Chapter Twenty three:Could he be falling for me?

175 5 1
                                    

Chapter Twenty three:Could he be falling for me?

"bakit kaba nagpunta sa rooftop at nagpakabasa sa ulan nun?" tugon ni Zac sa mga sinabi nya kanina. Hindi man iyon ang inaasahan nyang sagot mula dito malakas naman ang pakiramdam nyang si Zac talaga ang nag utos sa guard na ihatid sya hanggang sa taxi noon. Imposible naman kasing galing din sa guard na iyon ang 500 pesos na binayad sa taxi driver gayong masyadong malaki ang halagang iyon na pambayad para lang ihatid sya sa bahay nila.Kung tutuusin nga isang sakayan lang ng jeep ang mula sa condo nito hanggang sa bahay nila. At isa pa, inamin naman nitong nakita sya nito sa rooftop, ngunit ang masakit, hindi ito mismo ang lumapit sa kanya nang mga sandaling iyon at personal na naghatid sa kanya sa kanila. That only shows how much he wanted to avoid her.

Napahugot sya ng isang malalim na buntong hininga dahil sa naisip. Malamang ay nagkamali lang din talaga ang mommy nya sa pag aakalang si Zac ang nakausap nito sa phone nung ma hospital sya.Si Robin talaga iyon at hindi si Zac.

"maganda kasi ang view mula doon.." simpleng tugon nya

"bakit ka nagpakabasa sa ulan?"

"wala lang..trip ko lang..hindi naman ako nagpakabasa sa ulan nun para magpapansin sayo noh.."pairap pa nyang tugon kahit di naman sya nito nakikita.

"tss..kaya pala parang wala ka sa sarili nun.." tila pasarkastikong wika nito

Damn you Zac! 

"wala man ako sa sarili ko nun..hindi iyon dahil sayo!" asar nyang tugon

"wala ka naman palagi sa sarili mo eh..gaya na lang ngayon, sino bang babae ang nasa katinuan ang mamamasyal ng hatinggabi sa napakadilim na lugar?" 

Hindi ako namamasyal, hinahanap kitang damuho ka!!!!

"hindi kasi ako makatulog kaya naglakad lakad muna ako..at saka..akala ko ba may balak kang matulog sa adopted family mo? bakit nasa daan ka rin at nakita mo pako? baka naman ikaw yung wala sa tamang katinuang namamasyal ng hatinggabi?"

"eh hindi din ako makatulog---" tugon nito na saglit pang natigilan "kakaisip sayo.." kahit sobrang hina nang pagkakasabi nito niyon ay narinig nya parin iyon kung kaya natigilan sya.

kakaisip sayo..inulit ulit nya pa sa utak nya ang mga salitang iyon dahil tila hindi nya ma process. Iyon lang ang sinabi nito ngunit tila nanghihina na naman sya dahil sa lakas ng dating ng sinabi nito sa kanya. Ngunit natuto na sya ng leksyon. Hinding hindi na sya magpapadala sa mga sinasabi o pinapakita ni Zac na akala mo ay may gusto ito sa kanya at pag asang asa na naman sya ay saka sya nito ilalaglag.

She already had enough.

"ano? bat dika makatulog? namamahay ka o di ka sanay matulog sa banig?" aniyang kunway di narinig ang halos pabulong nitong sinabi kanina

"di mo bako narinig kanina?" tila nagtatakang wika nito. 

"ang hina hina kaya ng boses mo papano kitang maririnig?"

"tss..di bale na..wag mo nang alamin!"

"and I'm not interested to----" at saglit syang natigilan nang maramdaman nya ang pag upo nito sa tabi nya. Kahit madilim ay naaaninag parin nya ang bulto nito kung kaya batid nyang nasa tabi nya na ito ngayon. "b-bakit?" halos mapasinghap na tanong nya. 

Imbes na sumagot ay kinupkop ng mga palad nito ang mukha nya at ramdam na ramdam nya ang init ng mga iyon. "Zac.." nanginginig ang boses na naanas nya

"hindi ka na ba talaga giniginaw?" halos pabulong ngunit seryoso nitong tanong. Damang dama nya ang pag aalala sa tinig nito. Hindi tuloy sya makasagot dahil sa sobrang tense na nararamdaman nya. Pakiramdam nya kasi ay hahalikan sya nito ngunit laking dismaya nya nang inalis nito ang mga kamay sa mukha niya at saka nito hinawakan naman ang kamay nya. "anlamig mo.." anitong muli at saka sya nito binitawan. Narinig nya ang tila pagkuskos nito sa dalawang palad nito at pagkatapos ay muli nitong idinampi ang mga iyon sa magkabilang pisngi nya katulad ng ginawa nito kanina. Kaya pala napakainit ng mga palad nito dahil sinadya nitong painitin ang mga iyon. 

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon