Chapter Fifty six: Small world

140 5 8
                                    

Chapter Fifty six: Small world

"why did you lie?" salubong ang mga kilay na tanong ni Zac ilang minuto matapos nyang sumakay sa kotse nito. Nakapatong lang ang dalawang kamay nito ngayon sa manibela ngunit di parin nito pinapaandar ang sasakyan. Madilim ang anyo nito habang nakatingin lang ito sa harapan.

"I didn't lie..I just...didn't deny nor confirm anything" kinakabahan na sagot nya

Napailing ito "hanggang ngayon..magaling ka parin magpaikot ng tao"

"I'm sorry..diko inaakalang magkakaganito"

"diko sinuntok si Robin para sayo..I did that for the child who I thought is your son" nakatiimbagang na tugon nito. Hindi parin sya tinitingnan.

"naiintindihan ko..again...I'm sorry"

"what are you sorry for?"  doon na ito tumingin sa kanya na tila nanunumbat. Di nya maiwasang di mangilid ang kanyang mga luha kaya agad nyang binaling na lang sa bintana ang tingin. Napasinghot sya nang maramdaman ang mainit na likido sa pisngi nya kaya mabilis nya iyong pinahid ng palad nya. Narinig nya ang pagbuntong hininga ni Zac bago nito pinaandar na ang sasakyan.

~~~

Kung malamig ang pakikitungo ni Zac nung unang araw nya bilang assistant nurse nito mas lumala pa iyon sa mga sumunod na araw. Ni halos di na talaga sya nito pansinin maliban na lang kung may tanong ito o utos. Doon nya napagtantong ito ang paghihiganti ni Zac sa kanya, ang ituring sya nitong bilang isang empleyada lang nito at wala ng iba. His cold treatment is slowly killing her.

"hi" nagulat sya sa biglang pagpasok ni Vince sa office na may dalang flowers.

"V-Vince! kelan kapa dumating?"

"kahapon lang..did you miss me?" napangiti na lang sya bilang tugon.

"for you" at saka nito inabot sa kanya ang bouquet, tumayo sya at tinanggap yun.

"thank you"

Kapwa sila napalingon nang biglang lumabas mula sa main office nito si Zac. Kumunot ang noo nito nang maabutan ang eksenang tinatanggap nya ang bouquet.

"Good Afternoon Dr. Isaac Ramirez" si Vince ang bumasag sa katahimikan at lumapit ito sa binata "I'm Vince Tan..resident doctor..it's an honor to meet you" sabay naglahad ito ng kamay ngunit natagalan bago iyon tinanggap ni Zac. Walang kangiti ngiti itong nakipag shake hands dito.

"by the way..aayain ko lang sana si Sabrina na mag lunch..I hope you don't mind"

"no..but make sure you'll return her on time" seryosong tugon ni Zac na saglit pa syang tinapunan ng tingin.

"don't worry..magla lunch lang kame..marami pa naman kaming oras pagkatapos ng duty nya dito eh" 

Di na kumibo si Zac. Nakasimangot itong lumabas ng pinto habang nakatingin si Vince sa kanya at nakangiti.

~~~

"I heard your Dr. Ramirez' personal choice..are you somehow connected? coz I don't want to think that he's just hitting on you" tanong ni Vince habang kumakain sila sa kalapit na restaurant.

"of course not..he's engaged! and yes..we were classmates in college"

"small world!"

"indeed..." napapabuntong hiningang tugon nya

~~~

Dumating ang araw ng medical mission nila. At laking tuwa nya nang malamang sa Sitio San Martin pala iyon gaganapin at si Zac mismo ang nag organize nun. Mahigit sampung doctors din ang nakipagparticipate kabilang na si Vince. Maaga silang dumating ng Sitio para i set up ang mga canopies. Marami rami din ang mga nurses na sumama buti na lang di kabilang sa mga iyon sila Cindy at Betina.

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon