PS: The consecutive scenes that happened in this chapter weren't true or based on real events. Pure fiction only.
Sean Chardeux
"Kakain na nga lang kayo magrereklamo pa?" Natawa ako sa facial expression ni Aurella.
"Gaga ka, eh tatlo 'yan eh. Andami!" pagrereklamo ni Natasha.
"Pake mo, kaya nating ubusin 'to, okay?"
Tawa nalang talaga 'yung ambag ko dito sa gilid. "Oh, 'wag ka manahimik d'yan. Lahat tayo kakain at uubusin natin 'to."
Nakita kong tumawa si Natasha sa gilid ni Aurella. Kumuha nalang ako at kinain.
"Mauubos naman kasi talaga natin 'to. Pero hospital ang bagsak natin." sambit ko kaya natawa nalang kaming tatlo.
"Well at least magkakasama tayo, hindi lang ako mag-isa." Natawa kami ulit.
Habang naglalakad kami ay naisipan naming pumunta sa second floor ng Mall na 'to papuntang National Book Store. May bibilhin kasi akong libro.
"Oh, tara, Sean. Bumili kana ng libro." sambit ni Aurella sa'kin at tumango naman ako.
"Gorl, dito lang ako sa cosmetics ah, kayong dalawa pumasok na kayo sa NBS." napa-nganga nalang ako.
Pwede namang kayong dalawa lang do'n sa cosmetics eh. Ako na dito, kaya ko naman mag-isa.
Nakita ni Aurella na nag bago ang expression ng mukha ni Natasha kaya bago paman ito makapagsalita ay inunahan niya na. "Oh, 'wag mo'ko pagreklamoha d'yan bruhilda ka! Samahan mo 'yang pinsan ko at baka mawala pa 'yan ikaw talaga sisisihin ko 'ta mo."
Lumaki ang mata ko. "Hoy Aurella, 'wag na. Kaya ko naman sarili ko baliw, mag hihintay nalang ako mamaya sa labas ng NB-"
"Ay hindi! Kapag nawala ka malalagot ako kina Tito. Sige na, Natasha. Ba-bye!"
Umalis na kaagad si Aurella para siguro mawalan ng choice si Natasha kung hindi ang sumama sa'kin.
Well, hindi na rin ako lugi.
HAHA
"Bwesit na babae talaga. Ako pa pinasama dito." bulong ni Natasha sa sarili kahit rinig ko naman.
"Bakit, ayaw mo ba akong kasama?" Nagulat siya nang magsalita ako sa likuran niya kaya napatalon siya ng bahagya at napalingon sa'kin.
Dahil do'n ay nagtama ang mga ilong namin at ilang inches nalang talaga ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.
Lumaki ang mata niya sa gulat. Nagulat din ako. 'di ko naman inexpect na lilingon pala siya. Ayan tuloy.
Agad akong umiwas ng tingin at lumingon sa malayo. "Tara na?" sabi ko at tumango naman siya. Pumasok na kami ng NBS.
Pumunta na ako sa Wattpad Section at hinanap ang librong pinaplano kong bilhin.
Habang naghahanap ako ay napansin kong nagtitingin din si Natasha ng mga libro.
"Uhm, nagbabasa ka din ba?" i asked. Tumingin siya sa'kin at tumango.
"What genre do you usually read?" i asked again. "Uhm, more on Teen-Fiction? Romance or Mystery."
Tumango lang ako. "Ahh."
"how 'bout you?" tanong niya. "Uhm, same din. Pero mas prefer ko Mystery-Thriller or Murder Mystery. Hulaan ng mga killer, lol!"
Tumango naman siya. "Favorite author mo?" tanong niya. "Uhm, marami eh pero si 4reu siguro tsaka jonaxx." i said.
"Hoy?? seryoso? SAME!" Nagulat ako sa energy niya. Minsan lang kasi siya naging energetic na gan'to especially pag sa harap ko na.
Na-notice niya ata na medyo nagulat ako sa kaniya. Nambibigla naman kasi personality neto. Kanina antahimik sa'kin ta's ngayon biglang gan'yan.
"Sorry." napatakip siya ng bibig. Ngumiti lang ako. "Okay lang, ano ka ba."
"Basta wattpad kasi ang usapan nagaganahan ako." page-explain niya. Tumawa lang ako.
"Anong nakakatawa?" Tanong niya. "Wala, tara na bayaran ko na 'to. Wait, may bibilhin ka din?"
Umiling lang siya. "Ah, wala. Sa wattpad lang naman ako nagbabasa." Tumango lang ako at nagsimula nang pumunta sa counter para pumila.
It's our turn now. Grabe 'yung tingin ng cashier sa'kin at kinuha na niya 'yung libro na binili ko.
"Uhm, ₱356 sir." it was weird. I mean, ang tono ng pananalita niya. Parang nang-aakit eh.
Nilingon ko si Natasha at ang sakit ng titig niya do'n sa cashier pero hinayaan ko na lang. "Uhm eto po." inabot ko na 'yung bayad.
While waiting for the change ay nagtanong ang cashier. "Girlfriend niyo po?" Nagulat ako sa tanong niya.
Nilingon ko si Natasha at kinalabit. "Hoy, tinanong kung girlfriend ba daw kita." pang-aasar ko.
Nagulat ako sa ginawa ni Natasha dahil kumapit ito sa braso ko. "Oo, tsaka ate paawat, magse-seven teen palang 'to."
"A-ay weh? Hindi halatang bata pa si Sir ah." sabi nung cashier.
"Oo kaya bilisan mo d'yan at may date pa kami." binilisan naman ng cashier at binigay na ang sukli ko pati ang plastic na may lamang binili kong libro.
"Tara na." sambit ni Natasha saka umalis na kami. Noong nakalabas na kami ng NBS ay sumalubong saamin si Aurella at napa tulala siya sa nakita.
Kaya agad na ring bumitaw si Natasha sa'kin. "Gosh Gorl, it's not what you're thinking, okay?!"
"Oh, ang defensive ah. Guilty?" tinignan niya kaming dalawa ng nakaka-asar.
**
BINABASA MO ANG
Moments Of Serenity
Teen FictionSean Chardeux Velluego, an incoming Grade 11 student, needs to go to Cebu. He has to leave his town, GenSan, to study. He will now meet a Grade 12 student named, Natasha Ghianne Pataghona. She's one-year older than Sean Chardeux. "Moments Of Sereni...