Chapter Twenty nine:I just don't love you no more

153 5 1
                                    

Chapter Twenty nine:I just don't love you no more

Nagpalipat lipat ang tingin ni Sabrina sa dalawang binatang nakatayo ngayon sa magkabilang gilid nya.

"anung ginagawa mo dito?" maangas na tanong ni Robin habang magkasalubong ang mga kilay na nakatingin ngayon kay Zac. 

"bakit ikaw..anung ginagawa mo dito?" maangas din na tanong ni Zac na magkasalubong din ang mga kilay. Kulang na lang ay magsaksakan na ang dalawang binata sa sama ng tinginan ng mga ito.

"sinusundo si Sab..bakit?" si Robin

"ganun din ako" tipid at cool lang nitong sagot

"di mo na sya kailangan sunduin dahil mula ngayon, ako na ang susundo at maghahatid sa kanya"

"bakit..boyfriend kana ba nya?" tila nairitang tanong ni Zac

"wala ka na don" 

Napaigtad si Sabrina nang biglang hawakan ni Robin ang kamay nya at hinila sya patungo sa pinto ng kotse nito. "teka lang.." aniya bago marahang binawi ang kamay mula dito

"let's go" anaman ni Robin na tinangka ulit hawakan ang kamay nya ngunit mabilis nyang naiiwas iyon dito.

Nag aalalang napalingon sya kay Zac na nanatili lang sa kinatatayuan nito habang pinagmamasdan lang sila.Hindi nya mabasa ang nasa isip nito dahil blanko lang ang ekspresyon ng mukha nito. 

Napabuntong hininga na lang sya at piniling harapin muli si Robin "tama na Robin" aniya. Kumunot naman ang noo nito.

"what do you mean?"

"stop courting me" walang ka gatol gatol nyang tugon.

Hindi naitago sa mukha ni Robin ang labis na pagkabigla sa sinabi nya. Nanlaki ang mga mata nito "a-a-anong sinasabi mo?" at hinawakan nito ang magkabilang braso nya "may nagawa bakong mali?" mangiyak ngiyak na nitong dugtong.

Di nya namalayang pumatak na pala ang luha nya dahil nasasaktan din sya ngayon sa nakikitang reaksyon ni Robin. But it's now or never. Kailangan na nyang tapatin ito para di na ito umasa pa.

Mabilis nyang pinunasan ang luha sa pisngi "wala kang nagawang mali..I..I just don't love you no more..I'm..I'm sorry" tila may bikig sa lalamunang tugon nya dito.

Ilang sandali ding natulala ito sa sinabi nya. Nag iwas sya ng tingin sapagkat di nya magawang salubungin ang nanunumbat nitong mga tingin.Unti unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso nya hanggang sa tuluyan na sya nitong binitawan. Nang muli nya itong tingnan ay nakita nyang pulang pula ang mga mata nito dahil sa luha.Tumalikod ito sa kanya at binuksan ang pinto ng kotse nito. Parang ambigat ng dibdib nya habang pinagmamasdan ang sasakyan nitong palayo na sa kinaroroonan nya. 

"bakit mo ginawa yon?" ani Zac na nakatayo na pala sa likuran nya. Hinarap nya ito.

Dahil ikaw ang gusto ko Zac..ayokong pagselosan mo si Robin..ayokong maging hadlang pa sya para mapasaakin ka..gusto kong ipakita sayo na ikaw lang ang gusto ko at handa akong gawin ang lahat para ako din ang piliin mo..

Ngunit pinili nyang sarilinin na lang ang nasa isip.

"okay..tara na mali late na tayo sa 1st subject naten.." aya na lang nito nang di ito makakuha ng sagot mula sa kanya.

"okay wait lang..kukunin ko lang bag ko" at saka sya nagmamadaling pumasok muli sa bahay para kunin ang bag at makapagpaalam na din sa ina.

~~~

Andaming nagtataas ng kilay sa kanya nang makitang si Zac na naman ngayon ang kasabay ni Sabrina na pumasok sa school. Akala siguro ng mga iyon ay nobyo nya na si Robin bilang ilang beses na din silang magkasabay pumasok sa school noong bago sila mag immersion at kung minsan ay magkaholding hands pa.

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon