Chapter Forty two: What's the big deal?

146 5 1
                                    

 Chapter Forty two: What's the big deal?

"Gusto mong sumayaw?" bulong ni Robin mismo sa punong tenga nya para marinig nya ito. Sobrang lakas kasi ng tugtog sa bar na pinuntahan nila kaya di sila halos magkarinigan. 

Umiling iling lang sya sabay lagok sa beer na iniinom nya. Nakakailang bote na rin sya nun pero di parin nawawala ang kirot na nasa dibdib nya ngayon. Ilang ulit na syang nagpalinga linga sa paligid dahil umaasa syang sinundan sila ulit ni Zac at nakaupo lang ito di kalayuan sa table nila. Umaasa syang concern parin ito sa kanya at di nito hahayaang magpakalango sya sa alak kasama si Robin ngunit bigo syang makita ito. 

Gusto nya tuloy umiyak. Tumayo si Robin at inilahad nito ang kamay sa kanya. Maaliwalas ang mukha nito at maganda ang pagkakangiti sa kanya kaya naisipan nya na lang pagbigyan ito. Besides, hindi naman sya sumama kay Robin dito kundi magmukmok at hintayin ang pagdating ni Zac. Ang gusto nya ay mag enjoy at makalimutan ito. Tinanggap nya ang kamay ni Robin at naglakad na silang dalawa patungo sa dancefloor.

Ang kantang Dance again ni Jennifer Lopez ang pumapailanlang sa ere kaya sadyang nakakaindak. At dahil siguro marami rami na rin ang nainom nya tuluyan na syang nadala sa kanta at sumabay sa pagsayaw ng mga tao roon. Kahit sa simpleng pagsayaw lang ni Robin ay nakakakuha ito ng atensyon ng mga kababaihan roon. Ngunit ang mga mata nito ay nasa kanya lang. Kung saan saan nya na lang binabaling ang tingin nya para iwasan ang mga titig nito.

Maya maya lang ay sumayaw ito ng sexy sa harap nya ng ang kantang Let it burn naman ni Usher ang sumunod na pumailanlang.Narinig nya ang impit na tili ng mga babae malapit sa kanila at di na rin nya napigilang makagat ang labi dahil sa pagkailang dito. Napahawak sya sa dibdib nito para sana itulak ito ng bahagya dahil sobrang lapit na nito sa kanya.

"chill" nakangisi nitong wika habang nakapatong ang mga kamay nito sa bewang nya. Humahaplos haplos ang mga iyon pataas sa bare nyang likod. Hinayaan nya na lang ito ngunit hindi na sya halos makagalaw. Bigla kasing sumikip ang dancefloor dahil sa dumami ang nagsasayaw.

"I want to kiss you" bulong nito mismo sa punong tenga nya at nang tumingala sya dito ay namumungay na ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. "Can I?" 

Napayuko sya at umiling iling. Nakakapag isip pa sya ng matino kaya nagawa nyang tumanggi dito. Hinding hindi nya na gagamitin si Robin para lang makalimutan si Zac. 

"sya parin no?" ang napapabuntong hiningang tanong nito na narinig nya sa kabila ng malakas na tugtog. 

Napangiti naman sya ng mapait at saka napatango tango. There's no point in denying. Hinapit naman sya nito sa bewang at saka niyakap ng mahigpit.Inilapat naman nya ang mga kamay sa likod nito at tinapik tapik ito ngunit di pa sila nagtatagal sa ganoong posisyon nang biglang may humawak ng mahigpit sa braso nya. And before she knew it, bumulagta na si Robin sa sahig. Gulat na gulat sya at biglang nawala ang kalasingan nya nang makita ang galit na galit na si Zac sa harap nya. Walang anu ano'y hinawakan na nito ang pulso nya at hinila na sya palayo sa nagkakagulong mga tao at sa putok ang mga labing si Robin.

Halos kaladkarin sya ni Zac palabas ng bar na iyon. Nang makarating na sila sa labas ay agad nitong binuksan ang pinto ng taxing nakaparada lang doon at marahan syang tinulak papasok. Nang makapasok na din ito ay mabilis ng pinaandar ng driver ang taxi. 

Sa sobrang gulat nya sa mga pangyayari ni di na sya nakapalag. Gusto nyang maiyak sa sobrang inis dito. Naninikip na ang dibdib nya dahil sa pigil na pigil nya ang sariling masigawan ito. Mas minabuti nyang manahimik lalo na at tahimik lang din ito ngunit sa pagkakasalubong ng mga kilay nito ngayon habang nakatingin lang ng diretso sa daan, masasabi nyang hindi lang sya ang galit sa mga oras na yon.

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon