Chapter One:Please let me go

1K 11 7
                                    

Chapter One:Please let me go

Tila napako na si Sabrina sa kinatatayuan. She can't believe what she is seeing right before her very eyes. Tama ba tong nakikita nya??Napahigpit ang pagkakahawak nya sa maliit na birthday box na dala dala.Literal nyang naramdaman ang tila kutsilyong bumaon sa kanyang dibdib nang mga sandaling iyon habang walang kakurap kurap na nakatingin sa dalawang taong naghahalikan may ilang dipa mula sa kinatatayuan nya.

Tuluyan nang lumandas sa magkabila nyang pisngi ang mga luha niyang kanina pa nagbabadyang pumatak. Kung pwede lang sana ay bigla na lang syang maglaho o lamunin na lang ng lupa upang di na siya mapansin ng mga ito na animo'y may sariling mundo nang mga sandali iyon.Ngunit huli na ang lahat nang sa wakas ay magpasya na syang tumalikod.

"Hon" narinig nyang wika ng nobyo.Nasa himig nito ang labis na pagkabigla.Mariin syang napapikit at napahigit ng malalim na hininga bago lakas loob na hinarap ang dalawa.Nasa mga mata nya ang pagtatanong, pagtataka,panunumbat at pagkamuhi.

Sinubukang hawakan ni Robin ang kamay nya ngunit mabilis nya iyong naiiwas.Napapailing iling sya at unti unting umuurong papalayo habang papalapit ang mga ito. Tinapunan nya ng isang matalim na tingin ang kanyang matalik na kaibigan na luhaan na rin. "Pano nyo nagawa saken to?" yun ang mga unang katagang lumabas mula sa kanya matapos nang ilang sandaling pagkakatigagal."I'm so sorry best.." tuluyan ng napahagulgol na wika ni Leslie.Ngunit sa tinuran nitong iyon ay lalo lang bumigat ang kalooban nya.."kelan pa...?"muli nyang tanong na halos ay pabulong na lang.Halos di na nya magawang makapagsalita sa sobrang sakit na nararamdaman nya ng mga oras na iyon.

"S-siya ang mahal ko Sab.."muling wika ng binata matapos humugot ng isang malalim na buntong hininga. Napatingin sya sa nobyo.At bago pa man sya nakahuma ay muli itong nagsalita "please let me go.." naramdaman nya ang pagsamo sa himig nito.At isang nakakabinging katahimikan ang sumunod. Pakiramdam nya ay matagal nya itong kinulong at nagmamakaawa na itong pakawalan nya. Ito na ang mga sandaling kinatatakutan nya.

Batid nyang hahantong sa ganito ang halos isang taong relasyon nila ng nobyo pero di nya akalaing sa ganitong paraan.Napayuko sya at napapikit ng mariin. Wala ng mas sasakit pa sa pangyayaring ito. Ito na ang pinaka matinding bangungot ng buhay nya. Masakit man ay sinubukan nya paring mag angat ng tingin upang salubungin ang nagsusumamong mga mata ni Robin.

"k-kung yan ang gusto mo..I want you to be happy.." garalgal ang tinig na tugon nya dito.Di nya malaman kung san sya kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon. Kahit sinaktan na sya nito ay kaligayahan parin nito ang hangad nya "Sabrina.." narining nyang muling wika ni Leslie batid nyang nais pa nitong magpaliwanag ngunit mabilis na syang tumalilis palayo sa mga ito. Muli syang tinawag ng kaibigan ngunit tuluyan na syang lumabas ng library.

Iilan na lamang ang mga estudyante ng mga oras na iyon. Malapit na mag 6 pm at nag uwian na halos ang mga estudyante. Si Leslie na ang nagsasara ng library bilang ito ang student assistant doon. Scholar kase ito at ang pagbabantay sa library pagkatapos ng klase nito ang na assign nitong gawin. Naging routine na nya ang samahan ito sa pagbabantay ng library bilang mahilig din naman sya magbasa.Lagi sila nitong sabay umuwi kasama ng isa pa nilang kaibigan na si Aimee at ito ang naatasan nyang maghanap ng restaurant na kakainan nilang tatlo.

Ngayong araw na ito ay tinext nya si Leslie at sinabi nyang di sya dito makakasabay sa pag uwi ngunit nais nya lang itong sorpresahin. Ang buong akala nya ay nakauwi na si Robin gaya ng lagi nitong ginagawa. Hindi naman kase ito madalas sumabay umuwi sa kanila. Buong araw na di nila binabati ng happy birthday ang kaibigan at kunwari ay nakalimutan nila upang sorpresahin sana ito. Pero kabaligtaran ang nangyari. Sya pala ang masosorpresa.

Nang makakita ng trash can ay mabilis nyang inihagis dun ang birthday gift nya na para sa kaibigan. Habang papababa ng hagdan ay tila bigla syang nanlambot. Napahawak sya sa rails at napaupo na lang sa baitang ng hagdan. Dun ay tumangis sya na parang wala ng bukas. Masyadong masakit ang ginawa sa kanya ng nobyo at ng matalik nyang kaibigan. Hindi sya makapaniwalang magagawa nila iyon sa kanya.

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon