Chapter Twenty four:When her eyes met mine

161 4 1
                                    

Chapter Twenty four:When her eyes met mine

"anong problema?" tanong ni Zac nang mapansin ang kanina pa nyang pananahimik. Kapwa na sila naglalakad pabalik sa bahay nila.

"wala.." maikli nyang tugon habang nakatungo. Di na nawala sa isip nya ang mga nakita nya sa sketchpad. Di nya nais malaman nitong nakita nya ang mga iyon at naghihinala na naman sya  na may pagtingin din ito sa kanya dahil ayaw nyang masira na naman ang friendship nilang dalawa.

"namimis mo na naman ang mommy mo noh?" muli nitong tanong

"oo naman..halos isang linggo din kameng di nagkita mula nung magkasakit ako noon tapos nung magbalik naman sya kinelangan ko namang mag community immersion.." napapalabing tugon nya. Nagulat sya nang bigla nitong pinatong ang kamay sa kabilang balikat nya.

"don't worry kasama mo naman ako eh.." nakangiti nitong wika. Kung kaya napangiti na rin sya. Na miss nya na rin pala ang pag akbay akbay sa kanya ni Zac ng ganito. Ngayon nya pinagsisisihan na nainlove pa sya dito when they're used to be really good friends before.Kung di sya nagtapat dito noon ay marahil di na nila kinailangan pang iwasan ang isa't isa.Kaya anuman ang natuklasan nya ngayon ay sasarilinin nya na lang. Di naman ibig sabihin na iginuhit nito ang mukha nya ay mahal na sya nito.

Baka naman wala lang talaga syang ibang maisip na iguhit kundi ako..o di kaya masyado kasing madali idrawing ang mukha ko kaya ganun..ah basta..ayoko ng mag assume pa..


"Aha! kayo na noh!!!" makulit na bungad ni Agustin sa kanila nang makita sila nitong magkasabay dumating. Kasalakuyan itong nakaupo sa kubo kubo kasama sina Sam at Jace.

"shut up nerd!" tugon naman ni Zac na umupo na rin sa tapat ng mga ito. Parang nag alangan naman sya bigla na umupo din kasama ng mga ito dahil sa nakikita nya ang panunukso sa mga mata ng dalawa.

Sinenyasan sya na Zac na umupo na din sa tabi nito kung kaya kahit na naiinis sya dahil sa pagkakangisi ng dalawang kaibigan ni Zac na parang mga aso ay umupo parin sya sa tabi nito. 

"nakakapagselos naman..akala ko naman masosolo na kita dito dahil wala si Robin.." biglang wika naman ni Jace na magkasalubong pa ang mga kilay. Halata sa mukha nito na nagseselos nga ito.Inakbayan naman ito ng katabing si Sam. "alam mo pare..si Farrah ang bagay sayo eh..ibalato na lang naten si Sab kay Zac.." bulong pa nito kunwari ngunit dinig na dinig parin naman nilang lahat. At dahil sa sinabi nga ni Sam ay nag init ang mukha nya. At lalo lang napabusangot si Jace.

"uuuy ang cute nyo naman..pareho pa kayong nagba blush.." pambubuska parin ni Agustin sa kanilang dalawa ni Zac kung kaya nadagukan tuloy ito ng binata.

"Sab naman..ngayon pa lang mamili kana sameng tatlo..ako, si Robin o si Zac???" inis parin na wika ni Jace sabay bagsak pa ng kamao nito sa mesa. 

Napalunok sya sa tanong na iyon na parang ang dating eh ang haba haba naman ng hair nya. 

"Jace..ilang beses ko bang sasabihing di tayo talo? at saka alam ko namang may gusto ka parin kay Leslie eh.." tugon naman nya sabay sinulyapan si Sam na biglang nagbago ang facial expression at pinandilatan pa sya ng mga mata. "kung gusto mo tutulungan pa kita kay Leslie.." pagpapatuloy nya na lihim na natatawa sa nakikitang reaksyon ni Sam.

"ouch! ansakit nun pre.." ang pang aasar pa ni Agustin sa nalulungkot na si Jace "so ibig sabihin nyan..this is just a battle between Robin and Zac over Sab's heart!"

Napapailing iling na lang si Zac habang sya naman ay napapasapo na lang sa ulo.

"seriously, Sab..sino nga ba kila Robin at Zac ang gusto mong maging boyfriend?" sabat na naman ni Sam na nagseryoso pa ng mukha.

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon