Chapter 4

7 2 0
                                    

Sean Chardeux


Wait, nakatitig ba siya sa'kin kanina? Sure na ba 'yon? Tangina. Parang gusto kong tumalon sa kilig eh.


"Okay so, sasama kaba sa Mall, Sean?" tanong ni Aurella sa'kin.


Bago paman ako makasagot ay nagsalita na rin si Natasha. "Wait, so seryoso ba talaga 'yon? 'kala ko gusto mo lang takasan 'yung Ethan na 'yon." Tumawa pa siya.


"Si Sean tinatanong ko, 'wag ka sumagot d'yan. Pag marinig lang nag pangalan ni Sean ginaganahan ka 'no?" Tumawa si Aurella


Nakita ko talaga kung pa'no nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabe ni Aurella. Natatawa nalang 'yung kaluluwa ko pero ayoko parin tumawa.


"Ayiee ngumingiti si Sean oh!" pang-aasar ni Aurella sa'kin kahit hindi naman talaga ako ngumiti. Tumingin si Natasha sa'kin habang nakatingin ako ng diretso sa kaniya. Agad din siyang umiwas ng tingin nang makita niyang natitig ako sa kaniya.


"Oy, ano 'yan? 'wag kayo dito sa fishballan maglandian ha! Naiinggit ako." Tumawa nalang ako habang si Natasha naman ay nakayuko pa rin.


Hayst, ano kaya nasa isip no'n.


"Ahh, manong, bayad po." nagbayad na si Aurella sa fishball na binili niya.


Kumuha na rin ng ako ng pambayad sa bulsa ko. "Ahh, manong, bayad po, para sa'ming dalawa."


Nakita kong nanlaki ang mata ni Aurella at nabulunan naman ng fishball si Natasha. "Wow ha! ako pinsan mo dito, Sean. Sinasabe ko sa'yo talaga. Ako dapat nilibre mo!" Tumawa lang ako.


"Eh nagbayad kana eh!" Napa-irap nalang siya. "Shutang gala to oh, hindi ko naman inexpect na ithi-thirdwheel niyo lang pala ako!"


Nakita ko ulit na namula ang pisngi ni Natasha.


"Tara na nga, gumala na tayo!! Punta tayong mall." masiglang sigaw ni Aurella kaya napatingin ang mga tao sa kaniya pero wala lang siyang pake-alam.


Inang 'yan, ang social anxiety na 'yung nahiya sa kaniya.


Pumara nalang kami ng trycicle. At sumakay na dahil 15minutes lang naman ang byahe mula sa campus na 'to papunta sa Mall na sinasabe ni Aurella.


"Sean, ba't daw ang tahimik mo sabi ni Natasha." kinalabit ako ni Aurella habang nasa trycicle kami. Nasa likod kasi ako tapos sila sa harap.


"Sino ba kakausapin ko dito? Eh ako lang mag-isa." tumawa naman silang dalawa. "Oo nga naman." sambit ni Aurella.


Nang makarating na kami sa Mall ay nagbayad na kami. "Hindi ako na magbayad, basta 'wag kayong maglandian mamaya sa harap ko ah at sisingilin ko talaga kayong dalawa." Natatawang sabi ni Aurella saka nag abot ng bayad sa trycicle driver.


"Oh sige." sagot ko.


"Tara na!" Hinila niya 'yung kamay namin ni Natasha kay nagkatinginan kaming dalawa. Baliw talaga 'tong si Aurella.


Pinsan ko ba talaga 'to??


Nang makapasok kami sa mall ay rumampa pa talaga si Aurella.


"Hoy Aurella! Bruha ka talaga." Napasapo nalang sa noo si Natasha kaya natatawa ako. Ang cute eh.


Nakita kong naglakad si Aurella sa isang bilihan ng gummies na nakapwesto sa gitna ng mall. "Bili muna ako ah, wait niyo ako d'yan."


Nagkatinginan kami ni Natasha. Nakatayo kaming dalawa at hinihintay namin si Aurella. Tinawanan ko lang siya. "Baliw talaga." napa-iling nalang ako.


Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin si Natasha sa'kin habang ako naman ay diretsong nakatingin kay Aurella at hinihintay siyang bumalik.


"Tama na nga 'yang titig mo. Baka matunaw ako, sige ka. Susumbong kita kay Papa."


Tumawa ako ng bahagya bago siya tinignan. Napayuko nalang siya dahil sa sinabe ko.


Ewan ko pero nagkaroon yata siya ng lakas ng loob dahil tumingin din siya ng direkta sa mga mata ko.


Parang bibigay na ako.


"Did your blood rushed into your cheeks?" tanong ko. Nagkasalubong ang kanyang mga kilay at nagulohan. She was totally confused.


"H-huh?" tinawanan ko lang siya. Ang cute eh. Ilang seconds palang ay napagtanto niya siguro kung ano ang ibig kong sabihin. Kaya napahawak siya sa pisngi niya. "Bakit namumula ba pisngi ko?"


"Obvious ba?" ngumiti nalang ako. Mas matanda ba talaga sa'kin 'to? She's so damn innocent.


"Hep hep hep. Ayan nanaman kayo ah." Biglang lumapit si Aurella sa harap namin at may bitbit na Gummies....


Hanggang sa napagtanto kong kung ilan 'yon.


Shit tatlong balot ng random gummies.


"Hoy?! Andami niyan ah. Anong gagawin mo d'yan papa-giveaway?" Natawa ako sa reaction ni Natasha no'ng nakita niya 'yung napakadaming gummies na bitbit ni Aurella.


"Gagawin mo d'yan?" i chuckled.


"Edi kakainin natin. Ano naman kung magka-diabetes? we only live once!"


Inang mindset 'yan.


**

Moments Of SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon