Sean Chardeux
After 8 years....
"Anak, ayaw mo bang bumalik sa Cebu?"
Nagulat ako sa tanong ni Mama habang nasa loob kami ng bahay. "I mean, ayaw mo bang balikan ang girlfriend mo do'n? May bago man siya o wala pero siguro mas mabuti kung mapag-usapan niyo. Pasensiya ka na rin kung ako pa 'yung naging dahilan ng hiwalayan niyo."
Nagtaka ako sa sinabe ni Mama. "Oo anak, okay na ako dito. At narinig ni Lola mo 'yung usapan niyo ng girlfriend mo kaya ikinuwento niya sa'kin. Masyado kanang maraming nagawa anak. Tama na siguro 'yon. At ngayon, sarili mo naman ang isipin mo."
Ngumiti naman ako kay Mama. "Pero hindi ko naman kayo iiwan dito, Ma." pero tumawa lang si Mama.
"Sino bang may sabi na aalis ka mag-isa? Kasama mo'ko. Nagbook na daw ang Papa mo ng ticket para sa'ting dalawa." Ngumiti naman agad ako.
"Really?" Masigla kong sabi at niyakap si Mama. Tumango naman siya. "At doon ka na lang magpatuloy bilang teacher. Mas maraming opportunity do'n. Okay? Doon mo na ipagpatuloy ang buhay mo dahil alam kong napamahal ka na din sa Cebu."
Ngumiti naman ako tumango.
Pumayag na ako 'cause i guess ito na 'yung tamang oras para i-tama ang lahat. Pero kung may bago na siya ay didistansya ako. Masakit 'yon pero irerespeto ko.
**
"Mag-ingat kayo, Apo." Ngumiti ako kay lola. "Sige po, una na po kami."
"Ako na ang bahala kay Lola Tasha mo, Mag-ingat kayo." Ngumiti naman ako kay Tito Sandy.
Nang makarating na kami sa airport ay naghintay pa kami ng 3hours bago naka sakay sa eroplano dahil mas inagahan namin ang pagpunta dito.
"Flight D606."
Pwede na kaming pumasok sa eroplano kaya pumunta na kami ni Mama dala-dala ang mga bagahe namin.
"Have a good flight, Sir."
"Have a good fight, Ma'am."
It was a familliar voice to me. Kaya malayo palang ako sa kaniya ay narecognized ko agad ito.
It was Natasha.
Yumuko agad ako para hindi niya ako makilala at nagulat pa ako nang alalayan niya ako. "Mag-ingat po kayo, Sir." Nakangiting sabi nito.
Kaya tinignan ko siya sa mukha at ngumiti. "Thank you." Nakita kong nanlaki ang mga mata niya sa gulat pero ngumiti lang ako.
Nang maka-upo na kami ni Mama ay nag antay lang kami hanggang sa makalanding na sa Cebu 'yung eroplanong sinasakyan namin.
**
"OMG!!! Naandito kana pala, Sean? long time no see ah!" Pambubungad ni Aurella sa'kin sa airport kaya nagulat tuloy ako. Alam na kasi niyang babalik na kami dito, paniguradong na kwento ni Papa sa kaniya iyon.
"A-ahh, Oo." Ngumiti lang ako habang hawak ang mga bagahe. "Btw mamayang gabi may party kami, wanna join? Of course, i won't be taking NO as an answer." Tumawa lang siya.
"Uhm, sige." Ngumiti lang ako at tumango. "Okay, let's go!"
Hinatid na niya kami sa bahay na pinagawa ni Papa dati. Matagal na kasi niyang plano ang patirahin kami sa Cebu. Pagkarating ko do'n ay nakita ko si Jacoby na nakaupo sa couch sa sala.
May kasama itong babae at nakita ko silang nagtatawanan. In fairness, hindi na siya non-chalant ah.
"Oh, kuya!" Ngumiti siya sa'kin kaya nanibago naman ako. "Uhm, kuya, si Bridgette pala. Bridgette, si Kuya Sean ko." Ngumiti lang sa'kin ng babae at ngumiti din naman ako pabalik.
Umakyat na ako sa second floor at manghang-mangha ako. Nakikita ko lang kasi 'to sa pictures na sinesend ni Papa sa'min or sa video call but i never thought na mas maganda pala siya sa personal.
"Ito pala 'yung kwarto mo, Sean. Sa kabila naman kay Jacoby." Tumango lang ako habang tinuturo ni Papa 'yung mga kwarto.
Pumasok na ako at ipinasok ang mga gamit ko. Argh, i'm so tired as fuck.
**
HAHAHAHA NATATAWA AKO GOODLUCK SA NEXT CHAPTER:))
BINABASA MO ANG
Moments Of Serenity
Teen FictionSean Chardeux Velluego, an incoming Grade 11 student, needs to go to Cebu. He has to leave his town, GenSan, to study. He will now meet a Grade 12 student named, Natasha Ghianne Pataghona. She's one-year older than Sean Chardeux. "Moments Of Sereni...