MB 13

729 30 2
                                    

Parang biglang lumiwanag ang paligid. Kitang-kita ko kung paano mamutla ang lalaki dahil sa pagsakal niya dito. Hindi na rin niya magawang makapagsalita.

"Saij, stop it!" my lips parted a bit as my eyes widened when he didn't listen to me. Tinangka ng lalaking alisin ang kamay niya na nakasakal sa leeg nito.

He was really angry.

Kaunti na lang ay mapapatay na niya ang lalaki. Hindi ko akalain na ganito pala siya magalit ng sobra. Sobrang nakakatakot din siya.

But I can't just watch him until he finally kills the guy.

Natatarantang niyakap ko siya mula sa likuran. I cried again because I was afraid that he might kill someone.

"S-stop it, please... Okay naman na ako," I sobbed quietly. Natatakot ako, ayaw kong makapatay siya ng dahil sa akin.

"They tried to rape you, Era," galit niyang sabi. "Such people do not deserve to live in this world!" His thunderous and enraged voice consumed my ears.

I hugged him tightly. "N-no, no... Please listen to me, Saij. Don't kill them. Ako ang mahihirapan kapag nakapatay ka."

Magiging kasalanan ko 'yon kapag nakapatay siya. Hindi ko kakayanin kapag may nakapatay ng dahil sa akin.

He was silent for a moment. Tila pinag-iisipan niya ang sinabi ko. Umiiyak ako at humihikbi habang nakayakap sa kaniya.

I breathed a sigh of relief when he let go of the guy. Bumagsak din ang lalaking sinakal niya tulad ng lalaking pinagsisipa niya nang bitawan niya ito. Parehas silang nawalan ng malay.

Ang bilis ng pangyayari. Ni hindi ko man lang nakita kung ano pa ang ginawa niya sa isang lalaki bukod sa malakas na pagsipa niya dito nang paulit-ulit.

Inalis ni Saij ang mga braso kong nakayakap sa kaniya at humarap siya sa akin. He wiped my face as he looked at me softly. Kinulong niya ang pisngi ko sa kaniyang mga palad. I wrapped my arms around his waist again as we faced each other.

"Are you okay?" He asked gently while still wiping my cheeks with his thumb.

I nodded silently while still crying.

Bumuntong hininga siya bago ako yakapin ng mahigpit. Mahigpit ko rin siyang niyakap pabalik at muli na namang umiyak ng husto kasabay ng panginginig ng buong katawan ko.

"It's my fault," he whispered. "Dapat talaga ay sinamahan na lang kita." Nararamdaman kong hinalikan niya ang ulo ko at hinimas ang likuran ko. "You almost got raped. Putang ina nila!"

Mariin akong napapikit dahil sa malutong at malakas na pagmumura niya. I didn't expect him to curse like that.

"S-saij..." I looked at him again.

"Hmm?"

I swallowed hard. "T-thank you."

He took a deep breath. "No need to say that," aniya. "Let's go home para makapag-pahinga ka na. Your whole body is still shaking." Inayos niya ang skirt ko bago niya ako buhatin.

As he lifted me into his arms, I closed my eyes and nestled against his chest. I could sense the rapid rhythm of his heartbeat beneath my cheek. Alam kong galit pa rin siya at pinipilit lang na pakalmalhin ang sarili niya.

I took a deep breath. May butil na naman ng luha ang kumawala mula sa mga mata ko.

I thought it would happen again.

Napahikbi na naman ako. Hinayaan lang niya ako at tumahimik lang hanggang sa maisakay na niya ako sa kotse. Tahimik lang akong umiiyak habang nasa biyahe kami pauwi. Wala naman akong narinig na kahit ano sa kaniya.

Marriage #2: My Bodyguard [Ongoing]Where stories live. Discover now