Chapter 17

9 2 0
                                    

Natasha Ghianne


"Oh sige na, tama na 'tong iyak. Uuwi na ako." Pagpapaalam ko kay Aurella.


"Oh sige, mag-ingat ka ah." Tumango lang ako.


"Hoy, magpaalam ka muna do'n kay Sean." Kumunot ang noo ko sa suhestyon ni Aurella. "Para naman aware siya na aalis ka. Kahit walang namamagitan sa inyo ay magkaibigan pa rin ang status niyo."


Tumango na lang ako at hindi na nakipag-argue pa. As much as masakit pakinggan na magkaibigan lang kami ay tama naman siya. Hindi naman ako pwedeng maglaho lang sa KAIBIGAN KO.


Kumatok na ako sa pintuan ng kwarto ni Sean. Mga ilang segundo ay bumukas na ito at nagulat pa ako....


Nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko na naka-topless. Kitang-kita 'yung abs niya. Naka-gray pants din ito at ang top part ng boxers niya ay kitang-kita pa. And i hate to say this.....But his property made a bulge.


And it was big.


What the fuck are you saying, Natasha. 'wag mo nga pagnasaan 'yan!


"Ano 'yon?" Tanong niya.


"U-uh. U-uwi na ako." umiwas ako ng tingin. Parang madadagdagan pa 'yung kasalanan ko eh.


"Uuwi kana? Mag-isa ka lang?" Tumango ako.


"Wait, hatid na kita." Pipigilan ko pa sana siya na 'wag na lang ako ihatid pero umalis na siya agad at pumunta sa cabinet niya para magbihis.


"Hey, hindi na kailangan." Sambit ko. "Kaya ko naman umuwi, Sean. I'm fine, okay? Aalis na ako."


"No, you can't. Hinatayin mo'ko d'yan. Mabilis lang 'to hahatid na kita." Hindi ko na siya napigilan at hinayaan ko na lang.


Pumunta siya sa kwarto ng Papa niya at nagpaalam na kung pwede ba daw humiram ng motor.


"Pa, hiramin ko motor mo ah? Ihahatid ko lang 'tong si Natasha. Uuwi na daw eh ta's gabi na." Narinig ko naman na pumayag ang Papa niya. "Oh sige, mag ingat kayo ah. 'wag bilisan ang patakbo."


Agad naman siyang lumapit sa'kin. "Tara na." Bumaba na kami at nagpa-alam kay Tita Rochelle. "Tita uuwi na po ako ah."


Tumango naman si Tita. "Sige mag-ingat kayo ah."


Lumabas na kami at pinaandar na niya 'yung motor. "Sumakay kana sa'kin." Lumaki ang mata ko sa sinabe niya.


Pinitik niya 'yung noo ko habang nakaupo na siya. "Hindi 'yang iniisip mo. Green-minded ka! Umangkas gano'n."


"Hoyy, FYI! Hindi ako nag isip ng gano'n. 'kala nito." pagde-defend ko. "Talaga? grabe ka nga makatitig sa katawan ko kanina eh. 'kala mo hindi ko nakita 'yon?"


Nanlaki ulit ang mata ko at napatingin na lang ako sa malayo. Tumawa naman siya. "Huwag na, aalis nalang ako mag-isa!"


Paalis na sana ako nang hinawakan niya ako sa braso.


Shet. Nagulat ako. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko.


"Sorry na. Jino-joke time ka lang eh. Wala kabang sense of humor? Dali na hatid na kita." Napairap na lang ako bago umangkas.


"Kapit ka lang ah. Dahil baka malaglag ka. Pero okay lang naman kung malaglag ka d'yan, handa naman akong saluhin ka."


What the fuck ang cringe. Pero hindi ko na napigilan ang sarili kong ngumiti.


"Hoy nakita ko 'yon, ngumiti ka. Kinilig ka 'no?" pang-aasar niya sa'kin habang nakatingin sa side mirror pero hinampas ko lang siya sa likuran.


Natawa na lang din ako sa sinabe niya. "Ang korni mo! HAHAHA"


"korni nga pero kinilig ka naman, oh?" Ngumiti na lang ako.


Sorry pero pag dating sa'yo crush, tiklop na agad ako eh.


"Bahala ka nga d'yan." sabi ko pero tumawa pa rin siya.


Nakita kong sumulyap siya sa'kin sa side mirror pero nagpipigil lang ako ng ngiti. "Ang ganda mo talaga."


Halos nag-init ang mga pisgi ko sa biglaang sabi niya. I wasn't expecting that!


"Hoy, mag thank you ka nga!" pangungulit niya sa'kin pero hindi ko siya pinapansin. Nagre-recover pa ako sa kilig.


Pag ikaw, lakas ng tama mo sa'kin eh.



"Ahh ayaw mo mamansin ah." Bigla niyang binilisan ang pagpatakbo ng motor kaya sa gulat at takot ko napayakap ako sa kaniya.


Binagalan na niya 'yung pagtakbo at tumawa-tawa pa. "HAHA ayan, para hindi ka malaglag. Yumalap ka lang sa'kin."


I can feel him smirking. Kapal neto. "Malamang binilisan mo pag takbo." Bibitaw na sana ako nang bigla niya ulit binilisan kaya napayakap ulit ako.


Binagalan na niya. "Ano ba, Sean! Papatayin mo ba ako?"


"Papatayin sa kilig. Ikaw kasi eh, bibitaw kapa. Yumakap ka lang!" pagde-demand niya.


Mas lalo lang akong kinilig sa'yo. Kaya please, tama na.


**
Goodluck sa next chapter.

Moments Of SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon