Chapter Twenty two: I was there

210 5 1
                                    

Chapter Twenty Two: I was there

 "Hi Sab.." 

Napatingala siya kay Sam na ngayon ay nakangiti habang umuupo sa tabi nya. Nakaupo sya ngayon sa ilalim ng isang mayabong na puno na nasa likuran ng bahay na tinutuluyan ng grupo nila. Presko kasi doon at maganda ang tanawin. 

Nginitian nya lang rin ito bago sya muling tumingin sa malayo.Bilang nasa mataas na lugar sila ay kitang kita mula sa pwesto nila ang mga nagyayabungang puno sa baba. Matatanaw din mula doon ang paglubog at pagsikat ng araw at nang mga oras na iyon ay papalubog na ang araw. May kung ilaw araw na rin syang tumatambay doon pag natatapos na ang buong araw nilang pag cocommunity service.Nababawasan kasi kahit papano ang lungkot nya pag nandoon sya lalo na at labis nya ng namimiss ang mommy nya bilang walang signal sa lugar na iyon kung kaya hindi nya man lang ito matawagan sa phone.

"anlungkot mo naman yata..." untag nito sa pananahimik nya

"hindi naman.."simpleng tugon naman nya

"bakit palagi kang nandito at dika sumasali samen doon? "

"gusto ko lang talagang mapag isa.." napapabuntong hiningang tugon nya

"gusto mo ba talagang mapag isa o gusto mo lang makaiwas kay Zac?"

Napatingin sya dito nang nakakunot ang kanyang noo. "hindi noh!.." 

Bahagya itong natawa sa nakitang reaksyon nya. "wag mo na kasi syang iwasan.." tila pambubuska pa nito.

Pairap naman na ibinalik nya ang tingin sa papalubog na araw "walang dahilan para iwasan ko ang kaibigan mo.." aniyang nasa himig ang hinanakit.

"wag ka nang mag deny..I know what's going on." kaswal nitong tugon sabay patong ng dalawang kamay nito sa likod ng ulo nito bago humiga sa damuhan. Nakatingin ito ngayon sa kalangitan.

"There's nothing going on.." tugon nya sabay halukipkip.

"tsk tsk..kung alam mo lang.." ang mahina nitong wika ngunit narinig nya parin kung kaya nilingon nya ito.

"anu yun?" 

"wala!" at nagkunwari pa itong tila walang sinabi kahit nadinig nya naman talaga ito.

"kung alam ko lang..na ano???" curious na curious nyang tanong

"wala sabi eh.." saka ito bumangon "may itatanong nga pala ako sayo.."

Imbes na sumagot ay inismaran nya lang ito dahil nabuwisit sya sa pambibitin nito.

"pwede ko bang ligawan ang friend mo?" muli nitong tanong kung kaya halos laglag ang pangang napatingin syang muli dito.

"t-talaga?? gusto mong ligawan ang friend ko??" halos di makapaniwalang wika nya

Shocks...dream come true to for Aimee!!! ih!

"pwede mo ba kong tulungan?" 

"oo naman!!" mabilis nyang sagot na tila gusto pang mapatili sa kilig

Napakunot naman ang noo nito "bakit parang tuwang tuwa ka naman?" 

"ah..eh..di mo ba alam? matagal ka na kayang crush ni Aimee! kaya sa palagay ko di mo na kaila--"

"hindi si Aimee!" mabilis nitong sawata sa kanya

"h-hindi si Aimee?s-sino??" at bago pa man din nya mapagtanto kung sino ang tinutukoy nito ay muli na itong nagsalita..

"si Leslie.."

"huh???" gulat na gulat nyang bulalas.

Naloko na..parang history repeats itself lang ah..patay na patay ako kay Robin noon pero ang gusto ni Robin,si Leslie..tapos ngayon naman..patay na patay si Aimee kay Sam pero ang gusto din ni Sam ay si Leslie..naku..ang haba talaga ng hair ng bestfriend ko..

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon