Chapter 18

8 2 0
                                    

Natasha Ghianne


"Salamat sa pag hatid ah." Bumaba na ako sa motor niya at tumango naman siya.


"Wala 'yon." sambit niya at paalis na sana siya nang nagsalita ako. "Mag-ingat ka." I smiled.


He smiled too. "Ano ba, pinapakilig mo lang ako eh. 'di mo na kailangan gawin 'yon, tinitignan palang kita mamamatay na yata ako sa kilig eh."


Namula ulit ang pisngi ko. "Oh, your blood rushed into your cheeks again. Kinilig ka 'no?"


Hinampas ko lang siya sa balikat at napangiti. "Umalis ka na lang! Umuwi ka na, Sean Chardeux Velluego. Pweh, hirap pa pronounce ng Char-dux mo!"


Tumawa lang siya. "Pwede naman kasing love nalang instead of Chardeux, 'di ba? Tsaka pinapalayas mo pa ako."


Ang cuteeeee!! Para siyang nagtatampong bata! "Ano ba, ang cute mo tignan. Para kang nagtatampong bata." Iniba ko 'yung topic para matakpan 'yung love kineme niya.


"Sige, ibahin mo pa 'yung topic. Kala mo hindi ko nahahalata na nadisappoint ka kanina?" pang-aasar niya sa'kin pero kumunot lang ang noo ko.


"H-huh? anong kanina?" Nagugulohan kong tanong. "Eh ano pa ba? Edi 'yung sinabe ko kina Tita Rochelle na walang tayo!"


Tumawa lang ako. Napaka-halata ko pala 'no?


"Tawa ka pa d'yan, bakit guilty ka ba?" Natatawa pa siya noong sinabe niya 'yon.


"Sorry na kung na disappoint ka. Alangan namang sasabihin kong may tayo kung wala naman 'di ba?" pang-aasar niya ulit.


Pero ang cute. Napa-speechless ako sa pinaggagawa niya.


"Hay nako, hindi mo pa rin gets? Gusto kita, Natasha Ghianne Pataghona. Gustong-gusto. Ayoko na magpakatorpe dahil hindi na ako makatiis eh. Lapit pa nang lapit sa'yo mga kaklase mong lalake pati 'yung Ethan na 'yon."


I was left there shocked. So...Totoo ba 'to??? He likes me too? then...Ano na? Wait Ano sasabihin ko?!


"H-ha?" Napakamot na lang siya sa ulo niya. "Gusto nga kita. At wala akong pakealam kung ayaw mo sa'kin basta liligawan kita."


Natawa ako dahil ang cute niya tignan. Ang lakas mo ngayon ah, parang pinaghandaan ng ilang buwan eh.


"Pero, Sean. Mas matanda ako sa'yo ng isang tao-"


"Oh eh ano naman? Pake ko ba sa edad-edad na 'yan eh mas matangkad naman ako sa'yo." Tumawa pa siya.


Ewan ko kung matutuwa ako eh or what. Ininsulto ako beh. Pero kung gan'to lang din naman ka pogi 'yung mang-iinsulto sa'kin, okay sige.


Eme.


"I-I like you too, Sean. Sa totoo niyan, sobrang gustong-gusto kita. And i hate myself from trying to remove those feelings ko sa'yo when in fact sobrang impossible naman. Dahil kahit ba-baliktarin man natin ang mundo, sa'yong-sa'yo pa rin ako kahit hindi ka naman akin." I saw him smiled habang diretsong nakatingin sa'kin.


And that made me smile too. "And i also hate na nagseselos ako palagi pag magkasama kayo ng....Vivienne na 'yon pero wala naman akong karapatan na magselos. Kasi wala namang tayo."


Ngumiti pa rin siya. "Bakit ka ba nakangiti ng gan'yan?" Tumawa lang siya. "Wala. Hindi lang ako makapaniwala na 'yung unang babaena pumukaw ng atensyon ko sa harap ng school habang pababa sa trycicle ay may gusto rin pala sa'kin."


I was speechless again. "Wait, so doon pa lang?"


Tumango siya. "Oo, Natasha. Kaya para may karapatan kanang magselos, let's make it official. Ayaw mo? pake ko sa opinion mo."


Natawa na lang ako. Hindi ko tuloy alam kung sincere ba talaga siya or napagtripan lang ako.


"Kaya simula ngayon, liligawan na kita. Wala akong pakealam kung ayaw mo basta bahala ka d'yan. Kung hindi lang rin naman ako ang magiging katuwang mo sa buhay, 'wag ka na lang mabuhay. 'Di joke lang." Tumawa pa siya.


Baliw talaga.


"Huwag ka na manligaw. Sa'yo na ako." I saw him na nanlaki ang mata. "W-What? Seryoso ka? Baka it's a prank 'to ah!" Tumawa lang ako, ang cute.


"Oo nga! Unang-una palang naman sa'yong-sa'yo na ako eh kahit hindi naman talaga ako." Ngumiti siya sa'kin.


"Ikaw naman talaga eh. Ikaw naman palagi." Napangiti na lang ako sa sinabe niya.


"Sige na, umuwi kana, love. Mag-ingat ka." Umiwas siya ng tingin at ngumiti. "Anong sabi mo? 'di kita narinig." Hinampas ko lang siya sa balikat.


"Ewan ko sa'yo! Umuwi kana!." Tumawa lang siya. "Sige, basta date tayo bukas love ah!"


Ngumiti naman ako at ngumiti. "Sige, wala namang pasok eh."


"Alis na ako, babye!" Nagbabye na lang din ako sa kaniya at umalis naman siya agad para hindi na siya gabihin.


Nang mawala na siya sa paningin ko ay pumasok na ako sa subdivision namin.


**
Normal ba na ako 'yung kinilig sa sariling nobelang ginawa ko? Hindi? Pake ko sa opinion niyo. Jokelang HHAHAHA

Moments Of SerenityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon