MB 32

1.6K 32 19
                                    

“Are you okay, ma'am?"

The engineer asked worriedly and helped me sit down. I'm on the site because I'm watching them build my future shop. Ang tatlo naman ay umalis para bumili ng makakain.

Kasalukuyan akong naglalakad-lakad nang makaramdam ako ng pagkahilo. Mabuti na lang dahil napansin agad ako ng engineer kaya hindi ako natumba dahil naalalayan niya agad ako at dinala sa puwede akong makaupo.

I smiled at him and nodded. “I’m okay, thank you."

There's a doubt on his face. “I think it's better if you just stay here," tukoy niya sa pahingahan nila kung saan malilim dahil ginawan nila ng bubong. “The weather is very hot, and it is not safe to walk around under the hot temperature."

“Kayo nga kaya niyo, eh." wala sa sariling sabi ko at hinimas ang sintido. Medyo napapikit pa ako dahil kumirot na naman ang ulo ko. I don't know what was happening to me because I often experience this headache.

“Because we are engineers and we are used to this." Matigas ang kaniyang tono. “Magkaiba naman tayo lalo na’t babae ka. Just stay here because something bad might happen to you, ma'am."

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. “Okay, thanks for the concern. Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo. Pasensiya na sa istorbo."

He stared at me for a moment as if he was observing me because I kept caressing my head. Maya-maya ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya at tuluyan nang umalis para magpatuloy sa trabaho.

When he was out of my sight, I took a deep breath before leaning my back against the backrest. Pumikit ako at pinakalma ang sarili ko dahil nahihilo pa rin ako. Sakto naman ng maging okay ang pakiramdam ko ay dumating na ang tatlo at may dalang pananghalian.

“We’re here na, Jane!" sigaw ni Liz na ikinatawa ko dahil para akong bata na sinurpresa niya. “Gutom ka na ba? Medyo natagalan kami kasi marami ’yong binili namin."

“Hindi pa naman ako gutom," sagot ko. “Ano pala ang mga binili niyo?"

“Kanin, ulam, at saka mga inumin na rin. Luto na ang mga binili namin dahil siyempre alangan naman ’yong lulutuin pa."

Natawa na lang ako at hindi na nagsalita. Bumaling ako kay Cassy at Lucy na inaasikao na ang mga pinamili nila. Lahat ng binili nilang pagkain ay nakalagay sa styro meal box. Maliit lang ang lamesa dito kaya siguradong hahawakan lang namin ang mga iyon.

“Let's call the engineers so they can eat too," Cassy said. “Baka kanina pa sila nagugutom at saka sobrang init. They should rest even just for a while."

“Ako na lang ang tatawag sa kanila," agad na sabi ni Liz at agad din namang tumakbo para tawagin ang mga ito. Silang tatlo rin pala ang nagpapakain sa mga engineer. Ewan ko nga kung bakit gano’n, mas lumalaki tuloy ang gastos nila.

I gazed back at Cassy when she handed me a styro meal box. May laman ng ulam at kanin. Kinuha ko iyon at nginitian siya.

“Thank you, Cy."

She smiled. “You’re welcome. Kumain ka na."

Ngumiti lang ulit ako pero hindi ako nagsimulang kumain dahil gusto kong sabay-sabay kami. Saglit pa kaming naghintay bago makabalik si Liz kasama ang mga tinawag niya.

“Nandito na sila," nakangiting sabi niya. “Sumabay na kayong kumain sa amin dito."

Nang dumako ang paningin ko sa engineer na tumulong sa akin kanina ay nakita ko ang pagbuntong hininga niya bago siya nagsimulang magsalita.

“You shouldn't be spending money on our food, we can buy food." Natigilan ako at alam kong ganoon din ang tatlo. Why does he talk like that? He should be grateful. “I thank you for being kind to us. Pero mas lumalaki lang ang gastos niyo dahil sa amin."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marriage #2: My Bodyguard [Ongoing]Where stories live. Discover now