Chapter Thirty: Be mine

147 6 1
                                    

Chapter Thirty: Be mine

Naging malaking tulong ang group review nila noong nakaraang linggo dahil mataas ang nakuha nilang score sa final exam. Top 1 sa buong 3rd yr students ng college of nursing si Leslie, top 2 si Agustin, top 5 si Jace, top 9 si Sabrina at nasa top 10 si Zac. Habang passing score naman ang nakuha nila Aimee at Sam.

"Congrats" nakangiting wika ni Sabrina kay Zac matapos nilang tingnan ang result sa kanilang bulletin board. 

"thanks..congrats din.." simpleng sagot nito

Huling araw na ng first semester nila sa 3rd year. Masakit para sa kanya ang isiping mahigit isang buwan din nya itong di makikita dahil sembreak na nila.Kaya kailangan magkaroon na sya ng dahilan para magkita sila ni Zac araw araw. 

"May maganda nga palang palabas sa sine ngayon..nood tayo?" aya nya habang papababa na sila nito ng hagdan

"sorry..di ako pwede eh..ayain mo na lang sila Leslie"

"bakit dika pwede?"

"I have a date"

Tila nayanig ang mundo nya dahil sa sinabi nito. Ni hindi pa sumagi sa utak nya na makikipag date ito sa ibang babae kung kaya tila hirap syang tanggapin iyon ngayon.

"k-kanino?"

Nilingon sya nito at saka ngumiti pa at tingin nya pa ay tila namungay pa ang mga mata nito "dun sa babaeng naikwento ko sayo"

Tila nagkaroon bigla ng bikig sa lalamunan nya na hindi na nya magawang lumunok. Nagsisikip ang dibdib nya dahil sa selos. Gusto nyang pumalahaw na ng iyak ng mga sandaling iyon ngunit di nya magawa. 

"mauna na ko sayo" anito sabay tapik sa balikat nya. Nakatalikod na ito sa kanya nang bumalik sya sa kanyang tamang wisyo.

"Zac wait" sinundan nya parin ito at sumabay sya sa paglalakad nito. Hindi nya malaman kung papano nya itong pipigilan ngayon sa balak nitong gawin. Just thinking that he is going to date that girl of his dreams is already killing her.

"p-parang hindi yata maganda ang panahon ngayon..mukhang uulan" aniya habang nakatingala sa kalangitan. "tingin ko hindi ito ang tamang panahon para makipag date..ano sa tingin mo?" aniyang di magkandaugaga sa pagsabay sa paglalakad nito. 

Nakita nya ang pag angat ng sulok ng labi nito sa sinabi nya bago ito bahagyang natawa.

"what's funny?" kunot ang noong tanong nya

"nothing can stop me from seeing her today..not even a disaster"

Huminto sya bigla sa paglalakad at nilingon naman sya nito.

"kahit pigilan kita?" malungkot nyang saad.

"Sab" anitong tila nag alala sa kanya ngunit biglang nag ring ang cellphone nito.

"hello..okay sorry parating nako..bye" 

Napakagat labi sya sa narinig. "Zac please.."

"I'm sorry Sab..I really have to go now..see you soon" at kumindat pa ito bago nagmamadaling lumakad na papalayo sa kanya.

He has already made a choice. He didn't choose her. Naramdaman na naman nya ang pamimigat ng kanyang mga mata. Ilang beses nya ng pinangako sa sarili nyang hinding hindi na sya iiyak ng dahil lang kay Zac, hinding hindi na sya magpapakababa para dito pero bakit napakahirap para sa kanya ang tuparin ang mga pangakong iyon sa sarili nya.

Marahil ay ito na ang hangganan ng pagkahumaling nya kay Zac. Ginawa nya na lahat lahat para mabaling sa kanya ang pagtingin nito ngunit hindi sya nagtagumpay. At kung ang babaeng iyon ang talagang makakapagpasaya kay Zac, bakit kelangan nyang hadlangan iyon? 

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon