Chapter Twenty one:I'm done with your games

190 7 1
                                    

Chapter Twenty one:I'm done with your games

Nagising si Sabrina dahil sa sobrang lamig, wala sa loob na nahigit nya ang kung anumang nakatakip sa katawan nya ngayon. Nagtaka sya dahil wala naman syang kumot bago sya natulog kagabi. At di na nya napigilang mapangiti nang makitang ang comforter pala iyon ni Zac na pilit nitong inaabot sa kanya kagabi ngunit di nya tinanggap. Marahil ay kinumutan sya nito kagabi habang natutulog sya.Nagpasya syang bumangon para tingnan si Zac sa kinahihigaan nito. Katapat nya lang pala ito at katabi pa nito si Jace.

Napansin nyang namamaluktot ito sa lamig at dahil nasa bundok sila,mas malamig ang simoy ng hangin. Ito lang ang di nakakumot sa grupo nila dahil nga sa kanya nito ibinalot ang comforter nito. 

Kahit na gustong gusto nya pang yakapin ang comforter nito at magpakasasa sa mabangong amoy niyon tumayo na lang sya at umupo sa tabi ni Zac dala dala ang comforter.

Marahan nyang itinakip sa katawan nito iyon habang nakatingin sa maamo nitong mukha. Tila nabato balani na naman sya sa kagwapuhan nito at di nya maiwasang titigan ito. Ngayon nya naalala kung kailan sya unang nagkagusto dito. At iyon ay nung doon ito natulog sa kwarto nya at napagmasdan nang malaya ang mukha nito, bumilis ang tibok ng puso nya noon nung bigla itong nagising at nagkatitigan sila.

Ang kakaibang kislap sa mga mata nito sa tuwing nakatingin ito sa kanya ang labis nyang pinagtatakhan. Kumbakit pakiramdam nya ay mahal din sya nito dahil sa mga titig nito ang di nya maintindihan. 

Bigla syang nalungkot dahil batid nyang nag aassume lang talaga sya. Ilang beses na nilinaw ni Zac sa kanya na wala itong gusto sa kanya at narinig nya pang sinabi nito kahapon na nababaliw na ito sa kakaisip sa isang babaeng kahit hindi pa nya nakikilala ay kanya nang kinaiinggitan.

Napabuntong hininga na lang sya at nang akma na syang tatayo ay mabilis na kumilos ang kamay ni Zac para kunin ang kamay nya. Biglang kumabog ang dibdib nya sa pag aalalang baka kanina pa nito alam na nakatingin sya dito. Nakakapagtaka lang na kahit di naman ito nagmulat ng mga mata ay alam nito kung nasaan ang kamay nya.

"anung oras na.." halos paanas nitong tanong habang nakapikit parin. At dahil nakaside lying ito paharap sa kanya ay di nya tuloy malaman kung papanong magtatago. Kulang na lang ay higitin nya ulit ang comforter nito at takpan ang sarili nya dahil sa hiya.

Nakakahiya dahil may kung ilaw araw na rin matapos nya itong simulang iwas iwasan pero eto sya ngayon sa tabi nito at parang sinasamantala ang pagkakahimbing nito sa tulog.

Napalunok sya at sinikap bawiin ang kamay mula dito at umeskapo para kunwari hindi sya ang umupo sa tabi nito ngunit hindi nito pinakawalan ang kamay nya bagkus ay lalo lang humigpit ang hawak nito na nagpabilis lalo ng tibok ng puso nya.

"wag ka ng tumakas.." muli nitong wika bago nagmulat ng mga mata.At tila may sariling utak ang puso nya dahil kusang lumundag iyon the moment na nagtama na naman ang kanilang mga mata. Mag uumaga na nun kung kaya maliwanag na at kitang kita na nila ang isa't isa. "bakit moko pinagmamasdang matulog ah?" tila nakakaloko pang tanong nito dahil bahagya itong nakangiti sa kanya.

"a-ano?tss..kapal mo naman..binalik ko lang sayo tong kumot mo.." sinikap nyang hinaan ang boses para di nya magising ang iba nilang mga kagrupo na ang hihimbing parin ng tulog.

Naghikab na lang ito na animo'y di interesado sa sinabi nya kaya muli nyang sinubukang hilahin ang kamay mula dito ngunit di parin nito iyon binitawan.

Ay grabe..anu kayang meron sa kamay ko at ang hilig hawakan ng mga lalakeng to...naisip nya.Bigla nya kasing naalala  si Robin dahil ganun din palagi ang ginagawa nito sa kamay nya. Pag nahawakan na nito ang kamay nya ay ayaw na sya nitong bitawan kahit anu pang gawin nya.

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon