Chapter Thirty eight: Break free

116 6 6
                                    

Chapter Thirty eight: Break free

"Mukhang napapadalas ang paglabas nyo ni Robin best ah" nakangiting wika ni Leslie kay Sabrina habang nasa canteen sila at kumakain ng breakfast kasama sila Sam, Aimee, Agustin at Jace.

Tipid lang syang ngumiti bilang sagot dito.

"gusto ko ang aura mo ngayon friend" anaman ni Aimee habang tinataas baba nito ang mga kilay.

"kamusta naman ang Tagaytay nyo?" pag iiba nya na lang ng usapan bago sya uminom ng tubig. Naubos na nya almusal nyang tapsilog pero di parin tapos ang mga kasama nya. Madalas silang mag almusal sa school bilang 9:00 pa naman ang first subject nila at wala din syang time magluto sa bahay. 

Tumikhim lang si Sam sabay tingin kay Jace "ang totoo nyan.."

"tsk! ako na naman ang nakita nyo" namumulang putol naman ni Jace kay Sam at umugong na ang tuksuhan kaya nangunot na lang ang noo nya

"wait up, what am I missing here?" she asked, puzzled.

"it's official friend, girlfriend na ni Jace si Farah and it all happened in Tagaytay!" excited na bunyag ni Aimee kaya inakbayan si Jace ng mga katabi nitong sila Sam at Agustin at pinagkukutuskutusan.

Napangiti naman sya ng maluwang dahil doon. Magmula ng nagkakaigihan na nga sila Jace at Farah ay naging mabait na sa kanya ang huli. Siguro nakunsensya ito kaya humingi na ito ng tawad sa lahat ng pambubully nito sa kanya at dahil doon naging parte na ito ng barkada nila.

"Congrats Jace..I'm so happy for you" nakangiti nyang wika dito

Napapakamot na lang sa batok ang binata at halatang hiya hiya pero napapangiti naman. Di nya maintindihan kumbakit parang kinukurot ang dibdib nya ngayong nakikita ang mga kaibigan nya na nagkukulitan, nag aasaran at nagtatawanan. Pakiramdam nya ay di na sya kabilang sa ma ito.Napabuntong hininga na lang sya sa naisip at saka napangiti ng mapait.

Nang uwian na nila, nakita nya si Robin na nakatayo sa labas ng gate. Nakapamulsa pa ito at nakangiti habang nakatingin sa kanya. 

"friend hinihintay ka na ng prince charming mo" ani Aimee sabay siko sa tagiliran nya. Napaismid naman sya sa sinabi nito

"prince charming ka diyan" tugon nya habang naglalakad na sila patungo sa gate.

"oh bakit? halata namang gustong gusto ka parin ni Robin hanggang ngayon eh..why don't you just give him and yourself another try? malay mo, kayo talaga ang meant to be diba?" at nakuha pa nitong kumindat sa kanya kaya napailing iling na lang sya bilang sagot dito.

Aminado naman syang komportable na syang kasama ulit si Robin pero hindi ibig sabihin nun ay may chance ng maging sila ulit. Wala naman din kasi syang nararamdamang espesyal para sa binata.

"hi girls" nakangiting bati ni Robin nang makalabas na sila

"hello.." masiglang sagot naman ni Aimee "si Red di mo kasama?" tukoy nito sa boyfriend nitong kaibigan at kaklase ni Robin.

Nagkibit balikat lang naman ang binata na ang mga mata ay di naaalis sa mukha ni Sabrina. 

"Hi Sab"

Tipid na ngiti lang ang sagot nya dito.

"oh sya maiwan ko na kayo diyan para magkaroon naman kayo ng privacy" humahagikgik na wika ni Aimee sabay naglakad na palayo sa kanila.

Tila nailang naman sya bigla nang magkasarilinan na sila. Marahil ay dahil sa panunukso ni Aimee sa kanilang dalawa kaya pakiramdam nya tuloy ay may malisya na ang mga titig ni Robin.

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon