“Ano bang problem ng bodyguard mo?" tanong ni Cassy matapos niyang uminom. I already told them that moron won't be able to pick me up later because he has a problem.
“Hindi ko alam," tipid kong sagot at bumuntong hininga habang ginagalaw ang basong hawak ko na may lamang alak.
We've been drinking for a while, but the low alcohol percentage in our chosen drink hasn't had an impact on us yet.
“Paano na ’yan?" I shifted my gaze towards Lucy as soon as I noticed the concern in her voice. “Wala kang kasamang umuwi. Alam mo naman na may mga makakasama kami after nito kaya hindi ka namin mahahatid."
I shook my head to let her know that everything was alright and there was no need for them to worry. “Okay lang naman ’yon," sabi ko. “Ako na lang ang uuwi mag-isa kapag dumating na ang mga makakasama niyo mamaya."
“Sure ka ba?" salubong ang kilay na tanong ni Liz.
I nodded my head. “Huwag niyo na akong isipin dahil puwede naman akong mag-commute pauwi. Kaya ko naman at saka hindi ako maglalasing ng sobra ngayon."
Walang magsusundo sa akin kaya hindi puwedeng malasing ako ng sobra. Hindi rin naman puwede na mag-commute ako na sobrang lasing dahil baka sa kung saan pa ako mapunta.
I fall asleep quickly when I get too drunk. Kaya kahit noon ay hindi talaga ako naglalasing ng sobra kapag mag-isa lang akong uuwi.
Nang muli ko silang tignan ay may pag-aalala pa rin sa mga itsura nila. Parang hindi sila payag na mag-commute lang ako. Nginitian ko lang sila bago ko inumin ang alak na kanina ko pa pinaglalaruan.
“Don't worry, guys," I said again. “Mag-enjoy lang kayo mamaya ng mga lalaki niyo kapag umuwi na ako."
Cassy sighed heavily. “Pasensiya ka na, girl. We didn't know kasi na ngayon sila mag-aayang makasama kami. Late na namin nalaman, nakalabas na tayo. We wouldn't have agreed to take you with us if we had known. Ang malas pa kasi wala ang bodyguard mo."
I frowned. “Okay nga lang ’yon, parang ano naman kayo diyan." I rolled my eyes at them. “Hindi naman masama ang loob ko mga baliw."
“Nakaka-konsensiya kasi na magkakasama tayong pumunta dito tapos ikaw na lang ang mag-isang uuwi," malungkot na sabi ni Lucy. “Okay lang sana kung nandiyan ang bodyguard mo ang kaso wala."
“Masiyado kaming nakampante na masusundo ka niya kaya nag-oo kami sa tatlo kahit kasama ka na namin kanina," ani Liz.
Napakamot ako sa ulo. “Okay nga lang. Naiinis na ako sa inyo," I said in annoyance. “Let's just drink and stop talking." Sunod-sunod ang naging pag-inom ko matapos kong sabihin ’yon.
It's not a big deal to me if I go home alone.
Alam ko naman kasi na may pagkakataon talaga na magiging mag-isa ka. Hindi sa lahat ng oras at panahon ay makakasama mo ang mga taong palagi mong kasama.
We all fell silent after I spoke. Uminom na lang din sila tulad ng ginawa ko. Matagal din kaming natahimik hanggang sa may mga lalaki ang biglaang dumating.
Nag-angat ako ng tingin sa tatlo ng lapitan sila ng mga lalaking ito. Agad naman akong napa-iwas ng magkani-kaniyang halikan sila sa harapan ko.
Ang mga walang hiya ay hindi man lang ako inisip!
Nagkuwanri na lang akong may kinakalikot sa cell phone ko na mabilis kong kinuha para may pagbalingan ako ng atensyon hanggang sa matapos silang maghalikan.
For fuck’s sake! It was my first time witnessing someone kissing, and it happened right in front of me. Grabe naman ang mga taong ’to!
“Why are you so early?" It was Cassy's voice. Tapos na yatang makipaghalikan dahil nakapagsalita na.
YOU ARE READING
Marriage #2: My Bodyguard [Ongoing]
RomanceShiera Jane Valencia has a dark past that only she knows about. She has kept it to herself and forced herself to fight the fear it caused. Despite feeling like there is no reason to live anymore, she chose to continue with her life. Then one day, un...