Chapter Fourteen:Because I love you

163 7 1
                                    

Chapter Fourteen:Because I love you

May 30 minutes na din silang nakaupo ngunit di parin nag uumpisa. Unti unti na ring kumakapal ang mga taong naroon at unti unti na rin syang naiinip.

Di nya napigilang mapangiti nang makitang papunta ngayon sa direksyon nila si Robin. Nakapagpalit na ito ng costume para sa dance competition at bagay na bagay dito ang suot nito at lalo pa itong gumwapo at nagmukhang bagets sa porma nito ngayon.

Ang kacutetan nito, ang porma nito at ang galing nito sa pagsasayaw ang mga dahilan kumbakit sya noon na love at first sight dito. Ngunit ngayon, kahit konti ay wala na talaga syang makapang damdamin para dito.

"Hi guys.." bati nito

Di nya ito pinansin. Diretso lang syang nakatingin ngayon sa stage habang naghahanda na ang mga unang grupong kalahok.

Siniko sya ni Aimee. "friend.."

Binalingan nya naman ng tingin ang binatang paharap na umupo sa bench na katapat ng inuupuan nya.Nakangiti ito sa kanya "I'm glad you came..para kasi sayo ang dance performance ko mamaya"

Tipid syang ngumiti. "okay..galingan mo ah.." matabang nyang tugon

"pag bang ginalingan ko papayag kang lumabas tayo?"

"well it depends..pag nanalo kayo sige.."

Namilog ang medyo singkitin nitong mga mata sa tugon nya at lumapad pa ang pagkakangiti.

"syempre mananalo kame..ikaw ang inspirasyon ko eh! " at tumayo na ito "sige..see you later.."

Pilit ulit syang ngumiti ngunit lihim sya na napaismid.

Kung noon mo pa ginawa to saken baka naglupasay pa ako..

Nang mapatingin sya kay Aimee ay nakataas ang isang kilay nito sa kanya.

"why?" maang na tanong nya

"nagtatanong kapa..bakit ka naman nakikipaglambutsingan pa kay Robin?"

"Unang una..di ako nakikipaglambutsingan sa kanya..pangalawa, kung makipag LAMBUTSINGAN man ako..wala naman sigurong masama diba?"

"alam mo bang...ay..never mind.." at napailing iling ito at saka napabuntong hininga. 

Napakunot noo sya. Pakiramdam nya ay may inililihim ito sa kanya "anu ba yun?"

"wala.." at winagayway pa nito ang kamay sa mukha nya "at kamusta naman kayo ni Zac?" biglang pag iiba pa nito ng usapan. Napapangiti pa ito sa kilig 

"I told you..may gusto talaga sayo si Zac! Ayaw mo kasing maniwala saken eh.." at dinunggol pa nito ang braso nya.

Napabuntong hininga na lang sya. "walang gusto saken si Zac okay?"

"Ayan ka na naman..hahalikan kaba nung tao kung walang gusto sayo?"

Napapikit sya ng mariin. Hangga't maari ay ayaw nya na talagang maalala pa ang nangyari pagkatapos ng pageant night. 

"nagtapat na ba sya sayo?" pangungulit parin ng kaibigan nya kung kaya hinarap nya na ito.

"Aimee please..I don't want to talk about him.." seryoso nyang wika dito at saka nya muling itinuon ang pansin sa stage.

Nanahimik na lang ito at saka nagkibit balikat.

Pagkatapos ng ilang performances mula sa iba't ibang kurso, ang group na ng College of Engineering ang sumunod na sumalang sa stage.

Nagtilian na ang mga die-hard fans ni Robin at nanahimik ang mga iyon nang magsimula ng tumugtog ang music. 

Iba't ibang mga kanta ang pumailanlang sa ere kasama sa mga iyon ang talk dirty at wiggle na syang mga sikat na sikat na kanta ngayon. Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao dahil sa mahusay na pag indak ng grupo ng mga Engineering students.

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon