When I came out of my room, I saw my bodyguard talking to someone on his phone. Nakapamulsa siya habang ang isang kamay niya na may hawak sa cell phone ay nakadikit sa kaniyang tainga.Even though I'm far away from him, I can see the frustration on his face. Madilim ang kaniyang mukha at salubong ang mga kilay. Kumunot ang noo ko dahil mukhang may problema yata siya.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang pababa ako sa hagdan. Nang dumako naman ang paningin niya sa akin ay bigla niyang tinapos ang pakikipag-usap niya sa kabilang linya.
He seriously walked towards me. “Where are you going?" he asked in a low tone.
I raised an eyebrow. “My friends and I will go out," masungit na sagot ko.
He sighed heavily. “I can't go with you, I have something important to do."
“Really?"
Sinadya kong palakihin ang mga mata ko at binuka ng bahagya ang bibig ko na kunwari nagulat sa sinabi niya. Pagkatapos ay umangat ang sulok ng labi ko at muli siyang tinignan ng seryoso.
Nag-cross arms ako. “That's good news for me! Walang nakabuntot sa akin na parang aso." I smirked at him.
Akala niya siguro ay nalulungkot ako o mag-aalala. Well, he's wrong! Mas okay nga na wala siya dahil wala rin akong iisiping tao na pipigilan ako sa mga gusto kong gawin.
Napasinghap siya. “Wala akong pakialam sa iniisip mo, brat. I just want to say that I can't go with you because I need to do something important. Hindi ako katulad mo na bigla na lang umaalis ng walang pasabi."
“Oh, bakit?" I looked at him from head to toe as I raised an eyebrow again. “Are you my boyfriend or husband that I need to inform constantly?"
I want to annoy him always to test his patience. Baka kasi bait-baitan lang pala siya at nasa loob lang ang kulo.
His jaw clenched. “Ayaw kong makipagtalo sa ’yo ngayon. I have more important things to think about. Hindi ko muna sasayangin ang oras ko sa ’yo. Aalis na ako," tumalikod na siya. “Just text or call me when something bad happens."
“Asa ka, moron!" sigaw ko at napa-irap bago siya tuluyang makalabas ng pintuan. I smiled when he disappeared from my sight. Agad kong kinuha ang cellphone ko para ibalita sa apat ang good news.
My smile disappeared when I saw the message from an unknown number on my cellphone screen. Kunot noong binuksan ko ang message at binasa.
:from an unknown number
"Don't drink too much, I'll pick you up as soon as I'm done with what I'm going to do. Make sure to distance yourself from those men inside the club."
—your moron bodyguard.
Hindi ko alam pero napatawa ako sa huling nabasa ko. I don't know what he means... at kahit naman hindi niya sabihin ay didistansya talaga ako sa mga lalaki. Like I said, I'm not comfortable with men.
I just shook my head.
Akmang pipindutin ko na ang messenger app ng muli akong makatanggap ng mensahe mula pa rin sa kaniya. Agad ko rin itong binasa tulad nang naunang mensahe.
:from an unknown number
“Save my number, brat."
Napa-irap ako at hindi sinunod ang sinabi niya. Hindi na rin ako nag-reply sa kaniya dahil wala naman akong nakikitang dahilan para reply-an ko siya.
Muli akong bumuntong hininga bago ko buksan ang aking messenger. Masayang pinindot ko ang call, mas lumaki naman ang ngiti ko ng agad nila itong sagutin.
YOU ARE READING
Marriage #2: My Bodyguard [Ongoing]
RomanceShiera Jane Valencia has a dark past that only she knows about. She has kept it to herself and forced herself to fight the fear it caused. Despite feeling like there is no reason to live anymore, she chose to continue with her life. Then one day, un...