Chapter Fifty nine: Hold on

103 5 5
                                    

Chapter Fifty nine: Hold on

"she has the right to know Zac.." lumuluhang wika ni Leslie habang kaharap nito ngayon si Zac. Nasa office sila nito kasama sila Sam,Jace at Aimee habang si Robin naman ang kasalukuyang nagbabantay ngayon kay Sabrina.

Huminga ng malalim ang binata habang mahigpit na pinagsasalikop ang mga palad. Ubos na ang luha nya ngunit nagsisikip parin ang dibdib nya. Ilang araw ng naka confine ngayon ang nobya nya sa hospital dahil sa pabalik balik na lagnat nito at pagkakaroon ng mga pasa sa iba't ibang bahagi ng katawan. Nagpasya syang mag run ng mga tests at doon natuklasan nyang may leukemia ang dalaga. Daig nya pa ang pinagsakluban ng langit at lupa.

Hindi lang sya fiance ni Sabrina kundi doktor na rin nito. Walang ibang pwedeng magsabi ng kondisyon nito ngayon kundi sya. Pero hindi nya alam kung papano nyang sasabihin iyon. He's starting to lose himself again pero alam nyang ngayon sya kailangan ni Sabrina.

~~~

Bago pa man mahawakan ni Zac ang doorknob ng private room kung saan naka confine ang nobya nya ay bumukas na iyon at iniluwa ang mag amang Robin at Pocholo.

Nagkatinginan sila ni Robin at kitang kita nya sa mga mata nito ang matinding lungkot. Batid din nito ang tunay na kondisyon ni Sabrina at namumugto na rin ang mga mata nito.Tinapik lang nito ang balikat nya bago ito umalis. Humugot muna sya ng malalim na buntong hininga bago nya pinihit ang doorknob at pumasok sa kwarto.

Napangiti si Sabrina nang makita sya nito. May dala sya ngayong mga prutas para sa nobya.

"are you feeling any better today?" pilit ang mga ngiting tanong nya dito habang papalapit.

"oo naman..magaling kaya ang doktor ko..pwede naba akong umuwi mamaya dok?" nakangiti nitong tugon

Hinagkan nya ito sa pisngi bago umupo sa upuan sa gilid ng kama nito. "magpalakas ka pa ng konti" tugon nya na halos di makatingin sa matamlay nitong mga mata. Napawi ang ngiti nito at tumahimik.

Napalunok sya "babe.."

"I don't want to waste my time here Zac" seryoso at malungkot na tugon nito.Tila piniga ang puso nya nang makita ang pagbuo ng mga butil ng luha sa sulok ng mga mata nito.May ngiti sa mga labi nito ngunit hindi iyon umaabot sa mga mata nito.

"I know..but..." di na nya napigilan ang bahagyang pagpiyok ng boses nya ngunit agad syang tumikhim "but you need to.." napalunok sya. Damn..Is this the right time to tell her?

Umangat ang kamay nito at inihaplos nito iyon sa pisngi nya "gusto kong..makasama ka...yung tayong dalawa lang" anito sa pagitan ng mga hikbi. Naalarma sya nang makita ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha nito. Nakaguhit na rin sa mukha nito ngayon ang pait. Pero bakit? Mabilis nyang pinahid gamit ang mga palad nya ang pisngi nito.

"I'm just here..palagi lang ako dito sa tabi mo..I'll take care of you"

"I know I'm dying" bulalas nito na syang ikinagitla nya. Natigilan sya at di malaman kung anong sasabihin.

"all these bruises, infections and nose bleeding...are symptoms of leukemia..aren't they?" pagpapatuloy nito habang walang hinto ang pagdaloy ng mga luha nito sa magkabila nitong pisngi "my mom died because of this disease..hindi nakapagtatakang magkaroon din ako nito..so please..wag mo ng pahirapan ang sarili mo Zac..diko alam kung hanggang kailan na lang ang buhay ko pero gusto ko..sa natitirang mga araw na iyon..ikaw ang kasama ko..I'm not afraid of death, I'm afraid of not having the chance to live my life with you even just for a short time"

Napabuntong hininga sya at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito. Dinala nya iyon sa mga labi nya at hinagkan iyon. Napapikit na rin sya ng mariin at di na napigilang maluha.

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon