Chapter 11

8 2 0
                                    

Sean Chardeux


Pasukan na at parang kinakabahan nanaman ako. Every pasukan syempre may kaba talaga 'yan especially tuwing introduce yourself.


Pero syempre kakayanin, lols!


"Excited kana, SeanSungit?" sambit ni Aurella sa likuran ko habang nakatayo ako sa harap ng entrance gate.


"Puro ka SeanSungit. Inaano ka?" Tumawa lang siya. "Oh ayan nagsusungit kana naman. Tara na! ito-tour kita sa school."


Tumango naman ako at pumasok. Hiningan pa ako ng guard ng ID pero transferee naman ako kaya pinapasok na.


Pagkapasok ko palang ay para akong mababaliw kakahanap ng section ko. "Ando'n yata mga grade 11. Binago ata eh." sambit ni Aurella.


Pinuntahan namin 'yung isang school building na may apat na palapag. Nasa ikatlong palapag 'yung section ko kaya do'n na ako pumunta.


Malamang.


"Oh sige, pumasok kana." Tinignan ko muna siya. "Para naman akong bata niyan, Arinola- Este, Aurella." Tumawa naman siya at ang baliw hinampas pa ako sa balikat bago umalis.


Freebie ba 'yon??


Nang makapasok na ako ay nakita ko ang isang upuan na may nakalagay na "Sean Chardeux Velluego" kaya do'n na ako umupo.


Shit, nasa harapan ako. Nasa harapan is equal to, more chances of recitation.


May biglang lumapit sa'kin na grupo ng mga babae. "Hi, ikaw si Sean Char- Chardix? Chardeyux? Ano ba 'yan basta Chardoks. Hehe" Sambit nung isang babae na mahaba ang buhok.


"Obvious naman kasi dito ako umupo." tinuro ko 'yung pangalan ko na nakadikit sa upuan ko. Mukhang napahiya ata 'yung kaklase ko.


Sorry, napindot si Anger eh.


"Suplado naman, pero okay lang pogi naman. Anong facebook mo? Add kita sa GC ng section natin." sambit nito pero hindi ako nagsalita. Bagkus, tinuro ko lang 'yung pangalan sa likuran ko.


"Ahh." Tumango naman siya. "Sige, alis na kami." Hindi ko nalang sila pinansin at umalis na kaagad sila.


Alam nang kinakabahan 'yung tao tas kakausapin pa ng strangers. Hirap pag may social anxiety ka.


'yung nasa tabi ko ay babae din. Parang kanina pa yata nag-aattempt na kausapin ako pero parang nahihiya siya.



"Ano 'yon?" Tinanong ko sa mahinahon na boses. Kanina pa siya nakatitig sa phone ko eh.


"U-uhm, nagbabasa ka? Oo alam kong obvious pero, nagtatanong lang." Mahinhin na sambit niya kaya napatawa ako.


Narinig niya ata 'yung sinabe ko kanina sa grupo na mga babae. "Ahh, oo. Why? Nagbabasa ka din?" Tumango naman siya habang nakangiti.


"Sinong favorite author mo?" tanong niya. "Secret." Sagot ko.


Tumawa naman siya. And gladly mukhang mabait naman 'to 'saka mukhang academic achiever din.


"Okay, so i am Sir Rafael C. Bueño. I will be your Class Adviser for this school year. And i'm glad to see you all here so of course let's introduce ourselves muna since this is our first meet." Naghiyawan naman mga kaklase ko.


Mukhang disagree ata sila. Low-key disagree din naman ako kahit required naman talaga 'yon para mapakilala ang isa't-isa pero nahihiya din ako eh.


"Okay, let's start with you and ikaw 'yung susunod and ikaw and so on.." tinuro niya ako at 'yung mga katabi ko.



I have no choice pero kailangan eh. Tumayo na lang ako.


"Uhm, Good Morning everyone, my name is Sean Chardeux Velluego. I'm a transferee student from General Santos City. I'm 16 years old turning 17 this year. And...Thankyou."


Nagsipalakpalakan na ang mga kaklase ko pero umupo na ako. Paupo palang ako nang may sumigaw na "FB reveal naman." pero tumawa lang sina Sir at mga kaklase ko.


Sumunod na 'yung katabi kong babae na kinausap ko kanina. "Uhm Hello everyone, my name is Vivienne Rose Gallejo. From Mactan, Lapu-Lapu City, Cebu. And I am 16 years old. Thank you." Pumalakpak din ang mga kaklase ko.


"Woohoo ganda mo Vivienne. FB reveal din!" Tumawa ulit mga kaklase ko.


"Kinabahan ka?" tanong ko kay Vivienne. Tumango naman siya. "Sobra, kinocontrol ko lang." Tumawa naman kaming dalawa nang mahina.


"Hay nako, nagkakadevelopan na yata ang dalawa dito." Pang-aasar ni Sir Bueño kaya nanlaki ang mga mata namin ni Vivienne.


Naissue pa nga.


**

Moments Of SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon