Natasha Ghianne
"OMG, Really? Kaya pala gulat na gulat ka nang malaman mong magpapa-GenSan tayo kasi taga do'n pala ang love-of-my-life mo."
Inaasar ako ni Petra habang nasa loob ng sasakyan. Nagpahatid kasi ako sa bahay nina Sean dahil ngayon nga kasi ang outing ng family niya.
"Baliw. Eh kasi naman mag-ex pa kami no'n kaya siya agad naalala ko no'ng minention mo 'yung GenSan."
Tinignan lang ako ng Petra nang nakaka-asar pero inirapan ko lang siya. "Argh! Huwag muna ngayon at nahihilo ako." Napahawak ako sa sentido ko.
Pabalik-balik naman ang tingin ni Petra sa'kin habang nagmamaneho. "Hoy, okay ka lang?" She asked.
Tumango lang ako.
Nang makarating na kami sa bahay nina Sean ay bumaba na agad ako ng kotse. "Mag-ingat ka." Ngumiti ako kay Petra.
Ngumiti naman siya sa'kin pabalik. "Sige, ikaw din. Mag-enjoy ka ah, enjoy your day with your love-of-my-life." Pang-aasar niya sa'kin kaya natawa na lang talaga ako.
Nang makaalis na siya ay pinanood ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
"Ay KABAYO!!" Napasigaw ako sa gulat nang may biglang yumakap sa likuran ko nang mahigpit.
Napabuntong-hininga na lang ako ng marealized kong si Sean lang pala iyon. Ngumiti at tumawa siya kay napangiti na lang ako.
Humarap ako sa kaniya at hinalikan niya ulit ako sa noo. "Para namang pinapamukha mo sa'kin na kinulang ako sa height." Pagrereklamo ko sa kaniya pero tumawa lang siya.
"Matangkad ka naman eh, mas matangkad nga lang ako." Pang-aasar niya sa'kin kaya hinampas ko na lang siya sa balikat.
"Tara na, love?" He said and smiled. Tumango naman ako at ngumiti na rin. "Tara?"
Nang makarating na kami sa loob ng bahay ay binati agad ako ng parents ni Sean.
Nakita ako ni Aurella at niyakap naman niya ako. "OMG GIRL!! Mwa Mwa."
"My gosh, i miss you naaaa!" Sigaw niya sa'kin.
"OA naman, kahapon lang kayo huling nagkita." Sabi ni Sean.
"Ikaw ba kinakausap ko?" Pagtataray ni Aurella habang nakapamewang. "Hindi, 'yung girlfriend ko. Bakit?" Sagot ni Sean.
Umirap naman si Aurella sa kaniya. "Okay! Ako na walang jow-" putol na pagkasabi ni Aurella.
"Hi love." Biglang yumakap si Ethan sa likuran niya habang inaamoy-amoy nito ang leeg ni Aurella.
Nagkatinginan nalang kami ni Sean. Nakita kong mahihiya si Aurella sa pinaggagawa ni Ethan sa kaniya.
"Wait, bakit walang warning na Rated SPG pala 'to?" Sabi ko. Tumawa lang si Sean. "Tara na nga."
Nang nakita naming naglalampungan lang sina Aurella at Ethan ay napagpasiyahan naming pumunta na muna kami sa labas para tumulong sa dadalhin sa beach.
"Pakipasok nga nito sa sasakyan, Sean." Sambit ng Mama niya.
Agad naman itong kinuha ni Sean at ipinasok sa sasakyan. Tumulong na lang rin ako sa mga gamit na ipapasok nila sa Van.
"Ay nako, Natasha. Salamat." Ngumiti lang ako sa sinabe ng Mama ni Sean.
Pumasok na ang lahat sa Van habang 'yung iba namang dadalhin ay nilipat sa kabilang sasakyan na ipagdadrive ni Tito Ruvy.
BINABASA MO ANG
Moments Of Serenity
Teen FictionSean Chardeux Velluego, an incoming Grade 11 student, needs to go to Cebu. He has to leave his town, GenSan, to study. He will now meet a Grade 12 student named, Natasha Ghianne Pataghona. She's one-year older than Sean Chardeux. "Moments Of Sereni...