Chapter Fifty five: Babe

103 4 5
                                    

Chapter Fifty five: Babe

"anong ginagawa mo diyan? kanina kapa hinahanap saken ng pasyente mo ah?" sita ni Cindy sa kanya nang makita sya nitong aali aligid sa corridor kung nasaan ang office ni Zac. Napanganga sya at di nya malaman kung papano syang makakalusot. Lalo na at nakataas ang isang kilay nito sa kanya ngayon.

"m-may hinihintay kase akong lab results" nakangiti nyang sagot bilang malapit ang laboratory sa office ni Zac. Ngayon ay nakakunot na ang noo nito sa kanya dahil di naman talaga nila kailangang maghintay ng lab results kaya napakagat na lang sya ng labi. Hindi nya pwedeng sabihin dito na talagang hinihintay nya ang paglabas ni Zac ngayon sa office nito para makasabay nya itong mag lunch. Kailangan nya kasing samantalahin ang pagkakataong hindi nito kasama si Athena. Sinigurado nyang wala si Athena ngayon dahil inabangan nya talaga ang pagpasok nito at nakita nyang mag isa lang itong pumasok sa office nito kanina. Wala naman syang lakas ng loob na pumasok sa office nito at doon ito kausapin kahit ilang beses nya din iyong sinubukang gawin. Kaya ngayon ay namamag asa syang papayag itong mag lunch kasama sya para magkausap na sila nito nang masinsinan.

"kaninong lab results?" takang tanong na nito sa kanya bago lumipad ang tingin nito sa likuran nya. At ang nakabusangot nitong mukha kanina ay biglang umaliwalas at tila nagningning ang mga mata.Nagtatakang napalingon na lang sya para tingnan kung anung nagpapalaglag sa panga nito ngayon at maging sya ay napanganga rin nang makita si Zac na naglalakad papunta sa direksyon nila ngayon. Awtomatikong tumalon ang puso nya at nanghina talaga ang buong katawan nya nang makita ito ngayong seryosong naglalakad at nag uumapaw ang appeal sa suot na black na shirt na pangloob nito sa puti nitong coat. Kung di nya kilala si Zac, hindi nya iisiping doktor ito dahil mas dadaigin pa nito ang mga model ng bench body sa kakisigan nito. Ang magkasalubong nitong mga kilay at tikom na bibig ay lalong nakakadagdag sa kagwapuhan nito ngayon. Napalunok sya nang mapagtantong sa kanya na din pala nakatuon ang mga mata nito. Pakiramdam nya tuloy ay pinagpapawisan sya ngayon kahit malamig naman sa loob ng hospital. Ngunit laking pagkadismaya nya nang sandali lang sya nitong tiningnan at agad din nitong binaling sa iba ang tingin.

"hi doc..good afternoon" nakangiting wika ni Cindy nang akmang lalagpasan na sila nito. Saglit namang sinulyapan ito ng binata at nginitian. Halos mamilipit sa kilig si Cindy ngunit di nya na ito pinag ukulan ng pansin bagkus ay namalayan nya na lang ang sarili nyang tinatawag ang binata sa pangalan nito bago pa ito tuluyang makalayo.

"Zac.."

Anlaking bagay sa kanya nang makitang huminto ito sa paglalakad at lumingon sa kanya. Ngunit kita nya naman sa reaksyon nito ngayon ang pagkairita nito dahil sa pagbuntong hininga nito. Batid nyang nagtataka ngayon si Cindy habang nagpapalipat lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ngunit katulad kanina ay di nya ito pinansin. Lakas loob syang humakbang palapit kay Zac at lumunok bago muling nagsalita. "p-pwede ba tayong mag usap?"

~~~

Pinagbigyan sya ni Zac. Humantong sila nito sa isang mamahaling Chinese restaurant katabi lamang ng hospital kung kaya nilakad na lang nila ito. Ngunit di nya akalaing dadatnan pala nila doon si Athena na halatang kanina pa naghihintay sa binata. 

"Hi Sabrina" tumayo ang dalaga at nakipag beso sa kanya. Umupo sya sa tapat nito habang si Zac naman ay umupo sa tabi ni Athena. 

"nag order ka na ba?" tanong ni Zac sa katabi

"hindi pa..baka kase iba ang gustong orderin ni Sab.."

Habang nagsasalita ito ay may lumapit nang waiter sa kanila at binigyan sila ng menu.

"hotpot na lang kaya babe.." mahinang wika ni Athena habang nakatingin si Zac sa menu. Natigilan naman sya sa narinig...babe

Nahuli ni Zac ang pagkatigagal nya nang saglit sya nitong sinulyapan na tila nais lang nitong silipin ang reaksyon nya. Awtomatiko namang bumaba ang tingin nya sa menu para iwasan ang nanunuri nitong tingin. This is a bad idea..

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon