MB 5

1.3K 35 0
                                    

“Ano ’yon? Dito lang talaga tayo sa kuwarto mo?" Liz asked in boredom.

“Wala naman tayong choice," kibit-balikat na sagot ko. “Hindi tayo makakatakas dahil binabantayan niya talaga ang pintuan."

She frowned. “Kainis kasi walang bintana itong kuwarto mo."

“Sundin na lang natin ang gusto ng bodyguard mo," Lucy suddenly said. “Ngayon lang naman ito dahil ’di na tayo papatalo next time."

I sighed heavily.

“Don’t worry, I won't let this happen again next time. Hindi ko hahayaan ang lalaki na ’yon na gawin ang mga utos ng tatay ko."

My father should not be the one who decides my life. Hindi naman siya tumatayo bilang isang ama kaya wala siyang karapatan na mangialam sa buhay ko.

“Let's talk about important things na lang, so we don't get bored," Cassy suggested.

Pabilog kaming nakaupo sa gitna ng higaan ngayon. Lahat kami ay nakaharap sa isa’t isa. Kitang kita ko sa mga mukha nila na hindi nila gusto ang manatili lang dito sa loob ng boring na kuwarto ko.

We can't do anything here and we can't just stare at each other. Wala kaming puwedeng libangan dito bukod sa pag-uusap.

“Wala ka pang work ’di ba?" she was referring to me. Tumingin siya sa akin ng nakataas ang kilay habang hinihintay ang sagot ko.

Because of her question, the two girls also looked at me. Nakapangalumbaba silang lahat at seryoso ang itsura.

I cleared my throat as I sat properly. “Wala pa. Hindi naman kasi ako naghahanap," I answered lazily and sighed heavily. “Kayo? Mayroon na ’diba?"

My brows furrowed.

Hindi ako sigurado kahit kaibigan ko sila dahil mula noong magkakilala kaming apat ay never sila naging busy sa mga trabaho nila. That's why I'm not sure if they really have a job.

“I own a boutique shop," Liz said proudly. “Minsan lang kung pumunta ako doon dahil may tiwala ako sa mga tauhan ko kaya hindi ako nagiging busy."

Kaya pala marami siyang outfit at sa tuwing gagala kami ay hindi nauulit ang mga suot niya at halos lahat ng mga sinusuot niya ay simple lang pero bonggang tignan.

“I am an architect," ani Lucy. Our gaze went to her. “I make designs and sell them everywhere. Minsan naman ay client na ang re-reach out sa akin para kunin nila bilang designer."

Hindi halata na architect siya dahil never ko pa siyang nakitang nagdrawing. But I saw many drawings and different designs displayed in her house when we went there. Ngayon ay sure na akong sakaniyang gawa ang mga iyon kahit inakala kong binili lang niya.

Architecture is a nice job. Mahirap ’to pero worth it naman kapag naging successful ka na at nakikita mo na ang mga designs na ginawa mo.

“I am the owner of our family company," sabi naman ni Cassy. “Ayaw ko talagang hawakan ang kumpanya namin dahil ang gusto ko ay mag- abogado. Ang kaso ay walang ibang magmamana dahil nag-iisang anak lang naman ako. That's why I chose to be the heir and the owner instead of pursuing law."

I frowned.

I was about to speak but my room's door suddenly opened. Sumama ang itsura ko ng iniluwa noon ang bodyguard ko na dahilan kung bakit nakatambay lang kaming apat ngayon sa kuwarto ko.

We all looked at him as he seriously entered the room. Tumahimik kaming apat habang nakatingin lang sa kaniya. May dala siyang malaking bowl at nilapag ito sa gitna naming apat.

May laman itong vegetable salad.

“Eat that," he commanded in a serious tone. “That's the food you should eat. Sa lagay niyong mukhang alak ay parang hindi pa kayo nakakain ng ganiyan."

Marriage #2: My Bodyguard [Ongoing]Where stories live. Discover now