Chapter Three: Head over heels

293 7 5
                                    

Chapter Three: Head over heels

"I didn't just treat her as my bestfriend but also my sister..wala akong ginawang masama sa kanya para gawin nya saken to.." paghihimutok nya sa kaibigang si Aimee kinabukasan. Inaya sya nitong mag snack nang vacant period nila.

"hindi ko kase malaman kung bulag kaba o nagbubulag bulagan ka lang friend eh" tugon naman nito bago sumipsip sa soft drinks nito. Napakunot naman ang noo nya. "Robin has been head over heels inlove with Leslie all these years...hindi mo ba nahahalata yun?" anitong muli bago pa sya nakapagsalita.

Nakagat nya ang pang ibabang labi sa sinabi nito. Oo, nahahalata nya iyon. Hindi lang ang mga nakaw nitong sulyap sa kaibigan nya ang napapansin nya kundi pati ang tensyon na namamagitan sa dalawa sa tuwing magkakasama sila.

"hindi kame magtatagal ni Robin ng isang taon kung totoo yang sinasabi mo" tugon nya na halos di makatingin dito.

"dahil yun sa mga pakiusap ni Leslie friend..."

Maang na napatingin sya sa kaibigan. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Napabuntong hininga naman ito bago muling nagsalita "dahil sa sobrang pagmamahal ni Robin kay Leslie, pinagbigyan nya lahat ng pakiusap ng kaibigan naten.."

Hindi na sya nakakibo. Yumuko na lang sya at saka lumuha. "mas pinahalagahan ni Leslie ang friendship nyo kesa sa feelings nya kay Robin.." muli nitong wika na tila kino konsensya pa sya "at sobra sobra na rin ang pagsasakripisyo nila..just for you..it's about time na maging happy naman ang kaibigan naten "

"Hindi ba nga sila na? hindi paba sila masaya na pinagmukha nila akong tanga??"

"that's the point...hindi magawang maging masaya ni Leslie dahil sayo..dahil alam nyang nasasaktan ka.."

"hindi ganun kadaling kalimutan ang ginawa nila saken Aims..pinaglaruan lang nilang dalawa ang feelings ko..at kung kapatawaran ang hinihingi nila mula saken..I'm sorry pero diko pa yun kayang ibigay sa kanila" mariin nyang wika dito bago sya tumayo sinukbit ang bag at iniwan ang kaibigan.

Dumiretso na sya sa auditorium kung saan sila nagka klase sa RLE. Wala pang gaanong estudyante sa loob dahil may natitira pang 20 mins sa vacant period nila. Umupo sya sa dulong upuan ng pinakamataas na pwesto at dahil walang arm chair ang mga upuan doon niyakap na lang nya ang bag at doon nya sinubsob ang mukha para umiyak.

Muling umaalingawngaw sa isip nya ang mga sinabi ni Aimee. Robin has been head over heels inlove with Leslie. Wala na bang mas sasakit pa dun? habang nagpapakagaga sya sa relasyon nila ng dating nobyo ay iba naman pala ang laman ng puso nito. She tried her very best para mag work lang ang relasyon nila kahit alam nyang di naman talaga sya nito mahal.Kahit ilang beses syanitong binalewala, never nya itong sinumbatan.

"anak ng tipaklong..wala kana ba talagang gagawin kundi ang umiyak?tsk tsk malala kana talaga" wika ng isang lalakeng bigla na lang umupo sa tabi nya. At sa amoy na amoy pa lang nito at sa napakayabang na pananalita nito, hindi na nya kailangang tingnan pa ito. Alam na nyang si Zac iyon.Hindi nya ito pinansin, wala syang panahon sa mga pang aasar nito.

"partner tayo mamaya ah?" muli nitong wika pagkatapos ng ilang minuto. Tinutukoy nito ang return demo nila mamaya pagkatapos mag demo ng mga clinical instructor kung pano mag Intramuscular injection. Mag i start na kase ulit ang OJT nila sa hospital next week at dahil 3rd year na sila i allow na sila mag inject ng gamot sa mga pasyente with their clinical instructor's supervision.

"Uy! narinig mo bako?" pangungulit nito sabay dunggol sa braso nya.

Doon na sya napaangat ng ulo at hinampas ito sa braso "ano bang problema mo?" inis nyang wika dito.

Swept AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon