MB 28

910 29 4
                                    

“Anong gagawin natin?" Yumakap ako sa kaniya at nakangusong sumandal sa dibdib niya. “Hindi pa talaga ako inaantok. Baka mapuyat ka ng sobra."

“Don't think about it," he said in a low voice and gently pressed his lips to my forehead when I looked up at him.

It's almost eleven o'clock at night, but I'm not feeling sleepy yet. Ni hindi pa nga ako humihikab magmula kanina dahil gising na gising pa talaga ang diwa ko. I was concerned that he might stay up too late because of me.

“Ang boring kasi naghihintay lang tayong antukin," sabi ko at bumuntong-hininga. “Kantahan na lang kita, moron?" I said in a questioning tone.

His eyes immediately landed on me. “You can sing?" kunot noong tanong niya at bakas ang hindi pagkapaniwala.

I nodded and pouted my lips. “Bakit parang hindi ka makapaniwala?" tanong ko sa nagtatampong tono.  “I can sing, and I can even play string instruments."

He gasped as his eyes widened. Parang mas lalo siyang natigilan sa sinabi ko kahit na wala namang nakakagulat doon. I have many talents.

Aside from dancing, singing, and playing string instruments, I can also paint and draw. Magaling din akong tumula at umarte dahil ito ang palagi kong sinasalihan sa school competition noong nag-aaral pa ako.

“You can play guitar?" gulat niyang tanong na tinanguan ko lang ulit at ikinalapad naman ng ngiti niya. “So my baby is talented..." he looks away then licks his lips. “Sing for me, baby. I want to hear your voice while singing.

With a joyful giggle, I eagerly asked him a question. “What song do you want me to sing?"

“You choose the song, I'll just listen. Kahit anong kanta na lang basta ikaw ang kakanta."

“Any song?" tanong ko at tumahimik saglit para mag-isip. Tahimik lang din siyang nakatingin sa akin.

Many songs come to my mind, different songs from different singers. Iba’t ibang kanta na magkakaiba rin ang nais iparating at iparamdam sa mga makikinig. I suddenly realized that sometimes we can relate to the songs we listen to.

And my face lit up with a broad smile as a song popped into my head that I felt perfectly suited to me. I shut my eyelids as I prepared myself to sing.

“Well, I lost myself in other melodies... I was singing songs that were never meant for me."  I commenced singing the song with a chilly, distant tone as I shut my eyes.

“I tried to heal everyone's heartache but my own. Hiding behind their grief so I didn't feel alone."  As I sang, I found myself singing in a hushed tone, immersing myself in every word of the song until I felt enveloped by its melody.

Kahit nakapikit ako ay ramdam na ramdam ko ang titig ni Saij sa akin. But I didn't attempt to open my eyes because I enjoyed singing with my eyes closed. Mas nararamdaman ko ang kanta kapag nakapikit.

“Well, I lost myself searching for my worth," I don't know why, but I was hurt by the lyrics. “I was looking in the places I've hurt." Nararamdaman ko ang marahang paghimas ni Saij sa pisngi ko kaya napangiti ako.

"Your voice is so soft, baby," he whispered. “Sobrang sarap marinig."

I opened my eyes. “Hindi pa ako tapos kumanta. Mamaya mo na lang ako purihin."

Tumawa siya at hinalikan ako sa labi. “Hindi ko na napigilan, magaling ka palang kumanta. I thought all you could do was yell at me."

I pout. “Saij..."

“Just kidding," he smirked playfully. “Kaya mo rin palang umungol." 

“Saij!" sa gulat ko sa sinabi niya ay napasigaw ako at mabilis na binaon ang mukha sa leeg niya. I could feel my face turning red. Ang daming puwedeng sabihin pero ’yon pa ang napili niya.

Marriage #2: My Bodyguard [Ongoing]Where stories live. Discover now