Chapter Forty five: Too good to be true

169 5 1
                                    


Chapter Forty five: Too good to be true


"matanda nako..alam kong di na din ako magtatagal" ani Mr. Ramirez, ang papa ni Zac. Kasalukuyan sila ngayong nasa sala at magkatabi silang nakaupo ni Zac sa sofa kaharap ang papa nito. Mababanaag nya sa mukha nito na may sakit itong dinaramdam ngayon.

"Zac anak.." at malungkot nitong tiningnan ang binata "ang gusto ko sana..magkaayos na tayo"

Nilingon nya ang nobyo at nakita nyang nakayuko lang ito habang mahigpit na magkasalikop ang kanilang mga kamay.

"naiintindihan ko kung di ka pa handang makipag usap sakin ngayon..alam kong di ako naging mabuting ama sayo..that's why I'm here to make things right..ayokong mawala sa mundong to na galit saken ang aking unico hijo.." bahagyang nabasag ang boses nito sa huling sinabi at tila nadurog ang puso ni Sabrina dahil doon. Pasimple pa itong nagpunas ng nangingilid na mga luha nito sa mata gamit ang panyo nito.

"patawarin mo ako sa lahat ng mga pagkakamali at pagkukulang ko sayo anak"

"Zac.." basag nya sa namayaning katahimikan pagkatapos magsalita ng ama nito. Unti unti namang nag angat ng tingin ang binata at tumingin sa kanya. Namumula ang mga mata nito. Tiningnan nya lang rin ang nobyo bago nya ito tinanguan na parang sinasabi nyang pakinggan nito ang ama nito.

Napahugot ito ng isang malalim na buntong hininga bago tumingin sa ama.

"isa lang naman ho ang hinihiling ko sainyo papa..I want you to accept that Sabrina is everything to me" diretso nitong sabi na matamang nakatitig sa ama nito. "and that she's the girl I am going to marry" pagpapatuloy nito pagkatapos sya nitong lingunin at tingnan ng diretso sa kanyang mga mata.

Saglit na natahimik si Mr. Ramirez bago ito tumikhim at tiningnan silang dalawa.

"if she's everything that your heart desires..then,I'm wholeheartedly accepting her as a new member of our family hijo.." anito bago ito ngumiti sa kanya "Sabrina hija..welcome to our family!"

Di na nya napigilan ang maluha dahil sa bukas pusong pagtanggap sa kanya ng papa ni Zac. Wala na syang mapagsidlan ng tuwa lalo na nang inilahad nito ang mga kamay nito sa kanya at nagyakap sila.

"thank you papa" narinig nyang wika ni Zac at maging ito ay yumakap na rin sa ama. Isa na ito sa pinakamaligayang sandali ng buhay nya. Sa wakas ay tanggap na rin sya ng papa nito at dahil doon ay wala ng pwedeng humadlang sa pagmamahalan nila.


~~~


Naging malapit sila sa papa ni Zac pagkatapos nun, inimbitahan pa sila nito sa ancestral house nito sa Bulacan para magbakasyon at doon na daw ganapin ang kanilang kasal. Dahil maganda ang paligid ay pwede na sila doong magdaos ng garden wedding.Hindi sya makapaniwalang halos ang papa na ni Zac ang nag ayos ng wedding nila at wala na silang kailangang problemahin pa.


"this is just too good to be true" ani Zac habang naglalakad sila nito sa malawak na lupain ng pamilya nito. Marami doong puno at sariwa ang hangin.

"oo nga eh..hindi rin ako mapaniwala na ganito pala kabait ang papa mo..sya pa talaga ang nag aasikaso ng wedding naten, mukhang bumabawi talaga sya sayo babe" nakangiti nyang tugon

Nanahimik ito at saka nito hinila ang kamay nya papunta sa isang malaki at mayabong na puno. Umupo sya sa ilalim nun at umupo naman ito sa tabi nya.

"this place reminds me of Sitio San Martin.." aniya habang nagmamasid sa kapaligiran

"namimiss ko na ang lugar na iyon..lalo na yung triplets"

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon