Chapter Forty one:You look more beautiful when you're angry

109 5 0
                                    

 Chapter Forty one:You look more beautiful when you're angry

Nakahanda na ang almusal nya pagkagising nya kinaumagahan.At di nya napigilang mapangiti nang makita nyang may rosas pa sa tabi ng plato nya at may note pang nakaipit dun. Kinuha nya ang note at lalo pa syang napangiti nang mabasa ang nakasulat dun.

You look more beautiful when you're angry

- Zac

Wala sa loob na nadala nya sa ilong nya ang isang tangkay ng rosas sa ilong nya at nakangiting sinamyo nya ang amoy nun. Nagpalinga linga sya sa buong kusina dahil baka pinapanood lang sya ni Zac ngunit bigo syang makita ito. Lumabas sya ng bahay at nakita nya ito doon sa garden at tahimik na nagpipaint doon. Nakaupo ito at nakaharap sa canvas nito na nakapatong sa tripod habang nasa table katabi nito ang mga gamit nito sa pagpipinta. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi nito namalayan ang dahan dahang paglapit nya. Hindi pa sya lubusang nakakalapit dito ay batid na nyang isang mukha ng babae ang pinipinta nito. Bigla tuloy lumakas ang tibok ng puso nya. Hindi kaya mukha nya na naman ang pinipinta nito?

Ngunit nang nakalapit na sya at nakita nya ang mukha ng babaeng pinipinta nito ay laking pagkadismaya nya. Hindi sya ang babaeng pinipinta nito.Nangunot ang kanyang noo at pilit kinilala ang mukhang iyon. She's certain that it's not Aileen either.

Napalingon si Zac sa kanya at nangunot din ang noo nito nang makitang titig na titig sya sa canvas nito. Nagpabalik balik ang tingin nito sa pinipinta at sa kanya. Bumuka ang bibig nito para magsalita ngunit inirapan nya lang ito padabog na bumalik sa loob. 

Sa sobrang inis nya pinagpunit punit nya ang note nito at tinapon pa ang rose sa trash can. Hindi nya kinain ang hinain nito kahit mukhang sobrang sarap pa ng mga iyon. Pinasya nyang maligo na para makapasok sya ng maaga sa school.

Naiinis sya kahit batid nyang di sya dapat mainis.Dati rati ay sya ang lang ang palaging laman ng mga canvas nito ngunit ngayon ay may ibang babae na bukod sa mommy at ate nito at sa mommy nya. Sino naman kaya iyon? na love at first sight din kaya ito sa babaeng yun? is he going to replace her? pero bakit naman natatakot sya ngayon sa isiping baka nga may ibang babae na itong kinababaliwan? hindi ba nga't pinagtutulakan nya na ito palayo sa kanya? hindi ba nga't ayaw nya na itong makita pa?napahigit sya ng isang malalim na hininga. Hindi nya kasi malaman ang gagawin nya. Hindi nya maitatangging nagseselos sya. Aminin man nya o hindi,nagseselos sya sa kung sino mang babaeng yun na pinipinta nito.

"papasok ka na ba?" tanong nito na nakasuot ng grey na hoodie. Papalabas na sya ng kwarto nya. Hindi nya ito sinagot bagkus ay nakasimangot syang nilagpasan lang ito. 

"ihahatid na kita.." muli nitong wika habang nakasunod sa kanya. 

Nilingon nya ito at tinapunan ng matalim na tingin "wag na..magpinta ka na lang dun" halatang bitter na tugon nya 

"I'm done..tsaka..kanina pa talaga kita hinihintay eh..pinagluto pa nga kitang almusal pero mukhang di mo na naman pinansin ang luto ko" nasa boses nito ang lungkot at hinampo. 

"wag mo na kasi akong ipagluto nagsasayang ka lang ng kuryente eh.." aniya habang papalapit na sya sa gate

"masama bang pagsilbihan ko ang prinsesa ko?" tanong nito na nagpatigil sa kanya sa paglalakad. Naiinis sya dito pero bakit di nya mapigilang mapangiti sa sinabi nito? Magdadalawang araw pa lang mula nung bumalik ito ngunit pakiramdam nya ay unti unti nang nababawasan ang galit na tinanim nya sa puso nya para dito. 

Gusto nyang tanungin kung sino iyong babaeng pinipinta nito kanina ngunit pinigilan nya ang sarili nya. 

"let me drive you to school" muli nitong wika na unti unting lumalakad na palapit sa kanya. Di nya naman malaman ang gagawin. Haharap ba sya dito o tuluyan ng bubuksan ang gate?

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon