Chapter Forty seven: He's not going to win this fight

89 3 1
                                    


Chapter Forty seven: He's not going to win this fight



"I'm sorry" yun ang unang mga salitang lumabas sa bibig ni Sabrina pagkatapos ng ilang sandaling pananahimik nila ni Zac sa kotse nito. Kanina pa sila nakaalis sa mansyon ni Mr. Ramirez at kasalukuyan nitong minamaneho ang kotse nitong kabibili lang nito nung nakaraang buwan.


Malaki ang kinikita ni Zac sa art gallery nito dahil maraming bumibili sa mga paintings nito. Balak din sana nitong bumili ng bahay para sa kanilang dalawa ngunit tumutol sya sapagkat mas gusto nyang doon na sila tumira sa bahay na iniwan ng mommy nya sa kanya.


Tiningnan nya ang asawa nya. Hindi parin nagbabago ang ekspresyon sa mukha nito. Galit parin ito at mukhang konting kalabit lang dito ay makakapatay ito ng tao.


"h-hindi totoo ang mga sinabi ng papa mo..hindi kame baon sa utang..at lalong-"

"alam ko" putol nito sa kanya. Napabuntong hininga pa ito at bahagyang napailing. "and you don't have to say sorry.."


Hindi nya inaalis ang tingin nya dito. "hindi ko gustong magkagalit kayo ng papa mo Zac, di mo na dapat ako pinagtanggol sa kanya" di na naman nya naiwasang di pumiyok ng boses nya. Maiiyak na naman sya dahil sa sakit ng nararamdaman nya ngayon sa puso nya.

"halos lumaki akong walang ama Sab..he never cared about me..walang importante para sa kanya kundi ang negosyo nya..hindi ko kailangan ng ama kung sya lang rin naman..at hindi ako makakapayag na alipustahin ka nya lalong lalo na sa harap ko.." tugon nito bago saglit na nag isip "naramdaman ko na na there was something off nung kasal naten..I knew it..kinausap ka nya diba? he convinced you to not marry me"


Hindi sya nakasagot. Pagkatapos ng kasal ay tinanong agad sya ni Zac nun kumbakit namumugto ang mga mata nya ngunit nagsinungaling sya dito. Sinabi nyang tears of joy lang yun.

"wag kang mag alala..gagawin ko ang lahat, wag lang magalaw ni papa ang mga negosyo nyo ng mommy mo..I know how important are they to you and I'm willing to risk my life to protect them for you"

"no" mabilis na pagtanggi nya "wag mong gagawin yan Zac please"

Saglit itong napatingin sa kanya nang nakakunot ang noo bago muling ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho.

"bakit?" taka nitong tanong "gusto mo bang hayaan na lang nateng wasakin ni papa ang lahat ng pinundar ng mga magulang mo para sayo"


Napailing iling sya at napayuko habang sapo ang kanyang ulo. "hell no..pero di ko na alam..gusto ko din silang ipaglaban pero let's face it! hindi naten kaya ang papa mo..wala tayong laban sa kanya..w-wala na tayong magagawa" nagsimula na naman syang napahagulgol dahil sa huling sinabi nya.

Napakasakit isiping ang buong buhay na pinaghirapan ng mommy nya para sa kanya ay wawasakin lang ng kung sino sa isang iglap.

Naramdaman nyang hininto ni Zac ang sasakyan. Pagtingin nya ay nakapark na ito sa gilid ng kalsada. At bago nya pa matunghayan ang mukha ni Zac ay mabilis na nitong kinabig sya ng yakap. Napapikit na lang sya ng mariin lalo na nang ilapat nya na ang kanyang pisngi sa balikat nito. Yumakap na din sya dito ng mahigpit.


"I'm sorry if you had to go through all of this because of me" wika ni Zac, nasa boses nito ang pait. Di sya nakasagot bagkus ay tahimik na lang syang lumuha.

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon