Chapter Fifty: Give me time

85 3 2
                                    

Chapter Fifty: Give me time


Naupo si Sabrina sa may damuhan sa ilalim ng mayabong na puno matapos nyang ilatag ang sapin roon. May dala syang isang basket na may lamang pananghalian nila ni Zac. Kinawayan nya ang asawa na kasalukuyang nagtatanim ng palay sa bukid. Tirik na tirik ang araw ngunit naka topless pa ito at tila walang pakealam kahit mabilad ng husto ang katawan nito sa init. Nginitian sya ni Zac at sumenyas na mag hintay daw sya sandali. Tumango lang sya at malungkot nyang pinagmasdan ito.

you can't let him live like this..you can't let him waste his life with you

Hindi parin matanggal sa isip ni Sabrina ang mga sinabi ni Athena. Pilit man nyang burahin hindi nya maitatanggi ang katotohanang nasasayang lang ang kinabukasan ni Zac dito, sa piling nya. Magmula ng mag usap sila ni Athena hindi na naalis ang tila mabigat na nakadagan sa dibdib nya. Walang araw na hindi nya tinanong ang sarili kung kaya nya bang mabuhay ng ganito habambuhay. Kaya nya bang hayaan ang mga sarili nilang lumubog sa putikan para lang maipaglaban ang kanilang pagmamahalan?

Inihanda nya na ang mga pagkain sa lapag nang makitang papalapit na ang asawa. Nang maupo na ito sa tabi nya ay dagli dagli nyang pinunasan ang pawisan nitong mukha at katawan.

"dapat kasi nag lo long sleeves ka pag nagsasaka..di mo ba alam na nakakacancer ang pagbibilad sa araw?" aniya dito habang pinupunasan ang mukha nito ng bimpo.

"alam ko..kaso, ang init ng panahon..lalo lang akong nanlalagkit pag may pang itaas ako" tugon nito saka nagsandok na ng kanin. Sunod sunod ang naging pagsubo nito na halatang gutom na gutom.

Napagmasdan nya na lang ito habang kumakain ng kanin na may ulam na pinakbet.

"bat di kapa kumain?" taka nitong tanong nang mapansin ang pagtunganga nya dito

"k-kumain na kasi ako..nagutom nako kanina eh" pagsisinungaling nya, ngunit ang totoo..konti lang ang kanin na nadala nya dahil wala na silang masasaing na bigas. Naubos na ang naitabi nilang pera ni Zac dahil bukod sa kanila, binubuhay na din nila ang triplets pati na ang lola ng mga ito. Nakikisaka lang si Zac sa bukid na iyon kung kaya maliit lang rin ang kinikita nito, lalo na't panahon ng tag tuyot.

"may bigas pa ba tayo?" tanong nito

"wala na nga eh..last na tong sinaing ko kanina"

"wag kang mag alala..sasama ako kila mang Kanor mamaya sa slaughterhouse..nangangailangan daw kasi ng matadero doon eh"

Napakagat labi sya sa sinabi nito at iniwas nya ang tingin dito. Gusto nyang umiyak dahil sa paninikip ng dibdib. Namimigat na ang kanyang mga mata ngunit pinigil nya ang mga luhang gusto ng pumatak. Tila dinudurog ang puso nya dahil sa awa para dito.Humugot sya ng isang malalim na buntong hininga bago nya muling tiningnan ito na sarap na sarap sa inihain nya.

Hindi nya maiwasang ikumpara ngayon ang Zac na campus hearthrob noon sa Zac ngayon. Malayong malayo. Wala na ang dating Zac na kahit tingnan mo lang alam mong mabango. Matikas at gwapo.

Ngayon ay tila na sunog na ang makinis at maputi nitong balat, gwapo parin ngunit tinubuan na ito ng balbas at bigote. Hindi na ito kasing bango at kasing linis tulad ng dati.

"anung iniisip mo?" untag nito sa kanya na kanina pa pala din nakatingin sa kanya.

"pano kang..magmamatadero? diba hindi mo pa kayang ikuyom yang kamay mo?"

Tiningnan nya ang kanang kamay nito na binalutan nito ng tela.

"itong kaliwa ang gagamitin ko" pagmamalaki pa nito

"di kaba nahihirapan? baka malala na ang impeksyon nyang sugat mo..ipatingin na naten yan sa doktor please?"

"babe..pag tatalunan na naman ba naten to?" magkasalubong ang mga kilay na tugon nito bago uminom ng tubig. "gagaling din to..wag ka ng mag alala"

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon