MB 10

1.2K 35 3
                                    

How does it feel to have a parent with you? ’Yong may nanay at tatay ka na handa kang suportahan sa kahit na anong bagay. Having a parent you can lean on when you're having a hard time?

This is actually the first question that always comes to my mind.

A single tear suddenly rolled down my cheeks as I looked at my mother's picture. Sa litrato ay hinimas ko ang mukha niya.

“I miss you so much, ma," I whispered through shivering lips. “I hope you're still here by my side. Mag-isa na lang talaga ako, ma. Pinipilit ko na lang kayanin ang lahat para sa’yo kahit wala ka na."

I silently sobbed.

Mapait akong ngumiti habang tinitigan ko ang kaniyang mukha. It's just so painful because I can only see her in the picture or photos. Ang mga picture na lang niya ang tanging nayayakap at nakikita ko.

Kung may tumulong lang sana sa amin noon ay malaki ang posibilidad na buhay pa sana siya ngayon. I wouldn't have been left alone if my mother was still alive.

“Ang tagal mong lumaban para sa akin, ma..." I cleared my throat. “Kaya sa tingin ko ay dapat ko ring ipaglaban ang buhay ko kahit sobrang hirap na."

Pinunasan ko ang aking mukha bago ko halikan ang kaniyang larawan. Pinilit kong ngumiti kahit patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Hanggang ngayon ay masakit pa rin talaga.

“Alam mo ba, ma. Wala pa rin siyang kuwentang ama," sumbong ko na parang naririnig niya ako. “Hindi talaga anak ang turing niya sa akin. Wala siyang pinagbago kahit wala ka na. Hindi ko pa rin maintindihan ang mga ginagawa niya ngayon."

I took a deep breath to calm myself. Tumingin ako sa ceiling at pumikit. Naging sunod-sunod naman ang pag-agos ng luha ko habang iniisip ko ang mga panahong kasama ko pa siya.

She is all I have and I am all she has. Kaming dalawa lang ang tanging magkasama pero ngayon ako na lang mag-isa. But I think it's better that she's gone than to witness her suffering.

“Rest in paradise, ma," I whispered as my tears flowed again. “Hintayin mo ako, magkakasama rin tayo diyan. Susundan kita kapag nasa tamang panahon na. I miss you so much, mahal na mahal kita."

I looked at her picture again. Muli ko itong hinalikan bago ko itago. Ayaw kong i-display ang mga litrato niya dahil baka masira o mawala. ’Yon lang ang mga alaala niya sa akin. Kinakausap ko ang mga iyon kapag pakiramdam ko gusto ko na namang sumuko.

Her photos have left a deep impression on me. Whenever I glimpse her radiant smile in those images, it's as if she's sending me a comforting message, assuring me that I have the strength to conquer any challenge.

I love my mother so much, no one can replace her in my heart. Siguro kung may mamahalin man ako ay pangalawa lang siya dahil ang nanay ko ang una sa puso ko.

I took a deep breath again.

Humarap ako sa salamin at pinusod ang buhok ko. I looked and touched the semicolon tattoo behind my ear. Hindi ito kita kapag nakalugay ako dahil natatakpan ito ng buhok.

Hindi rin ito kalakihan kaya sa malapitan lang makikita. I also always put a high coverage face powder on it to cover it and no one will see it every time I tie my hair.

I want to keep the tattoos on my body a secret.

I got a semicolon tattoo as a reminder that I am stronger than anything. I chose to keep going with my life, even when it seemed like there was no reason to continue.

Ang tanging pinanghahawakan ko na lang ngayon ay ang mga ginawang paraan ni mama para mabuhay ako. Hindi ko ’yon sasayangin.

Agad kong inalis ang pagkakatali ng aking buhok ng biglang bumukas ang pintuan. My brows snapped together when I saw my bodyguard.

Marriage #2: My Bodyguard [Ongoing]Where stories live. Discover now