Chapter Thirty three:I'll die for you

132 7 5
                                    

Chapter Thirty three:I'll die for you

"anu naman yang niluluto mo?" tanong ni Sabrina sa kanyang nobyo. Nasa condo unit sya nito ngayon at kasalukuyan itong abalang abala sa kusina. Naka salukbaba lang sya sa may counter at nakatitig dito.

"wag mo nga akong tinititigan!" kunwari ay inis na wika nito ngunit batid nyang nagbibiro lang ito. Ginaya lang nito ang paraan nya ng pagkakasabi nun dati.

"eh anu namang masama kung titigan kita?" 

"naiinlove ako eh" kunot noo nitong tugon habang nagcha chop ng kung anu ano sa chopping board.

Napangisi naman sya "narinig mo pala yung sinabing kong yun ah!" humahalakhak nyang tugon. Naalala nya kasi na sinabi nga nya yun nung minsang nagtanong ito kumbakit ayaw nya itong titigan sya.

"kahit nga mga iniisip mo naririnig ko, yun pa kayang bulong lang!" 

"wow! mind reader ka pala?"

Huminto ito sa ginagawa at saka lumapit sa kanya. Tinitigan sya nito sa mga mata. Unti unti naman syang napaurong. Kahit naba mag boyfriend na sila nito, di parin nya maiwasang di mailang sa mga titig nitong pamatay.

Hinawakan nito ang magkabilang pisngi nya para mapirmi sya sa kinatatayuan nya. "bakit ba?" reklamo nya na hiyang hiya na. Na coconscious kasi sya sa hitsura nya, baka kasi bigla itong mapangitan sa kanya.

Bahagya itong napangiti "wag kang mag alala..maganda ka parin sa paningin ko" 

Nanlaki ang mga mata nya. What the heck? nababasa nga yata talaga nya ang iniisip ko ah??

"p-pano mo nalamang na co conscious ako???"

"masyado ka kayang obvious!" natatawa nitong tugon ngunit pagkuway ay sumeryoso din at saka nito masuyong hinaplos ang isang pisngi nya "tsaka napaka expressive kasi ng mga mata mo..tingnan ko lang ang mga mata mo kahit na di na bumuka ang mga labi mo..alam ko na kung anung gusto mong sabihin.."

Napangiti sya sa sinabi nito. "answeet mo naman nahihiya tuloy ako"

"okay tama na nga..baka di nako matapos sa ginagawa ko..wag mo na kasi akong guluhin dito..dun kana" tila pagtataboy pa nito sa kanya bago ito bumalik sa ginagawa nito. 

"sungit!" pabulong naman nyang tugon bago pairap na tinalikuran na ito. Naisipan nya tuloy bigla na hanapin ang kwarto nito. Gusto nya kasing makita kung anung hitsura nun. 

Sandali lang naman..di nya naman siguro ako mahuhuli..hehe

Madali nya lang naman nalaman kung saan sa tatlong kwarto doon ang master's bedroom bilang iyon ang pinakamaling kwarto sa condo nito. Yung isang kwarto ay study room nito at yung isa ay guest room. Napangisi sya nang sa pagpihit nya sa door knob ay nakabukas iyon at tuloy tuloy na nga syang pumasok. Halos malaglag ang panga nya nang bumungad ang napakalaki at napaka elegante nitong kwarto.

Dumiretso sya sa kama nito at doon ay humiga sya. Grabe..sobrang lambot ng kama nya parang nakahiga ako sa bulak..

Napabangon sya bigla nang mapansin nya ang mga portrait na naka hang sa wall. Nanlaki ang mga mata nya nang lapitan nya ang mga iyon at makita ang iba't ibang larawan nya doon na pinaint nito. Maluha luha sya dahil di nya talaga inakalang may isang lalakeng katulad ni Zac ang mababaliw sa kanya ng ganito. 

 "ehem!" 

Gulat na napalingon sya kay Zac at mabilis nyang pinunasan ang mga luha.

"what are you doing here young lady?" nakangiti nitong tanong sa kanya kung kaya napangiti na rin sya at saka ito niyakap ng mahigpit. 

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon