MB 14

1K 33 8
                                    

“Fix yourself, brat. Uuwi na tayo sa bahay mo."

’Yan agad ang binungad niya sa akin pagkabangon ko sa higaan. He threw a white t-shirt at me.

“Change your clothes and eat right after you change. Nagluto na ako, kakain ka na lang. Hurry up so we can leave."

I groaned.

“I don't want to go back to my house," lukot ang mukhang saad ko. “I just want to stay here. Dito na lang muna ako." I lay down on his bed again.

Ayaw ko munang umuwi.

Napasinghap siya at salubong ang kilay na tumingin sa akin. “Hindi ka puwedeng mag-stay dito sa bahay ko."

“Bakit naman?" I was confused

He looked at me seriously. “Kung mananatili ka dito sa bahay ko ay mas magiging mahigpit ako sa’yo. This is my house so I will decide on everything."

Ngumuso ako. “Okay lang," walang pakialam kong sabi.

“Okay lang?" an expression of disbelief appeared on his face. “You can only go to a bar or nightclub three times per month."

“What?" napabangon ako bigla. Malalaki ang mga matang tumingin ako sa kaniya

“Oh, see?" he chuckled. “Bilisan mo, mag-asikaso ka na." Tinalikuran niya ako pero bago pa siya makalabas sa kuwarto ay pinigilan ko na siya.

“Wait!" hinila ko siya sa damit. “Five times per month," hirit ko.

He shook his head. “Three times per month! Kung ayaw mo, uuwi tayo sa bahay mo. Bilisan mo na dahil hindi pa ako tapos sa problema ko."

“Three times per month lang?" ngumuso ako at nag-isip. Kalaunan ay bumuntong hininga ako. “Okay, fine. Three times lang akong pupunta sa bar o nightclub per month."

Ayaw ko pa kasi talagang umuwi. Pakiramdam ko kasi ay babalik doon ang tatay ko para puntahan ako. Ayaw ko siyang makausap at makita.

Umangat ang sulok ng labi niya. “You are not allowed to leave without me. I will not allow you to go there without me."

My brows snapped together. “Okay..." sabi ko sa mahinang tono.

Okay lang sa akin na palagi ko siyang kasama sa tuwing lalabas ako, okay talaga ’yon para mas safe ako.

Sa kanilang dalawa ng tatay ko ay parang mas maayos siyang kasama. Ayaw ko sa tatay ko na parang tumatanda ng paurong.

Problema lang siya sa buhay ko.

“You will not wear revealing clothes when you are not with me," he spoke again.

Napakamot ako sa ulo at parang bata na pumadyak-padyak sa sahig. “Bakit ang dami naman?" I asked complainingly.

“Ilan pa lang ’yan dahil marami pa. Huwag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo gusto, uuwi tayo sa bahay mo."

“Okay, okay." I rolled my eyes. “I will obey everything you want. Basta, huwag muna tayong umuwi sa bahay ko. Ayaw ko muna doon dahil baka guluhin lang ako ng matandang ’yon."

He stared at me for a moment before he spoke again. “I will make a contract."

Napangiwi ako. “Para saan naman?"

“Para may katunayan na pumayag ka sa mga gusto kong mangyari."

I looked at him in disbelief.

Kailangan ba talagang may gano’n? Nakakaloka naman pala siyang makasama sa bahay niya. Naglalapag ng kontrata.

Marriage #2: My Bodyguard [Ongoing]Where stories live. Discover now