Chapter Sixteen:Leave me alone

181 6 3
                                    

Chapter Sixteen:Leave me alone

Kahit parati silang magkatabi ni Leslie sa last subject nila every Monday ni minsan ay di pa sila ulit nag usap na animo'y di sila magkakilala. Hanggang ngayon ay di nya parin kinikibo ang kaibigan kung kaya wala din itong lakas ng loob upang kausapin sya.

Kahit medyo nababawasan na ang hinanakit nya dito ay di nya parin makalimutan na minsan ay pinaglaruan lang sya nito at tinraydor. Ilang beses din namang nakikita nyang sumusulyap ito at nagtatangkang kausapin sya ngunit agad niya itong tinatalikuran. Marahil ay di pa talaga sya ready na makipagbati dito.

Nang matapos ang last subject nila ay agad agad na syang lumabas ng room. Pagkalabas nya pa lang ng pinto ay nakita nya na agad si Robin na nakatayo sa labas na wari may hinihintay.

Nangyari na ito noon. Ngunit noon ay grabe ang pagnanais nyang makita ito at mayakap ito ngunit ngayon, balewala na lang sa kanya ang presence nito.

Nang makita naman sya nito ay agad itong ngumiti sa kanya at kumaway pa. Tipid lang syang ngumiti at saka sya nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa lagpasan nya na lang ito.

"Sab wait.." narinig nyang habol nito na agad umagapay sa paglalakad nya.

Lumingon sya para tingnan kung nakikita ba sila ni Leslie at di nga sya nagkamali. Nakatayo si Leslie di kalayuan sa kanila at malungkot na nakatanaw sa kanilang dalawa. Lumingon din si Robin at nakita din nito si Leslie, agad ding binawi ng binata ang tingin at saka bumaling sa kanya. "don't mind her.."anito pa.

Pakiramdam nya ay sya ang nasaktan para sa dati nyang kaibigan lalo na nang makita nyang mangiyak ngiyak itong tumalikod at naglakad na palayo. Huminto sya sa paglalakad at binalingan si Robin.

"ganyan din ba ang sinabi mo kay Leslie nung sinundo mo sya dito noon at mukha akong tangang nakatingin lang sainyo?" aniyang magkasalubong ang mga kilay

Napakunot naman ang noo nito "what?"

Napailing iling sya "you're so pathetic Robin..hindi mo kame laruan!" mariin nyang wika dito

"nagkakamali ka.."tugon nito sabay hinawakan ang magkabila nyang braso "mahal kita Sabrina" kitang kita nya ang sinseridad sa mga mata nito nang titigan sya nito. "and I will never hurt you again..just give me another chance to prove it to you.." dugtong pa nito na animo'y gusto pang lumuhod sa harap nya.

Maluha luha din sya. Ngunit hindi dahil sa mga sinabi nito kundi dahil sa muli nyang narealize ang lahat. Na pinagmukha lang sya nitong tanga noon at napakatagal nya ring nagpakabaliw dito na kahit matapos sya nitong lokohin ay ni di nya nagawang kamuhian ito. At ngayon..kay Leslie naman nito pinaparamdam ang sakit na dinanas nya noon.

"leave me alone.." iyon lang ang naging tugon nya sa lahat ng mga sinabi nito at saka nya tinangkang muling maglakad ngunit hindi nito binitawan ang pagkakahawak nito sa mga braso nya.

"ano bang dapat kong gawin para maniwala ka saken?" anito na napalakas na ang boses.

"bitawan moko!" ganti nyang sigaw dito kung kaya nakuha na din nila ang atensyon ng mga estudyanteng dumadaan. "I don't wanna see your face EVER again! maghanap ka na lang ng ibang babaeng paglalaruan mo..hinding hindi nako magpapaloko sayo!" 

Natigilan ito at nagsimula na ding mamula ang mga mata nito "don't do this to me.." at tuluyan ng pumatak ang mga luha nito

"may problema ba dito?" 

Pareho silang napalingon sa lalakeng biglang sumulpot sa harapan nilang dalawa. Si Cole.

"hinaharass kaba ng lalakeng to Sab?" anito pa sabay turo kay Robin na di parin binibitawan ang mga braso nya. 

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon