Chardeux


"Hay buti naman at nakarating kayo ng ligtas." Bati samin ni Tita Rochelle sa likuran. Tinulongan niya kaming buhatin papunta sa trunk ng sasakyan niya 'yung mga dala namin.


"Ay, nandito kana pala, Rochelle." bati ni Mama ng nakangiti.


"Oh sige na, pasok na kayo. Ilalagay ko lang 'tong mga gamit niyo." Sambit ni Tita kaya pumasok na sina Mama.


"Tulongan ko na po kayo, Tita." Sambit ko ng mapansin kong nahihirapan siya dito.


Kung ide-desecribe ko si Tita Rochelle ay matangkad ito at mga nasa 26 years old pa siguro. Pang-model ang katawan niya at maganda rin naman.


Noong huli ko siyang na meet ay sa GenSan iyon noong bumisita siya. And if i'm not mistaken, 5 years old pa ako no'n. Naando'n din ang mga ibang Tita at Tito ko sa father side pero hindi ko na sila masyado marecognize.


"Jusko teenager kana talaga, Sean. 'yung pangangatawan mo nag improve na oh. Dati anliit mo pa." Nakangising sambit ni Tita Rochelle kaya natawa na lang din ako.


Nang mailagay na namin ang mga gamit namin sa trunk ay sinarado na namin ito. "Oh sige, pasok na tayo." Tumango ako.


Sa harap na ako sumakay dahil dalawa naman na sina Mama at Jacoby sa likuran ko. Gabi na rin at pagod na ako sa byahe pero hindi ako natulog. Inoobserbahan ko kasi ang Cebu.


Well, for me okay naman. They still look similar sa GenSan. May mga difference lang siguro pero maganda naman. And besides pumunta lang ako dito para mag-aral, babalik pa rin ako sa GenSan dahil do'n ang gusto ko.



Napansin kong nakatulog na sina Mama at Jacoby dulot na rin siguro ng pagod. "Nakatulog na pala ang dalawa." Tumawa si Tita Rochelle habang nagmamaneho.


"Oo nga po eh. Pagod din siguro."


Mga 1hour and 30 minutes siguro bago kami makarating sa bahay nila Tita Rochelle. Malaki naman iyon kaya do'n na muna nila kami pinatira ni Jacoby dahil may extrang kuwarto do'n. And besides walang bahay si Papa dito dahil siya lang naman mag-isa at puro video call lang kami.


Nang nakababa kami ay tinulongan kami ni Papa na ibaba at ipasok ang mga gamit namin. "Uy nakarating na pala kayo." ngumiti lang ako pabalik. It's been 3 years kasi noong last na nakita ko si Papa sa GenSan dahil bumalik ito dito sa Cebu.


Dalawa kami ni Papa ang naglabas ng mga gamit sa trunk at sina Mama at Jacoby ay pinapasok na ni Tita Rochelle.


"Ay, anlaki na talaga ng anak ko oh. Mas lalo pang pumogi." natawa nalang ako sa sinabe ni Papa.


From 3 years ago kasi ay anlaki ng pinagbago ko. Tumangkad din kasi ako at pumayat. Hindi naman sobrang payat pero dahil medyo mataba talaga ako dati kaya ayon.


I still remember 3 years ago, punong-puno ako ng insecurities about my physical look.


Ipinasok na namin ni Papa ang mga dala naming gamit at pagpasok ko palang sa bahay nila Tita Rochelle ay nagulat agad ako. Sumalubong kasi sa'kin si Tito Ruvy.


"Oy! Grabe naman 'tong batang 'to. Nilamangan ba naman ako sa pagiging pogi." Medyo nagulat ako do'n pero natawa na lang din ako. "Bawal dito ang mas pogi sa'kin." Tumawa ulit lahat ng tao sa bahay.


Nakita ko din do'n ang pinsan ko na ang pagkakaalam ko ay Aurella Eloise Velluego ang pangalan niya. Anak ata siya ni Tito Ruvy.


**


"Dito kayo matutulog." Tinuro ni Tita Rochelle saamin ang isang bakanteng kwarto. Naka-aircon pa nga ito. "I-on niyo lang 'yung aircon dahil talagang mainit d'yan. In-off ko lanng dahil wala namanng gumagamit sa kwartong 'yan.


"Ahh sige po." sambit ko. Ako na lang ang sumagot dahil ang walang'yang si Jacoby ay tahimik lang. Inaantay ko pa naman na siya naman ang magsalita.


Nang makapasok na ako sa loob ng kwarto ay humiga muna ako sandali.


Scarlett Astrid Agustin
Hi Sean, nakarating kana sa Cebu?


Sean Chardeux Velluego
Oo, kakarating lang. Why?


Scarlett Astrid Agustin
Ahh, mabuti naman.


Scarlett Astrid Agustin
Babalik paba kayo dito?


Sean Chardeux Velluego
I don't know. Maybe hindi na.


Scarlett Astrid Agustin
Ahh, sige.


Ito kasing si Scarlett lately ay para akong nililigawan. Oo, baliktad. Ang sabi kasi sa'kin ni Gabriel may gusto daw sa'kin pero kahit 'di niya pa sabihin, alam ko naman. Masyadong halata din 'to eh.


Maganda naman siya, maputi, kulay-rosas din ang labi nito at clear skin. Mahahaba ang buhok at bonus, matalino pa! Nakilala ko lang naman siya dati dahil magkaklase kami at sabay kami dati na mag re-review at mag-aral.


Ako kasi nang-aaya sa kaniya no'n at palagi ko pa siyang sinasama sa mga pupuntahan ko. Ina-aya ko din siyang mag milktea or what kaya ayon ang sabi ni Peter sa'kin, binigyan daw ng meaning ni Scarlett 'yon.



It's just that, friends lang talaga kami. At wala rin naman akong gusto sa kan'ya. Okay na siguro na gan'to.



Nagulat ako ng biglang pumasok si Aurella. 'yung pinsan ko na anak ni Tito Ruvy. Mas matanda lang siya sa'kin ng isang taon dahil mag g-grade twelve na siya.


"Ahh, Sean, Kain na daw sa baba." Tumango ako. "Ahh, sige. Wait susunod lang ako


Lumingon ako sa likuran ko para sabihan si Jacoby na sabay na kami kaso wala na pala dito. Paniguradong nauna na 'yon sa baba. HAYST!!


Tinraydor ba naman ako. "Ay si Jacoby nasa baba na." Napansin kong natawa pa siya dahil nahahalata niya sigurong nahihiya pa ako naghanap pa ng kasama.


"Ay sige, Tara." sabi ko nalang ng nakayuko saka bumaba.


**

Moments Of SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon