Chapter 22

5 1 0
                                    

Sean Chardeux


"After mo mag college, pwede ka namang bumalik dito para magbakasyon." Sambit ni Papa.


"Gusto ko dito mag college pa." Sabi ko. "Bakit pa kasi kailangan pa akong bumalik do'n." Pagrereklamo ko.


"'yan din 'yung sinabe mo noong nakaraan. Na kung bakit kailangan mo pang pumunta ng Cebu pero ngayon baliktad naman. Akala ko ba gusto mo magstay sa GenSan?" Napatulala na lang ako.


Oo nga 'no. Dati sabi ko pa sa sarili ko na gusto ko nalang bumalik sa GenSan at magstay doon. Pero iba na ngayon eh. Kung kailan nasanay na ako sa paligid ko 'saka naan babalik.


"Tsaka pag gumaling na ang Mama mo before ka mag college pwede ka namang bumalik dito eh." Sambit ni Papa.


"Pero nasa iyo pa rin at kay Mama mo ang desisyon kung baka gusto niya doon kana talaga. Every bakasyon ka nalang makakabalik dito." Hindi lang ako umimik at nagpatuloy sa pagligpit ng mga gamit ko.


Bumaba na ako at nakita ko do'n si Aurella na parang mangiyak-ngiyak na. "Ang OA." sabi ko at tumawa.


"Mamimiss lang kita syempre wala na akong ka humor dito." Tinawanan ko lang siya.


"Huwag mo nga ako artehan, akala ko ba aalis ka rin?" Nawala ang pag iyak-iyak niya at pinunasan niyaa ito. "Ay oo nga pala."


"Sige na, mauna na ako." Tumango naman siya at lumabas na ako ng bahay. Nakita ko do'n si Tita Rochelle.


"Aww, wala ng pogi sa bahay ko." Tumawa pa ito. "Tara na ihatid na kita baka ma late kapa sa flight mo." Tumango naman ako at pumasok na sa sasakyan niya.


Sumunod naman si Papa at pumasok na sa sasakyan. "Tara na." Sabi ni Papa at pinaandar na ni Tita Rochelle ang sasakyan niya.


Nakatunganga lang ako buong byahe dahil parang napakabilis lang ng panahon. Parang kailan lang sinundo pa kami ni Tita Rochelle galing airport ngayon ihahatid na ako pabalik.


Akala ko magiging malungkot at boring 'yung buhay ko dito pero wala eh, nakilala ko si Natasha.


And the saddest fact here is that, hindi ko na siya makikita ulit. Or kung makita ko man siya ulit, it would take us for years. And i don't think i can do that.


Kapag malulungkot ulit siya, sinong magco-comfort sa kaniya? Si Aurella? eh baliw nga din 'yon eh.


**


"Mag-ingat ka anak. Pagkadating mo do'n susunduin ka ng Tito Sandy mo sa airport, i-chat mo ako pag nakalanding na ah. Tawagan mo na lang din si Tito Sandy mo kapag pwede ka na niyang sunduin." Tumango lang ako at nagproceed na.



"Sige, mag-ingat ka pa." Tinapik niya lang ako sa balikat at ngumiti. Bumaik na siya sa sasakyan ni Tita Rochelle.


Nang nasa loob na ako ng eroplano ay Window seat ako kaya kitang-kita ko ang lawak ng Cebu. Marami na rin akong napuntahan dito sa Cebu kaya kahit papa'no ay nag enjoy na rin.


Babaunin ko na lang lahat ng ala-alang nagawa ko sa Cebu papuntang GenSan. At sana kakayanin namin ni Natasha ang pagiging-LDR.


Alam ko naman sa sarili ko na mahihirapan siyang mag-adjust niyan sa una pero for sure kakayanin namin 'to.


"Okay, we are now preparing for landing." the pilot announced.


Nang makalanding na ang eroplano sa GenSan Airport ay agad kong tinawagan si Tito Sandy para mapasundo na ako. Chinat ko na din si Papa para ipaalam na nakalanding na ang eroplano sa GenSan.


Moments Of SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon