Chapter Forty three: Sweet cheeks

140 2 0
                                    

Chapter Forty three: Sweet cheeks


Nanlaki ang mga mata ni Sabrina nang tanggalin ni Zac ang blindfold nya at tumambad sa kanya ang silid na punum puno ng mga paintings. Hindi nya napigilan matulala at mapanganga sa nag gagandahang mga obra ng nobyo nya. Naglakad lakad sya at sa isang parte ng wall, maayos na nakahilera ang mga paintings na puro mukha nya.

Napatutop sya sa kanyang bibig at maluha luha nyang pinagmasdan ang mga larawang iyon. Napakaganda ng pagkakapinta nito sa mga larawang iyon. Masasabi nya talagang obra maestra ang mga iyon, hindi dahil sa sya ang nakapinta roon kundi dahil sa ganda ng pagkakagawa. Kundi lang nya alam na mukha nya palagi ang pinipinta at ini sketch nito, magdadalawang isip pa sya kung sya talaga iyon.

Tiningnan nya isa isa ang mga paintings. Meron doong malungkot sya, nakangiti, tumatawa, nag iisip, at kung anu ano pa. Bahagya syang napaigtad nang maramdaman nya ang paggapang ng mga kamay ni Zac sa bewang nya at ang paghalik nito sa pisngi nya mula sa kanyang likuran.

"nagustuhan mo ba?" anas nito na nagpatindig ng balahibo nya.

Nakangiti syang tumango dito "ang ganda..parang di tuloy ako yan eh.." at niyakap nya na rin ang mga braso nitong nakayapos sa kanya.

"that's absurd" natatawa nitong tugon "you are even 10 times more beautiful than these paintings combined Sabrina" at saka sya nito pinahirap dito at walang anu ano'y dinampian ng halik sa labi.

It's been a month magmula nung magkabalikan sila ni Zac ngunit di parin sya masanay sanay sa kasweetan nito. He's full of surprises and he never fails to make her feel so loved each day.

Napangisi ito nang matulala sya sa ginawa nitong paghalik sa kanya, napapikit pa sya nang muli sya nitong hinagkan ngunit sa pisngi naman "sweet cheeks" at bahagya nitong pinisil ang nag iinit nyang pisngi.

"why do you love me that much Zac?" tanong nya nang makabawi sa pagkabigla. Never nya pa kasing naitanong iyon sa binata. Wala syang maisip na dahilan kumbakit ito nababaliw sa kanya samantalang wala namang espesyal sa kanya. At natatakot sya sa isiping baka magising na lang ito isang araw na hindi na sya nito mahal.

"because you are you" maikli pero seryoso nitong tugon.Ngumiti pa ito pagkatapos sabihin iyon.

That's it! hindi na nito pa kailangang isa isahin ang mga dahilan kumbakit sya nito mahal. His answer already explains everything.

Ngumiti sya at kinupkop nya ang mukha nito at saka sya tumingkad para abutin ang mga labi nito. "I love you"

Kinulong din ng mga palad nito ang mga pisngi nya at akma din syang hahalikan nang biglang may nag clear ng throat sa likuran nila. Kapwa sila napalingon at tumambad sa harapan nila ang isang babaeng mukhang ramp model sa tankad at ganda.

"hi.." medyo nahihiya pa nitong bati sa kanilang dalawa. Ito yung babaeng pinipinta ni Zac noon, ito rin yung babaeng naabutan nya noon na kasama ni Zac sa labas ng bahay nila. Hindi nya tuloy maiwasang makadama ng paninibugho at insecurity.

"I'm sorry if I disturbed you..I suppose you are Sabrina Martinez, Zac's beloved girlfriend right?" nakangiti na nitong wika sabay lahad ng kamay sa kanya "I'm Athena Villanueva..Zac's business partner"

Natulala sya sa mga sinabi nito ngunit iniabot nya parin naman ang kamay dito para makipag shake hands.

"nice meeting you" usal nya

"it's nice to meet you too" at saka nito kusang binitawan ang kamay nya. "so..care for a coffee?" nakangiti nitong anyaya sa kanilang dalawa.

~~~

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon