Chapter Eleven:Still oozing with sex appeal

207 8 3
                                    

Chapter Eleven:Still oozing with sex appeal

Unang araw ng intrams.

Napipilitan na lang syang pumasok ng school dahil alam nyang puro ball games lang ang event sa araw na iyon. Pero mas mabuti ng manood na lang sya ng ball games o makipag chikahan kila Aimee at Jace kesa sa magmukmok na naman sya sa bahay. 

Napapagod na din sya sa kakaiyak at kahit lumuha pa sya ng dugo, wala narin namang magbabago.

Nakita nya agad si Aimee pagpasok nya pa lang ng university at agad ay tumungo sila nito sa basketball court. Pinanood nila yung basketball game sa pagitan ng Nursing at HRM students. Kabilang sa mga players doon ay si Sam kaya halos mabingi na sya sa kakatili ng mga babae lalong lalo na ni Aimee na katabi nya pa man din.

Maya maya lang ay kasama na rin nilang dalawa si Jace at magkakasama sila ngayong naglalunch sa KFC.

"ansaya talaga pag intrams..yung wala kang iniintinding lessons.." ani Jace

"oo nga..grabe talaga yung game nila Sam kanina..sobrang galing ng Nursing.." napapailing iling pa na wika naman ni Aimee.

Napangiti lang sya. 

"bigla ko tuloy na miss si Leslie.." out of the blue na wika ni Jace

Napatingin naman si Aimee sa kanya na nakayuko lang sa kinakain nya at nagkunwaring dedma

"oo nga..na mimiss ko na rin ang babaeng yun.." napapangusong wika ni Aimee

"kamusta naba sila ni Robin?"si Jace

Napatikhim si Aimee at batid nyang nakipag eye contact ito kay Jace kaya nanahimik ang dalawa.

Medyo natatawang nag angat sya ng tingin sa mga ito "ano ba kayo? pwede nyong pagkwentuhan kahit sino..I don't mind"

"ibig bang sabihin nyan...nakapag move on kana?" si Aimee

Nagkibit balikat sya. "parang...di ko pa sure.."

"eh baka naman kase si Zac na yung----" si Aimee parin

"Kamusta naba sila ni Leslie? going strong pa rin ba?" mabilis nyang sawata sa susunod pang mga sasabhin ng kaibigan. Ngayon nya lang na narealize na marinig lang pala nya ang pangalan ni Zac, sisikip na ang dibdib nya.

Kahit nahalata ni Aimee ang pag iiba nya bigla ng topic ay inintindi na lang sya nito, ngunit nag iba rin bigla ang ekspresyon ng mukha nito nang tanungin nya iyon. 

"bakit?"taka nyang tanong.

Napabuntong hininga na lang ito. "nag break na sila.."

Kapwa sila nabigla ni Jace sa sinabi ni Aimee "what? kelan pa?" curious na tanong ni Jace

"siguro mag wa one week na rin.."

Wala pang 2 months ang relationship nila, nag break na agad. Samantalang sila ni Robin ay umabot pa ng halos isang taon kahit one sided lang ang relasyon nila. 

"eh bakit naman sila nag break?" muling tanong ni Jace, halatang interesadong interesado ito at napaghahalatang may gusto parin ito kay Leslie.

"dahil sayo, may gusto kase sayo si Leslie eh.." natatawa tawang tugon nito kay Jace na napabusangot na lang at napapakamot kamot sa batok 

"nagtatanong ng maayos ang tao eh.." nakanguso ito.

"eh bat ba kasi ang tsismoso mo? sila na lang kaya ang tanungin mo?" di na napigilan ni Aimee at napabunghalit na ito ng tawa. Natawa na rin sya at pinagtawanan nila ang napipikong binata.

"hay naku..ikaw naman diyan mukhang relax na relax ka lang ah.." baling naman sa kanya ni Aimee

"bakit naman?"

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon