Chapter Fifty seven: The way you made me feel

178 6 5
                                    

Chapter Fifty seven: The way you made me feel

"ate Sab, kuya Zac tawagin nyo na lang po kame kung may kailangan pa kayo" magalang na wika ng isa sa triplets pagkatapos sila nito abutan ng unan at kumot. Nagpasya kasi silang doon na sa bahay ng mga ito magpalipas ng gabi bilang malakas parin ang ulan.

"salamat Edwin ah" nakangiting wika ni Zac dito

"wala po yun kuya..kame nga ang dapat magpasalamat dahil hanggang ngayon di nyo parin kame nakakalimutan"

"naging malaking parte kayo ng buhay namen Edwin..at anlaki din ng naitulong nyo samen noon..kung may kailangan kayo wag kayong mahihiyang puntahan ako o tawagan ako sa Maynila.." tugon ni Zac

"sige kuya itatago po namen yung kard na iniwan nyo para mapuntahan namen kayo pag gusto namen kayong makita"

Ginulo gulo ni Zac ang buhok nito "anlaki nyo na talaga..yung dalawang mga kapatid mo nag asawa na..ikaw ba kelan ka lalagay sa tahimik?"

"naku kuya wala pa sa isip ko yan..mas mahalaga saken ngayon ang makapag aral"

"tutulungan kita na makapag aral sa college pagkatapos mo ng highschool basta wag ka lang mahihiyang lumapit sakin..akong kuya nyo kaya responsibilidad ko na kayong tatlo lalo na at wala na si lola" anito na umakbay pa sa binata ng si Edwin. 

"salamat kuya..alam mo bang si ate Sab buwan buwan kameng binibisita dito magmula nung pumunta ka ng Amerika?hindi rin sya nagkulang sa pagtulong samen kaya napaka swerte talaga nameng tatlo sainyo"

Napalingon si Zac kay Sabrina na abala sa paglalatag ng banig. 

"Oh sya sige maiwan ko na po kayong dalawa kuya mukhang marami pa kayong pag uusapan eh" nakangising wika ni Edwin bago ito tuluyan ng lumabas ng kwarto. 

Umupo si Zac sa tabi nya at pinagmasdan sya habang tahimik nyang inaayos ang mga unan.Kanina pa sya di makatingin sa binata pagkatapos ng nangyari sa kanila sa kubo. Aaminin nyang nagdidiwang ang puso nya dahil sa pagmamahal na ipinadama nito sa kanya kanina ngunit inuusig naman sya ng kanyang kunsensya.

"bakit?" tanong nito bago nito marahang itinaas ang baba nya para pagtagpuin ang kanilang mga mata. Nakikita nya sa mga mata nito ang pag aalala. 

"pwede bang...kalimutan na lang naten yung nangyari saten kanina.."

Nagsalubong ang mga kilay nito sa sinabi nya "bakit?"

"ayokong masira kayo ni Athena ng dahil saken..malapit na kayong ikasal kaya.."

"hindi ko ba naiparamdam sayo kanina na mahal kita? MAHAL PA RIN KITA SABRINA!" mariing wika nito na tila may nasabi syang mali at gusto sya nitong itama. Agad ding namuo ang mga luha sa mga mata nito. Tila ba ay muli nyang napukaw ang  galit sa puso nito ngayon.

"kelan mo ba pahahalagahan ang nararamdaman ko para sayo?" anito na mas lamang sa boses ang panunumbat kesa sa pagtatanong "nung iniwan moko noon akala ko mababaliw nako coz I can't move on..I tried to forget you but the harder I tried the more I thought about you..I even used Athena coz I thought she can help me forget you..but I was wrong..diko magawang maging masaya sa kanya dahil ikaw palagi ang naiisip ko sa tuwing niyayakap at hinahalikan ko sya..she can't make me feel the way you made me feel before..I replay the moments when we were together in my mind all the time...that's what I did to survive and to get motivated..coz everyday without you feels like hell..not a second in my life that I don't think about you.." pagpapatuloy nito. He looks so hurt and devastated.Gusto nyang pahirin ang mga luha nito at pawiin ang sakit na nadarama nito ngayon ngunit di nya naman alam kung papaano.

"I'm sorry..." at tuluyan na ding bumagsak sa pisngi nya ang mga luha.

Napailing iling ito "when will you ever stop saying you're sorry? mababalik ba ng sorry mo ang mga panahong nawala saten? mabubura ba ng pagsosorry mo ngayon ang hirap na pinagdaanan ko noon?"

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon