Chapter Two: He's not worth it

378 6 5
                                    

Chapter Two: He's not worth it

Matinding pagkainis ang nararamdaman nya ngayon sa tuwing sumasagi sa isip nya ang hambog na lalakeng yun. Bakit kailangang dumagdag pa ito sa pagdurusa nya ngayon. Anu bang malaking kasalanan ang nagawa nya sa buhay nya para parusahan sya ng ganito. Inis na dinampot nya ang hairbrush sa ibabaw ng dresser at sinuklay na lamang nya ang buhok kesa sabunutan nya ang sarili sa sobrang pagkainis.

Hindi madali ang pinapagawa ng hambog na lalakeng yun dahil every week ay may case study sila sa RLE. Hindi ganun kadaling gumawa ng case study for God's sake.

Napabuntong hininga sya habang tinitingnan ang imahe sa salamin. Last year ay nagpa rebond sya at nagpa kulay pa ng buhok. Nagbabakasakali syang baka makatulong iyon para gumanda sya ng konti. She wants to be as beautiful as Leslie. Pero kahit anung gawin nya di nya mapapantayan man lang ang kagandahan nito. Isa lamang syang simpleng babae, mas mapusyaw lang ng kaunti ang balat nya sa mga morena. Marami ang nagsasabing hawig nya raw ang aktres na si Louise Delos Reyes pero sa tingin nya ay ni wala sya sa kalingkingan nito.

Samantalang mestisa naman si Leslie, bagaman naghihirap ito sa buhay ay hindi halata dahil sa kutis at ganda nito. Pwede naman ikompara ang beauty nito sa aktres na si Jessy Mendiola.

1st year college sya at irregular 1st year-2nd year college ito nang maging magkaibigan sila.Nagkakilala sila sa isa mga subjects nila nang magkatabi silang dalawa ng upuan. Pinahiram nya ito ng ballpen nang mapansin nyang panay ang pukpok nito ng ballpen sa desk nito habang nag eexan sila. Pagkatapos nun ay para na silang naka glue sa isa't isa at di na mapaghiwalay pa.

Napangiti sya nang maalala ang unang araw na nakita nya si Robin. Love at first sight nga siguro yon. Simula't sapul ay wala syang ka inte interes sa boys..mapa cute man sila o sobrang gwapo but not until she saw the 2nd yr Engineering student Robin dancing along with his group sa isang event ng university nila. Everyone is yelling only one name and she knew it was his name dahil ito lang naman ang pinaka gwapo sa grupong iyon and what makes him more appealing is the way he dances. He got the moves of Mark Herras as they dance to the tune of Average Joe.But he got the looks of Robi Domingo. Yes, ganun sya kagwapo.

Mula nun ay lagi na nyang kinukulit si Leslie para samahan syang i stalk si Robin. One day habang nasa gym cla at pinapanuod ang mga ito mag rehearse ng sayaw ay tumingin ang binata sa gawi nila.Halos mapatili sya ng ngumiti ito sa kanila maya maya lang ay papunta na ito sa direksyon nila ni Leslie. Basang basa na ang tshirt nito sa pawis pero di man lang iyon nakabawas sa ka cute an nito. In fact lalo lang iyon nakadagdag sa sex appeal nito. Di na sya mapakali sa kinauupuan nya habang papalapit ito panay ang pisil nya sa palad ng kaibigan "best kumalma ka wag ka ngang masyadong obvious" saway nito sa kanya. Halos hindi na sya makahinga nang sa wakas ay nasa harap na nila ito.

OMG! mas gwapo pala sya sa malapitan.

"hi.." anito na may ngiti sa mga labi. Just when she's about to say Hi too, inilahad nito ang kamay at sabay sabing "I'm Robin..Leslie right?" nakangiti ito at titig na titig sa kaibigan nya.

"Sab anak, dinner is ready.." tawag sa kanya ng mommy nya sa labas ng pinto ng kwarto nya. At doon naputol ang paggunita nya sa nakaraan. "Okay po susunod na ako" tugon nya. Nalungkot sya lalo dahil sa naalala.Robin had liked her friend ever since. She was just too blind to see that. Kahit ilang ulit na nyang nahuli itong nakatitig sa kaibigan nya ay pinagkibit balikat nya lang iyon. Pinaniwala nya kase ang sarili nya na sya talaga ang gusto ng nobyo at siya lang ang mahal nito. Nagtiwala sya ng husto dito.

Ipinilig nya ang ulo. Bago pa sya tuluyang masiraan ng bait sa kakaisip sa taksil na kaibigan at manlolokong boyfriend ay lumabas na sya ng kwarto para saluhan sa dinner ang ina.

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon