Prologue

3.8K 71 9
                                    

Take note: Habang nangyayari po ang kuwento ni Ashton ay nangyayari na rin po ang kuwento ng mga kapatid niya.
____________

“Mom, I think I found my Daddy na."

I suddenly stopped what I was doing when I heard my son's voice. Nagtataka at kunot noo akong napatingin sa kaniya. Nilapag ko muna ang hawak kong tray na may lamang cheese cake and pancakes.

“What do you mean, baby?" tanong ko at humarap sa kaniya. My heart suddenly pounded for a reason.

“I found my Daddy," he said and pointed somewhere. “Look at that guy, kahawig ko siya. But his eyes are different because I got mine from you."

Mabilis ko namang binalingan ang tinuro niya habang nakakunot pa rin ang noo. Kinakabahan ako ngunit pinilit kong huwag itong ipahalata sa kaniya. Hanggang ngayon ay may takot pa rin akong nararamdaman.

My eyes widened and my lips parted a bit when I saw the man he was pointing at. This man really looks like the man from my past. Ang pangagatawan nila at postura ay halos magkaparehas.

But I know and I'm sure it's not him. Kilalang-kilala ko siya at kahit nakatalikod ay makikilala ko pa rin siya. They look alike but his Dad's aura is different.   Ibang-iba dahil mas matapang ang itsura ng Dad niya at mas malaki ang katawan. The shape of his eyes and lips are also slightly different from this guy.

“But it seems like he has started a new family now," he suddenly added. “I think my dad has forgotten about us. He has a new family and appears happy with them." His voice filled with sadness.

Binalingan ko naman ng tingin ang mga kasama ng lalaki. May kasama siyang dalawang bata at isang babae na mala-anghel ang itsura. She's so beautiful and has an angelic face and she looks very familiar. I feel like I've seen her somewhere.

A deep breath came out of my mouth and faced my son again. Hinawakan ko siya sa balikat at seryosong hinarap sa akin. Tinitigan ko ang malungkot na mukha niya bago ako magsalita.

“Listen to me, baby," marahan kong sabi at hinimas ang pisngi niya. “He’s not your dad." I said it directly because I didn't want him to believe what he was thinking. “Kahawig mo lang ang lalaking iyan, but you look like your daddy. You look like a carbon copy of your Dad." Mahinahon ang boses ko para mas maintindihan niya.

Every time I look at him, I see his Dad's face on him. Every corner of his face he got from that man. Ang mga mata niya lang ang tanging namana niya sa akin. Pero kung sakali man na magkakatabi sila ng tatay niya ay hindi mo maipagkakaila na mag-ama sila.

My son is the reason why I can't forget him. Sobrang nakikita ko siya sa anak ko. That's why it's so hard for me to move on, even though six years have passed.

“He’s not your Dad, baby," I added seriously and caressed his cheeks. “Sobrang kamukha mo ang Daddy mo. You look exactly like him."

“Eh, bakit kahawig ko ’yong lalaki? Who is he, Mom? And where is my Dad? Why isn't he looking for us?" Bakas na bakas ang kalungkutan sa boses niya.

“I don't know who that man is, baby, and I don't know where your Daddy is."

Hindi ko alam kung bakit kamukha ng lalaking ’yon ang ama niya at kung nagkataon lang ba na ang cafe shop ko pa ang napili nilang pasukan.

“Doesn't he love us?" He asked again but in a weak and sad voice.

I shook my head. “I don't know, baby," mahina rin ang boses ko.

I don't know because he doesn't know about you.

Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kaniya. That I was the one who ran away from his Dad. I don't know how to say that his Daddy doesn't know about him.

Marriage #2: My Bodyguard [Ongoing]Where stories live. Discover now