Chapter Twelve: Easy to get

157 6 4
                                    

Chapter Twelve:Easy to get

Isang beses pa nyang pinasadahang muli ang sarili sa harap ng salamin.Nakasuot sya ngayon ng pang tennis outfit. Ngunit hindi iyon isang simpleng tennis outfit lang. Maiksi ang blouse niyon kaya kita ang magandang kurba ng katawan nya at pusod.Mini skirt din ang suot nya kung kaya na expose ng husto ang mahaba at makinis nyang mga hita. Combination ng pale blue at white ang kanyang sports attire kung kaya pinartneran nya iyon ng white rubber shoes.Naka pony tail naman ngayon ang buhok nya at light make up parin. May hawak sya ngayong tennis racket kung kaya't sporting sporty ang look nya.

Nang masiyahan na sya sa histura nya ay lumabas na rin sya ng dressing room. Nauna nang rumampa ang ibang mga candidates. Pang anim sila ni Zac na rarampa doon. Dalawang pares pa lang ang mga nakakarampa at sumunod na din ang pangatlo. Tumayo na sya malapit sa sliding door ng back stage kung saan sila pumapasok at lumalabas. Nandoon na din ang ibang mga magkaka partner ngunit ang partner nya ay wala pa.

Nang magbukas ang sliding door ay lumabas na mula roon ang pang apat na pares. Narinig nya ang malakas na palakpakan ng mga tao bago automatic na nag sara ang sliding door. Bigla syang kinabahan dahil wala parin si Zac.

Ngunit nang malanghap nya na ang nakaka addict na scent nito ay napanatag na din ang loob nya. Bigla syang nailang nang maramdaman nya ang pagtabi nito sa kanya. 

"nagpapauto ka na naman.." narinig nyang wika nito. Mahina iyon at tila sa sarili lang nito iyon sinasabi ngunit malinaw iyong nakarating sa pandinig nya.

Napalunok sya. Bigla na naman nyang naalala ang pagkapahiya nya dito nung Friday. Unti unti na namang umangat ang kamay nya upang takpan ang mukha nya. Hanggang ngayon ay hiyang hiya parin sya at wala na talaga syang mukhang maihaharap dito.

 "tss..konting pambobola lang bumibigay agad.." nasa himig na nito ang pang iinsulto nang muli itong magsalita. Doon pa lang nag sink in sa kanya ang mga sinasabi nito. Wala na kasi syang ibang inisip kundi ang kahiya hiyang pangyayari sa buhay nya kung kaya't di nya agad napagtuunan ng pansin ang pinagpuputok ng butsi nito.

"paki mo.." may hinanakit sa tinig na tugon nya.Di nya ito tiningnan kahit nakita nya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagbaling nito ng tingin sa kanya. Binawi din nito agad ang tingin at saka muling nagsalita.

"easy to get.." halos pabulong lang iyon ngunit dinig na dinig nya parin bilang magkatabi lang naman sila. Nagtikwasan ang mga kilay nya sa narinig at lakas loob nya na itong hinarap. Ngunit nalaglag ang panga nya nang mapasadahan nya ito ng tingin. Lalo kasi itong gumwapo sa suot nitong soccer outfit. Ito na siguro ang pinaka gwapong nakasuot ng soccer outfit na nakita nya sa buong buhay nya.

Hindi nya ngayon maintindihan kumbakit hindi na nya mapigilan ngayon ang sarili na humanga dito sa tuwing makikita nya ito. Kailangan na siguro nya talagang aminin sa sarili na inlove na sya sa lalakeng ito na ngayon ay iniinsulto ang pagkatao nya. Ilang segundo din syang natulala bago nya naalala ang sinabi nitong easy to get sya. 

"d-did you just insult me???" sabay turo nya sa sarili. Di naman sya nito tiningnan. Diretso lang ang tingin nito sa sliding door na kaharap nila. May isa ng pares ang naka ready sa unahan nila.

"bakit..totoo naman diba?" at saglit itong sumulyap sa kanya bago muling nagbawi ng tingin. Nakangisi na ito at iiling iling. "titigan ka lang sandali nung mokong na yon maglulupasay kana eh!"

Maglulupasay????

"At alam mong may girlfriend na iyong mokong na iyon nakukuha mo paring makipag landian! wala kaba talagang kahihiyan? ganyan ka na ba talaga ka desperada?" sumeryoso ang mukha nito sabay baling ng tingin sa kanya.

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon