Chapter Five: He's got a pair of kissable lips

257 6 4
                                    

Chapter Five: He's got a pair of kissable lips

"if you really want to stay here pa diyan kana sa sala at ako papasok nako sa kwarto ko okay? just lock the door before you leave the house.." pagbibilin nya pa dito matapos nilang maghugas ng mga plato.

"ahhh okay san ba dito ang room mo.." anito na patungo sa direksyon ng kwarto nya.

"hoy hoy hoy where do you think you're going!!!!" napasigaw na sya at sinubukan nyang mahabol ito pero mabilis nitong narating ang kwarto at walang ka abog abog nitong binuksan iyon.

"just who do you think you are to enter my room without my permission huh!" halos umusok na ang ilong nya sa galit pagpasok nya sa kwarto.

Ngunit hindi sya nito pinansin bagkus ay pabagsak pa itong humiga sa kama nya habang nakadipa. Lalong nanlaki ang mga mata nya at pinaghahampas nya ito ng unan "get off my bed!!!!"

Todo ilag naman ito sa panghahampas nya "aray tumigil kana ah.." may pagbabanta na sa tinig nito.

"at bakit? baka nakakalimutan mong room ko to and I want you to get out of my room right now!" aniya sabay itinuro pa ang pinto.

Ngunit tila wala itong pakealam sa galit nya.Bumangon ito mula sa kama at saka tinungo ang cabinet nya at binuksan iyon. "wala kaba ditong malalaking tshirts at shorts? nangangati nako sa uniform ko eh"

Nasapo nya ang ulo at saka napailing iling.Napaupo na lang sya sa kama at saka pinagmasdan ito habang kinakalkal ang damitan nya.

"tingin mo ba sa laki mong yan may mga damit akong kakasya sayo?" inis nyang tanong.

Humugot ito ng isang tshirt. PE tshirt nya iyon kaya may kalakihan nga. Medium ang size nya pero large iyong inorder nya nun para komportable sa kanya. Sinipat sipat nito ang damit.."pwede na to" anito at hinugot pa nito ang kapartner na short ng tshirt na iyon. "pagamit ng banyo ah?" nakangiti nitong baling sa kanya. Ni hindi na sya nito hinintay makasagot, pumasok na lang ito ng banyo.

Napabuntong hininga sya. Parang daig nya pa ngayon ang nakapag asawa ng maaga sa inaasal nito ngayon. Hindi nya malaman kung sadya lang talagang makapal ang mukha nito o may problema na ito sa pag iisip.

Kung tutuusin talaga ay wala pang isang linggo nang makilala nya ito ngunit pakiramdam nya ay isang taon na sila nitong magkakilala.

Pigil na pigil nya ang matawa paglabas nito ng banyo. Nagmukha kasi itong suman sa tshirt at shorts na suot nito.

"oh bat ganyan ang hitsura mo?" puna nito sa kanya. Hindi na nya napigilan ang sarili at napahagalpak na sya ng tawa. "yung totoo..ikaw ba si Felix Bakat??" aniyang halos di na makahinga sa kakatawa.

"pssh.." anito na matawa tawa na rin.

Mangiyak ngiyak na sya sa kakatawa nang mahimasmasan sya. Nakatayo parin ito sa harap ng kama nya habang pinagmamasdan sya. Napatingin sya dito at nagtama ang kanilang mga mata. Kahit nagmukha itong totoy ngayon sa suot nito he's still undeniably and breathtakingly handsome.

"So what now?" untag nya

Umupo naman ito sa gilid ng kama nya. "Pwede ba akong matulog dito?" seryoso nitong tanong. Nagtikwasan ang mga kilay nya sa narinig. "Ano ka sinuswerte??bat di ka kaya umuwi na sa pad mo anlaki laki ng bahay mo tapos makikisiksik ka pa dito? tubuan ka naman ng hiya noh!" bulyaw nya.

"Di mo ba naririnig?? sobrang lakas ng ulan! bumabagyo na at lahat lahat gusto mo parin akong pauwiin..grabe ka have a heart naman!" ganting bulyaw nito na di naman seryoso.

Humiga na ito sa kama nya at hinila ang kumot para ibalot sa katawan nito. "sige na patayin mo na ang ilaw, matutulog nako" anito sabay pumihit patalikod sa kanya.

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon