Chapter 23

5 1 0
                                    

Sean Chardeux


Bumili ako ng gamot ni Mama at pagkatapos kong bumili ay naisipian ko munang pumunta ng Mall.


Habang gumala ako papuntang Mall ay bigla kong nakasalubong si Scarlett. "Sean?!"


Hindi ko siya agad napansin kaya noong tinawag niya ako ay napangiti agad ako. "Uy, naandito ka pala, Scarlett."


Tumawa lang siya. "Hoyyy kamusta? long time no see ah?" Pangangamusta niya sa'kin.


"Ahh, okay naman. Kakauwi ko lang actually galing Cebu. Ikaw? Kamusta ka?" Ngumiti naman siya. "Ay okay naman."


"Eh nasaan ba sina Gabriel at Peter?" Tanong ko pero unti-unting nawala ang ngiti sa mukha niya. "Why? May problema ba?" Umiwas lang siya ng tingin.


"Uhm, mahaba-habang istorya, Sean. Pero si Gabriel nasa Cebu ngayon." Nagulat ako sa sinabe niya.


"Ha? anong ginagawa niya do'n?" Naguguluhan kong tanong. "Ah basta ayoko na pag-usapan, Sean. Pero masaya akong nakita ka dito ulit. Sige na ah, una na ako kailangan ko pang mag madali eh."


"O-oo sige, mag-ingat ka." Sambit ko at ngumiti naman siya habang nagmamadali umalis.


Ano kayang nangyare do'n? Anong meron sa kanila ni Gab?


**


Biglang nagchat si Natasha.


Natasha Ghianne Pataghona
-Love
-Hey, magseen ka, nasaan ka ba?
-Hoy! May sasabihin akoo

Hey?? Hindi mo ba ako ise-seen?


Sean Chardeux Velluego
Hala, sorry love. Bumili lang ako ng gamot ni Mama. Bakit ano ba 'yon?



Natasha Ghianne Velluego
Wala!


Sean Chardeux Velluego
Tawag ako mamaya pag-uwi ko. Promise.


Natasha Ghianne Velluego
(thumbs up emoji.)


**

"Ma, eto na 'yung gamot mo oh. Kailangan mo daw inumin 'yan dahil nakakatulong daw 'yan para mas lumakas ka." Ngumiti naman si Mama at tumango. "Sige, salamat anak."


Maya-maya pa ay umupo na muna ako sa gilid. At magbubukas na sana ako ng phone nang biglang nagsalita si Mama.


"Anak, pwede bnag makisuyo?" Sabi niya. "Ahh, ano po 'yon?"


"Ahh, magpapabili sana ako ng Bulalo anak. Sa labas ng hospital kumaliwa ka makikita mo 'yan d'yan. Pwede ba?" Ngumiti si Mama.


Tumango ako at binitawan ko na 'yung phone ko. "Oo sige po. Wait lang."


Tumayo na agad ako at bumaba na. Pagkababa ko ay bumili kaagad ako ng bulalo.


"Dalawa nga pong bulalo." Sabi ko at ngumiti naman ang staff nila na babae.


"Sige po sir." kagat-labi niyang sinabi kaya kumunot kaagad ang noo ko.


"Wait mo lang sir ah? medyo mabagal po gumalaw kasamahan ko eh. Buti pa ako sir, mabilis gumalaw." Kagat-labi ulit niyang sinabe at sabay tawa.


Napa-iling iling nalang ako at binalewala na lang. Kinapkap ko 'yung phone ko pero nagulat ako nang hindi ko ito makapkap at doon ko naalala na naiwan ko pala ito sa hospital.


Moments Of SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon