Sean Chardeux
Kinaumagahan ay nagising na ako. Next week na rin ang pasukan kaya kailangan ko nanaman maghanda.
Hindi pa nga rin pala ako enrolled.
"Sean, bihis kana daw. Sasamahan kita sa school magpapaenroll tayo." Kakagising ko lang at bumungad agad si Aurella sa'kin. "Ahh sige. Wait lang." Tumango lang siyaat lumabas na ng kuwarto.
Lumabas muna ako at sumalubong si Tito Ruvy. Jino-joke time pa ako. "Sanaol pogi parin kahit bagong gising." Natawa nalang ako sa sinabe niya.
Pumasok na ako sa banyo para maligo at nagulat pa ako noong tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Natulog ba talaga ako? Pogi ko parin ah.
Nang matapos na akong maligo ay dumeretso na ako sa kuwarto ko para magbihis. Pero may napansin ako.
Wala si Jacoby. Pero baka nasa ibaba lang.
Nang makabihis na ako ay agad na akong lumabas ng kuwarto. Naka-white Polo-shirt lang ako at brown men's trousers.
Nang makalabas na ako sa kuwarto ay lumabas din si Aurella sa kabilang kuwarto na kaharap nitong tinutulogan namin ni Jacoby.
Lumaki ang mata niya ng bahagya at natawa. "Natural naba talaga 'yan, Sean?"
Napa half-open 'yung bibig ko. "Ha?" confused.
"I mean, wala sanaol kasi konting bihis lang, pogi na agad. Pwede kana mag artista." Napatawa na lang din ako. Kala ko kung ano na.
"Oh sige, tara na bumaba na tayo." Tumango na lang din ako tsaka bumaba na.
"Oh, magpapaenroll na kayo?" bati saamin ni Tita Rochelle sa baba. "Opo, Tita." sagot ni Aurella.
"Oh sige, mag ingat kayo ah." Tumango lang kami at ngumiti. "Ahh, 'yung papa tsaka mama mo pala, Sean, umalis. May binili lang daw.
"Ahh okay po." sagot ko. Pero nagtaka ako dahil nag smirk si Tita Rochelle. "Oh sige sige na, umalis na kayo." tumawa ito.
Mga 3 minutes na lalakarin namin palabas ng subdivision dahil naando'n ang mga sasakyan.
Nang makasakay na kami sa trycicle ay kinuha ko na 'yung phone ko. I don't know pero naa-awkwardan kasi ako. Maybe dahil hindi pa kami close ng pinsan ko but, whatever.
"Ay, Sean." Lumingon agad ako. "Ano palang strand kukunin mo?" She asked.
"Ahh, HUMSS po ata." Tumango lang siya. "Wow naman, anong course ba kukunin mo?"
Hindi pa ako nakasagot ay dinugtongan niya na ito. "Ay wait, lemme guess." Nakataas ang dalawang kilay ko na nagpapahiwatig ng "Ano?"
"Education?" ngumiti ako bago tumango. "Ay abaaa, goodluck sa Essay." Tumawa nalang kaming dalawa.
"Jusko kakatamad 'yan puro reporting tsaka essay gagawin niyo buong schoolyear." Tumawa nalang kaming dalawa.
"Ikaw talaga, nagbubudget kaba ng words mo? ba't 'di ka nagsasalita masyado?" she asked again. "Non-chalant." dugtong niya.
"Hindi naman ako non-chalant. Antayin mo
kasi na maging close tayo, sira 'yang buhay mo."But by the fact na nahirapan akong ibigkas 'yung gano'ng sentence dahil nahihiya pa ako, ginawa ko nalang. Ayoko kasi na isipin nilang suplado ako or what.
Tsaka okay na din 'to para may ka close naman ako dito kahit papa'no. Alangan namang si Jacoby kakausapin ko eh simula noon pa hindi naman kami nag uusap niyan kung hindi importante.
Dalawa lang kaming magkapatid pero hindi talaga kami nag uusap or nagpapansinan if hindi naman talaga necessary.
NECESSARY??!!
baliw.
Nang makababa na kami sa harap ng school ay do'n ko narealized na ang ganda pala nito. Malawak siya actually and private school ata.
"Wait lang, Sean ah. Inaantay ko lang si Natasha." hawak na ni Aurella 'yung phone niya while ako naman nakapamulsa lang.
"Uhm, sige. Take your time." sagot ko at nagulat ako sa response niya. "TAKE YOUR TIME??!!"
Piste, kahumor ko pala 'to?
"Pero Sean slay 'yon ah. HAHA" natawa na lang din ako. "Pag gano'n ka, marami kang mahahakot dito na babae."
Nagkasulubong ang kilay ko. "G-gano'n?"
"Oo, gano'n, 'yung nage-english. 'di mo ba alam na type 'yon ng mga babae?" umiling-iling lang ako. "Ay ako alam ko, malamang babae ako eh." natawa nalang din ako...
Oo nga naman. Ayos.
"Ay hello sisss!" Do'n ako nagulat sa pagsigaw ni Aurella sa isang babaeng naglalakad palapit sa'min.
Short hair ito at may bangs. Naka glasses din ito. Maputi at makinis. Maganda ang hubog ng katawan at matangkad. 'yon nga lang ay mas matangkad pa rin ako sa kaniya.
Damn. She's so gorgeous.
Nakahawak ito sa purse niya habang naglalakad palapit kay Aurella at nag hug ang dalawang 'to. "Mwa Mwa"
"Ay, eto nga pala si Sean Chardeux Velluego. Pinsan ko from GenSan kakarating palang niyan kahapon at dito magtatransfer sa school natin."
Ngumiti si Natasha sa'kin pero hindi ito makatingin ng diretso sa mga mata ko. Napayuko ito na parang nahihiya.
Habang ako naman ay parang hindi makagalaw do'n. Kumakabog ang dibdib ko at parang kinakabahan.
Like wtf, this gorgeous-looking girl is in front of me now. Ngumiti na lang ako pabalik no'ng napansin kong tumingin din siya sa'kin.
"Ohh, tama na 'yan. Ikaw ah, Natasha baka magkagusto ko d'yan. Yieee" Pang-aasar ni Aurella kay Natasha. Nakita kong nanlaki ang mga mata nito at namula ang pisngi.
Argh!! so cute!!! Her white cheeks turned into pinky-red. Yeah, i can't describe kung gaano siya kaganda sa paningin ko.
**
BINABASA MO ANG
Moments Of Serenity
Teen FictionSean Chardeux Velluego, an incoming Grade 11 student, needs to go to Cebu. He has to leave his town, GenSan, to study. He will now meet a Grade 12 student named, Natasha Ghianne Pataghona. She's one-year older than Sean Chardeux. "Moments Of Sereni...