MB 31

886 25 7
                                    

Habang ginagawa ang shop ay nagpa-practice na akong magtimpla ng iba’t ibang kape. Actually, I have done this before, practicing and learning how to make different coffees. I just stopped because I thought I wouldn't be able to fulfill my dream.

But now, I'm starting again.

Masaya ako dahil kahit matagal akong tumigil ay kaya ko pa rin ang magtimpla ng kape na sakto lang ang lasa. Hindi sobrang mapait at hindi rin naman sobra ang tamis. Kayang-kaya ko pa rin na lagyan ng design ang ibabaw ng kape.

“This tastes so good, Jane!"

I looked at Liz with an amused face when she suddenly screamed in a tin voice. Medyo nagulat pa nga ako. Nakangiti siya habang nakatingin sa tasang hawak na may lamang kape. She looks so happy while gazing at it.

“Talaga?" natigilang tanong ko. May mga sinusubukan pa kasi akong timplahin. “Sakto pa rin ba ang lasa tulad ng mga nauna kong tinimpla?"

She nodded happily as she smiled at me sweetly. “Oo. Ang galing mo! It's so perfect. Puwedeng-puwede ka nang mag-business." Pagtapos niyang sabihin iyon ay uminom ulit siya at hindi na nagsalita.

Natikom ko ang bibig ko at ngumiti. Silang tatlo ang tagatikim ng mga tinitimpla ko. Sinasabi nila sa akin kung may kulang o mali sa timpla ko at kung may kailangan ba akong baguhin. Nag-aalala nga ako dahil baka hindi na sila makatulog kaiinom ng iba’t ibang klase ng kape.

“Good job, Shiera! We're so proud of you!" Cassy said. She placed the empty coffee cup on the table. Tumabi siya sa akin at tinignan ang huling mga tinitimpla ko. Ngayong araw lang ay mahigit sampong uri ng kape ang sinubukan kong gawin.

I smiled at her too. “Thank you so much, Cy. Sobrang laki na ng mga naitulong niyo sa akin. I really don't know how I can make it up to you." Hindi ko muling mararanasang gawin ang mga bagay na ito kung wala sila.

Umiling siya at ngumiti. “Maging successful ka lang at ang business mo, sapat na ’yon sa amin. We expect nothing from you but to be successful."

“Maraming salamat talaga."

“Don’t mention it. Sige na, tapusin mo na ang mga iyan para matikman na rin namin." She pointed out the coffee I had not finished brewing.

I excitedly continued what I was doing. Tahimik lang silang nakatingin sa akin at sa ginagawa ko. I was so happy; the smile on my face never faded. Masayang-masaya ako habang ginagawa ang bagay na gustong-gusto kong gawin noon pa.

I thought I would never get the chance to do this again. Matapos ang ilang taong nawalan ako ng pag-asa. After the bad things that happened, I didn't believe that I still could do anything better.

But I think he is right that there is a good path waiting for me. Na may mga magagandang bagay ang mas kailangan kong pagtuunan ng pansin. Sadyang hindi lang talaga ako naniwala dahil hindi ko binuksan ang aking mga mata, ganoon din naman ang aking puso.

But now, I learned my lesson. Totoo nga na may mga bagay akong kayang gawin. Hindi ko lang talaga sinubukan dahil nakulong ako sa mga hindi magagandang kaisipan na naging dahilan kung bakit nawalan ako ng pag-asa.

Marami nga ang mas importanteng bagay ang mas kailangan ng pansin tulad nitong pangarap ko. I don't know, but I feel incredibly thankful to God for bringing certain individuals into my life who have truly enlightened me. Kahit saglit lang ay marami talaga siyang tinuro sa akin.

I'm not mad at him, I'm even grateful. Because he made me realize a lot of things. Hindi mabubuksan ang isip at puso ko kung hindi siya dumating.

“Tikman mo rin kaya ang mga ginagawa mo, Jane." Liz suggested.

Marriage #2: My Bodyguard [Ongoing]Where stories live. Discover now