Chapter Thirty seven: Anything for you

118 5 6
                                    

Chapter Thirty seven: Anything for you

Makailang beses nya ng tinry kontakin ang number ni Mang Rudy, ang on call driver nila pero hindi nito sinasagot ang mga tawag nya. Kailangan nya na kasing bumiyahe patungong Pampanga para ayusin ang problema ng isang branch nila doon. Pero hindi sya marunong mag drive ng kotse.

Napatingin na lang sya sa kulay grey na Toyota Innova ng mommy nya. Her mom didn't learn how to drive too. Pagkatapos ng aksidenteng kinasangkutan nya at ng daddy nya nung 5 years old pa lang sya, na trauma na ang mommy nya at parang takot na itong matutong mag drive.Takot din sya, pero kailangan nya na sigurong matuto para hindi nya na kailanganin pang tawagan si Mang Rudy pag may lakad sya. 

Just when she decided to take a cab, a black car just stopped infront of their gate. Napahalukipkip sya nang makita si Robin na bumaba mula doon. Cool na cool itong tingnan sa suot nitong blue na polo shirt at khaki shorts. 

"hi miss, need a ride?" nakangiti nitong tanong. Lihim syang napaismid. Oo, pinatawad nya na ito at tinanggap nya na ito ulit na maging kaibigan dahil sa sobrang kakulitan nito pero hindi ibig sabihin nun ay makakalimutan nya na ang ginawa nito sa kanya. Sa tuwing nakikita nya ang mukha nito ay wala syang ibang maalala kundi ang pangyayaring iyon.

"no" maikli nyang sagot at saka nya tuluyang binuksan ang gate at lumabas na.

Lalagpasan na sana nya ito nang hawakan nito ang siko nya "Sab wait"

Iritang iritang napalingon sya dito at saka nya binalibag ang siko nyang hawak nito. 

"nagmamadali nako Robin kaya pwede ba?"

"kaya nga nag ooffer ako ng ride para makarating ka dun agad..sinabi kasi saken ni Leslie na di kana makakasama sa Tagaytay kaya di na rin ako sasama dun.."

Napairap lang sya dito at saka sya nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa sakayan. 

"hanggang kailan kaba magiging ganyan saken?" anitong sumusunod sa kanya na nasa himig ngayon ang iritasyon. 

The hell..

"I don't have time for this drama" malamig nyang sagot habang naghihintay na ngayon ng dadaang jeep o taxi. Ni di nya ito tinitingnan kahit na tumayo na ito sa harap nya.

"ilang beses bakong kailangang magmakaawa para patawarin mo nako Sabrina?"

"pinatawad na kita pero please lang...layuan mo muna ako Robin--"

Nabigla sya nang bigla itong lumuhod sa harap nya kaya napalinga linga tuloy sya sa mga taong nagdadaan na pinagtitinginan na sila. Inis na napasapo sya sa ulo bago nya ito binalingan ng tingin. 

"hindi ako aalis dito hangga't di ka pumapayag na samahan kita sa lakad mo"

"tss..sa tingin mo ba talaga may pakelam ako? hindi paba enough sayo na pinatawad na kita? bakit ba ayaw mo pakong tigilan Robin?"

"I didn't ask for anything but to be friends with you again.." malungkot nitong tugon

"kung hindi magkaibigan ang tingin mo sa relasyon nateng dalawa ngayon eh ano?" at pinameywangan nya ito

"enemies?" sagot naman nito na animo'y nagpapacute pa kaya napabuntong hininga na lang sya.

"tumayo kana diyan at nagmamadali na talaga ako" ang wika nya dito bago sya naglakad pabalik kung nasaan naka park ang kotse nito. Hindi nya na nakita pa ang pagliliwanag ng mukha ni Robin sa sinabi nya. Agad na itong tumayo at sinundan sya.

Ni hindi ito magkandarapa sa pagbubukas ng pinto ng kotse para sa kanya. Napapailing iling na lang sya dahil sa kakulitan nito. Nagkakasama lang sila ni Robin kapag kasama din nila ang buong barkada. Pero pag sila lang dalawa iniiwasan at pinagsusungitan nya ito. Siguro nga, hindi parin kaibigan ang turing nya dito kundi kaaway. Pero naisip din nyang di naman sya tatantanan nito sa kakulitan nito kaya pagbibigyan nya na. Besides, never na nya itong papayagang manligaw ulit sa kanya. Hahayaan nya na lang ito sa gusto nitong gawin hanggang sa magsawa ito sa kanya.

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon