Chapter 24

6 1 0
                                    

Natasha Ghianne


After 8 Years.....


"OMG girl, tsaka alam mo ba, 'yung ka-batch mate natin dati, akalain mo, millionaire na siya!" Ang pagkachismosa talaga ng Aurella na 'to hindi talaga mapapantayan.


"Jusko, ang pagkachismosa mo! Pati sa airport dinala mo 'no?" Umirap lang siya sa'kin.


"Wow naman, sis? Pero slay ka rin naman ah, oh tignan mo Flight Attendant kana! Slay ka d'yan!" Tumawa naman ako.


"Siraulo ka talaga eh 'no? Eh kamusta na kayo ng Ethan mo?" Ngumiti naman siya.


"Ayon, medyo okay naman na. Alam mo 'yon kahit ayaw pa ni Mama sa kaniya, wala naman silang magagawa eh. Pero at least ngayon medyo naaayos ko na 'yung ugali ng boyfriend ko." Ngumiti naman ako sa kaniya.


"Aww good thing naman at nagwork kayo." Ngumiti naman siya. "Thank you, eh ikaw ba? Walang lovelife sis? Baka mamaya makakita ka dito ng poging piloto! Jowain mo agad." Napa-irap na lang ako sa kaniya.


"Pero slay ka girl ah. 26 years old kana pero still virgin and fresh from the market!" Agad akong kinabahan sa sinabe niya. "Hoy gaga ka! Bibig mo talaga walang preno 'no?" Tumawa lang siya.


"Mas gaga ka! After kay Sean talagang hindi kana nagjowa ulit 'no? Loyal na loyal? HAHA Oh baka naman inaantay mo parin siya na bumalik?" Pang-aasar niya sa'kin.


"Duh! Ayoko nga do'n jusko! Nakipag-break nga 'di ba kasi ayoko." Umirap lang ako. Nakakakulo din kasi ng dugo 'tong babaeng 'to.


"Ay sus. Babalikan ka no'n, mahal na mahal ka no'n eh. For sure, kahit ipagtabuyan mo pa 'yon, babalik at babalik pa rin sa'yo 'yon." Napacross-armed na lang ako sa kaniya.


"Aba? Desisyon ka? Ikaw si Sean?" Umirap ako sa kaniya. "Gaga! Malamang saakin nagrarant 'yon kapag nag-aaway kayo during highschool. Siraulo ka talaga." Hinampas niya ako sa balikat.


"Hay nako, oh sige na aalis na ako ah. Jusko malas talaga at nahagip pa kita dito sa Mactan-Cebu International Airport!" Aba ang kapal talaga ng babaeng 'to.


"Oh sige na, babyee mwa!" Umalis na siya kaagad. Siraulo talaga.


Dumaan pa talaga dito para bwesitin ako, HAYST! Nakakabawas ganda.


"Hoy bhieeee!" Nagulat ako nang biglang lumapit saakin ang co-flight attendant ko na si Petra. "Oh? Bakit?" sabi ko.


"Tara na, gaga! 'Yung eroplano na nakaassign sa'tin ngayon ay ang Aircraft #2008. Bilisan mo!" Tumango naman ako at pumunta na kami doon.


Nang makapasok na kami sa eroplano na naka assign sa aming dalawa ay nagtanong agad ako. "Saan ba 'to papunta?"


"General Santos City Airport daw eh." Agad nanlaki ang mata ko. "H-ha?"


"OA? Ang OA ng reaction mo do'n gorl ah!" Natawa siya.


"Ang sabi ko GenSanAirport! Ihahatid lang natin 'tong mga pasahero and then later on mga 5pm siguro may flight ulit 'to pabalik sa Cebu naman so pwede pa tayong mag stop-over mamaya gagala tayo." Tumango na lang ako.


GenSan? Hindi ba doon nakatira si Sean? TF nakakahiya naman 'to.


**


Nang maka-landing na kami sa GenSan ay naisipan naming gumala muna. Nag-mall lang kami at nagstarbucks. Kumain lang din kami.


I was looking around hoping na baka makita ko pa si Sean dito pero wala. I guess malawak din naman ang GenSan at hindi ko alam kung saan sila exactly nakatira.


Since we only 6 hours to stay kaya wala kami masyadong nagawa at before 5pm kailangan nasa loob na kami ulit ng eroplano.


Nang nakapasok na kami sa loob ay ako ang naka-assign na magwe-welcome sa mga passengers papasok ng eroplano.


Habang papasok sila ay nakasmile ako. Ang iba ay inalalayan kong makapasok ng maayos.


Not until there's this one passenger na na nakayuko kaya inalalayan ko itong makapasok sa eroplano. "Mag-ingat po kayo." Sabi ko habang nakahawak sa isa niyang kamay.


Nang tumigin siya sakin ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Then, he smiled.


It was Sean.


"Thank you, Miss." He said and left me speechless. Pero hindi ako nagpadistract at nagpatuloy sa trabaho ko.


Ang kasunod naman niya ay isang magandang babae na kung huhulaan ko ay nasa 39-41years old pa ito. Hindi halatang nag edad na ito dahil sa angking kagandahan niya. Ngumiti siya sa'kin kaya ngumiti rin ako.



**
Yes po, may mga STEM students na nagtourism. (Source: Google)

Pahinga lang tayo isang araw, will continue updating on Sunday:))

Moments Of SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon